KBNT 3

20 3 0
                                    

Play the song while reading this!

Laro by Autotelic

Votes and Comments will be appreciated. 

Thank you!

Toby

"Bilisan mo nga, Tobs! Ang bagal mo tumakbo!" Pasigaw na sabi sa akin Red.

"Sa pagkakaalam ko kasi Jogging itong ginagawa natin! Hindi marathon!" Sabi ko na medyo pasigaw rin.

Napaka-high kasi ni Jarred ngayon, ang taas ng energy! Ewan ko ba kung anong nakain niya.

Inaya niya kasi akong mag-jogging ngayon. Dapat nga ay hindi ko na siya sisiputin dahil antok na antok pa talaga ako kanina dahil sa thesis namin na pinagpuyatan ko kagabi. 

Huli ko nang naalala na wala nga palang pasok bukas! Tsk! Sayang ang pagpupuyat ko. Gagamitin kasi ang room namin ng mga lower year para sa exams nila. 

Okay na rin naman 'yun para wala na akong gagawin. 

Nandito kami ngayon sa pangmayamang subdivision nila Pula.

Walang masiyadong tao rito kaya naman kamapante siya na ipakita ang mukha niya dito. Nang minsan kasing inaya niya ako sa mall ay pinagkaguluhan siya ng mga 'fans' daw niya. Nakalimutan kong artista na nga pala si mokong.

Sa susunod daw ay dapat na siyang gumamit ng cap at magmask kung gusto niya pang makagala ng walang gumugulo sa kaniya sabi ng manager niya.

Hindi kasi siya nagc-cap. Ayaw na ayaw niyang nagugulo ang buhok niya, hindi katulad ko na nakasuot ng palagi ng sumbrero.

Nakawhite shirt ako ngayon at ipinatong ko lang ang isang jersey ni kuya, ipinares ko rin ang isang basketball shorts at asul na rubber shoes ko. Sa unang tingin pa lang mahahalata mo na tomboy ako. Kasi gano'n naman talaga ako!


Si Jarred naman ay nakaputing sando lang at shorts. Suot naman niya ang black na rubber shoes na regalo ko noong birthday niya. Pinag-ipunan ko talaga iyon a! Ilang birthdays na rin niya kasi ang lumipas na wala akong regalo sa kaniya, nagtatampo na raw siya. Iyon din 'yung birthday niya na pinilit niya akong batiin ko siya sa facebook kasama ang isang picture niya na siya naman ang namili dahil gwapong-gwapo siya sa sarili niya duon. Uso raw kasi 'yung babati ng may kasamang picture sa facebook.

Nagsando raw siya para makita ng mga tao ang muscles niya. Napaka-vain rin talaga ng isang ito.

Pero pansin ko rin naman na parang mas nagiging batak ang katawan niya nitong mga nakaraang araw. Required ba 'yun kapag nag-artista? Kaya pala sabi niya ay busy rin siya mag-gym.

Hindi pa sumisikat ang araw ng magsimula kaming mag-jogging, bali madaling araw pa lang.

Wala pa nga rin masiyadong tao sa paligid.

Mabilis na lumipas ang mga nagdaang araw para sa aming dalawa ni Jarred. Napapanood ko na siya sa mga ilang sikat na shows sa isang channel sa TV.  Nakagawa na rin siya ng ilang commercials at sunod-sunod rin ang mga mall shows niya.

Paliwanag niya ay may upcoming movie raw siya na napagpasiyahang i-produce ng agency niya dahil in-demand daw siya ngayon at sigurado raw sila na papatok ito. Ayaw niya pa ngang sabihin kung sino ang leading lady niya. Napakadaya!

Lesbi Turns Into A WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon