Toby
Pauwi na ko ngayon at nakasakay na sa trycicle.
Namalengke ako bago umuwi sa bahay namin at namili ng ilang mga gulay at baboy para magluto ng sinigang.
Tinawagan kasi ako kanina ni tatay habang nasa bahay pa ako nila Richie. Sinabi niya na dumaan raw muna ako sa palengke dahil namimiss na daw niya ang sinigang na luto ko.
Mga kapatid ko kasi lumamon lang ang alam nila, oo lumamon talaga, napakalakas kumain ng mga iyon e.
At saka kapag nagluto ang mga iyon, baka mawalan pa kami ng bahay dahil sa sunog. Susme!
Nagluluto naman si tatay kapag may time siya. Busy lang siguro sa talyer 'yun ngayon kaya ako na ang pinagluluto.
Nang makauwi ako ng bahay ay hindi ko naabutan si kuya Justin at tatay sa bahay. Si James lang ang nandito na may sarili na namang mundo, kaya inayos ko na agad ang lahat ng pinamili ko pati na rin ang mga sangkap na gagamitin ko para maluto ko ang aming hapunan.
Halos isang oras din ang tumagal at malapit na akong matapos sa pagluluto. Tinikman ko na lang at kuntento naman ako sa kinalabasan, sakto lang ang asim. Mas maasim pa rin kili-kili ni Richie dito.
Nasamid na siguro 'yun ngayon. Pero totoo naman. Hahahaha!
Tinuruan naman kasi kami ni tatay para daw maging bonding naming magkakapatid ang pagluluto kaso ako lang ang natuto.
Ang ending, basketball ang naging bonding namin at sila kuya naman ang nagturo sa akin. Mas maganda na rin 'yun kaysa naman sa mga barbie doll ang laruin ko. Yuck! Pangmaaarte lang ang laruan na iyon.
Laking kalye rin ako. Teks at jolens ang nakalakihan kong mga laruan. Kung tatanungin niyo naman kung sino ang mga nakalaro ko, si Red lang at wala ng iba.
Hindi naman dahil walang gustong makipagkaibigan sa akin pero may dahilan lang ako.
Ang bestfriend kong sikat na ngayon.
Bakit kaya tinitiliaan ng mga babae 'yung tukmol na 'yon?
Kasi gwapo siya!
Sus, gwapo nga! Hindi naman naliligo araw-araw. Kapag nilabas ko sa publiko na hindi siya naliligo kapag hindi mainit ang tubig, siguro babagsak agad ang career no'n!
Napaka-supportive ko talaga.
Naglagay na ako ng apat na plato sa lamesa. Para sa akin, sa dalawa kong kapatid at kay tatay pati na rin ng mga baso.
Tinawag ko na si James na nasa kwarto niya at busy maglaro ng mobile legends. Naadik na naman sa mga laro-laro na 'yan sa cellphone kaya pinapagalitan siya lagi ni tatay.
Ako kasi hindi talaga ko masyadong mahilig sa mga gadgets. Mga basic lang alam ko pero hindi ko kayang tumagal sa facebook o kahit anong social media. Pero naman ako ng mga 'yun!
14 years old na 'yan si James. Kahit na palaging mong makikita 'yan na may hawak na cellphone. Napakabait pa rin niyan at tanggap niya ako kahit tomboy ako, pati na rin sila kuya dahil alam naman nila ang dahilan ko.
"James, kumain ka na! Tatawagin ko lang si tatay!" Sigaw ko sa kaniya at pinuntahan sa labas si tatay, narinig ko na kasi ang trycicle niya na pumarada sa labas.
Siguro galing siya sa customer. Pwede rin kasing si tatay na lang ang pumunta kung nasiraan ka ng kotse o motor.
Pero ang talyer talaga namin ay nandito lang sa labas ng bahay.
BINABASA MO ANG
Lesbi Turns Into A Woman
ComédieLesbi Turns into A Woman Tomboy noon. Dyosa ngayon. Isang babaeng lumihis ng landas at ngayon ay magbabalik loob? Paano nga ba nangyari iyon? Discover how a LESBI TURNS INTO A WOMAN.