KBNT 5

6 1 0
                                    

Song: Ferris Wheel by Yeng Constantino

Vote. Comment. Appreciated.

Thank you!

"Enchanted Kingdom?!" Gulat kong tanong pagkatapos magpark ng van na sinasakayan namin nila Jarred, Richie, Karen, 'yung manager ata ni Pula na si Manager Joy at siyempre 'yung driver. 

Pagkatapos ng humigit isang oras na biyahe ay nakarating din kami sa pupuntahan namin. Ayaw pa ngang sabihin ni Jarred kung saan kami pupunta simula nang isakay niya kami sa pangmayaman niyang van.

Akala ko rin ay dumikit na ang puwit ko sa upuan sa sobrang tagal ng biyahe namin! Napakatraffic sa Pinas! Traffic na lang ata ang forever sa panahon ngayon. Pero si Richie naman ay enjoy na enjoy ang buong biyahe namin dahil kasama niya ang 'hunny bunny Jarred Co' niya. Kung makire na si Richie, mas dumoble pa ang taglay niyang kakirehan kanina sa biyahe. Ang sarap niyang ipalapa sa mga shark kapag may time.

"Omygas! Nakakaexcite naman! Ngayon na lang ulit ako makakapunta dito!" Sabi ni Richie habang nasa labas na kami ng van.

"Anong ngayon ka lang makakapunta dito? Eh, tuwing field trip nga natin ay palaging ito ang destination!" Pangongotra ni Karen kay Richie.

Nag-away na naman sila. 

Totoo naman kasi ata na kapag field trip nila ay dito lagi ang last stop. Ako naman ay kalilipat ko lang sa school nila kaya hindi ko alam kung EK nga ba lagi ang field trip sa school namin ngayon. Sa school kasi  namin dati ni Jarred ay isang beses lang yata pumunta dito sa Enchanted Kingdom at bata pa ako noon.

Sinagot naman ni Richie si Karen. "Ano ba? I mean, ngayon lang ako nakapunta dito sa EK na kasama si Hunny bunny Jarred Co!" May patalon-talon pa nitong saad, "Teka, nasaan ba siya? Oh, ayan pala sa likod mo Toby! Bakit ka nagtatago sa likod ni Toby, Jarred?" 

"Ah, hehe... Wala may nakita kasi akong kuto sa buhok ni Toby, kinukuha ko lang. Hindi kasi nagliligo eh, ayan tuloy kinukuto ka na Tobs." Palusot ni Jarred.

Tignan mo itong isang ito! Dinamay pa ako! 

Siniko ko nga siya, "Hoy! Naliligo ako! Ikaw nga itong hindi naliligo diyan!"

Ang totoo talagang dahilan nitong si Pula ay dahil natatakot na raw siya kay Richie. Hinaharass kasi siya nito simula pa kanina sa loob ng kotse habang bumabiyahe kami. Nalaman rin niya na si Richie ang nagte-text sa kaniya. 

Hinayaan ko lang si Richie na pagnasahan si Pula dahil tawang-tawa ako sa pagmumukha niya na hindi mo maintindihan kung naiinis na nandidiri o ano. Niyayakap kasi siya ng kaibigan ko at wala naman siyang magawa kung hindi ang hayaan ito. Tiningnan niya pa nga ako na parang nanghihingi ng tulong kanina sa kotse pero hindi ko siya pinansin.

Napatigil lang kami sa paghaharutan nang magsalita ang manager ni Jarred sa loob ng van, "Jarred, ikaw na ang bahala sa kanila. May gagawin pa ako. Sana magtagumpay ka sa misyon mo." Atsaka kumindat ito kay Jarred.

Sinuklian naman siya ng isang tingin ni Jarred na mukhang sure na sure siya na magagawa niya ito. 

Anong mission ang sinasabi nila? 

"Teka, hindi po kayo sasama?"Tanong ni Richie doon sa manager ni Jarred.

"Nope Guys. Ipagda-drive muna ako ni Mang Nestor pabalik sa Maynila. Huwag kayong mag-alala, babalik rin naman si Mang Nestor mamayang gabi para sunduin kayo kaya mag-enjoy lang kayo!" Sabi ni Manager Joy ng may malaking ngiti sa kaniyang mukha.

Hindi na rin sila nagtagal at umalis na rin agad.

Nawala na rin ang pag-iisip ko doon sa misyon na sinasabi nila nang masiglang sumigaw si Jarred, "Okay! Tara na sa loob! Sagot ko kayo guys!"

Lesbi Turns Into A WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon