CHAPTER 6 (WHO'S THAT GIRL?)

118 28 10
                                    

Steven's POV

Isinama ako ni Alex sa school nila medyo kinakabahan ako dahil ang may ari ng school dito ay yung tito ko. Baka mahuli ako nila pero hindi talaga ako nagkamali nakita ako ni Trixie saka yung tinawag ko si Alex para tanungin ko siya para sa mga materials na gagawin dito sa booth. Nakakairita kasi bakit kasi sumunod pa ako sakanya.

"Steven." Gulat na tinawag ako ni Trixie.

"Trixie."  At gulat na din  ako sakanya, lagot ako nito sakanya.

"Magkakilala kayo?" Pagtatakang tanong ni Alex samin.

"Oo!" Sabay naman na isinagot namin ni Trixie.

"Ah okay." At maikli na sagot ni Alex samin at tinalikuran niya kami.

"Steven bakit ka nandito? Saka. Paano mo nakilala si Alex?" Mahina na tanong niya sakin ni Trixie.

"Ako yung as Bodyguard niya muna, and I have no choice gagawin ko talaga hanggang hindi masira yung business namin." Bulong ko sakanya. 

"Need talaga mag bulungan dito? Nako bakit ikaw pa kinuha niya na maging bodyguard saka alam mo hindi ka makakatitiis diyan sakanya. At mayaman ka Steven, kaya niyo labanan yung Business issue niyo?" She whispered at me.

"Tsk. Bahala na, kaya ko ito kahit man na mayaman ako habang hindi alam ni Alex na mayaman akong tao." Ngumiti ako habang bumubulong ako.

"Hay, ewan ko sayo aalis na ako lilibutin ko pa yung mga buong booth nila eh." Sabi niya at agad siya umalis sa harap ko saka bumalik naman ako sa ginagawa namin na booth nila Alex. At naabutan ko naman si Alex na sinisigawan niya ang mga groupmates niya sa loob at kinalabit ko siya.

"ANO BA!" Sigaw niya sakin at nagulat naman ako sakanya kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Ahmm.. I'm sorry" pagpasensya niya sakin at bumalik na siya sa mga ginagawa niyang trabaho at ako naman lumabas muna ng school at nag simula naman ako mag yoyosi.

At habang nag yo-yosi ako nag-online muna ako ng facebook ko masyado 3 weeks na ako hindi nakakapag-online ng facebook. Habang ini-scroll ko sa phone ko may nakita naman akong balita sa isang newsfeed ko at ito ay tungkol naman sakin.

*Son of the Lee Company did not show up in the office for a few weeks.*

What the hell? Ito naman yung lumalabas? Eh ano ngayon kung hindi ako nagpapakita sa office namin, may importante lang talaga akong ginawa saka  ginagawa ko yung trabaho ko para sa apo ni Mrs. Ramos.

"Nakakabuwisit talaga." Sabay yosi ko sa bunganga ko, this age lang ako nag yoyosi dahil lang kay Dad at dahil sa pangyayari na yun at nag message  si Yanna sa messenger ko.

"Kuya? Na saan ka bakit hindi ka nagpapakita sa office?" Sabi niya sa chat at sineen ko lang yun siya tsaka nakaupo lang ako dito sa iisang bench dito sa school. Habang sinusubo ko yung cigarette ko, biglang naman may kumuha sa cigarette ko mula sa bunganga ko at tumingin ako kung sino naman ang kumuha yun.

"Why are you here? And why are you trying to smoke here?" Ang cold niya makapagsalita akala niya siya yung girlfriend ko na lagi sasaway.

"Why did you asked? Tsk. You don't care." Seryoso kong sagot, at nakita ko itinapon niya ang sigarilyo ko saka tinapakan niya at dinurog niya yung sigarilyo ko. Kahit kailan hindi siya naawa sa tao pati ba naman ang sigarilyo hindi siya naawa saka tumayo na ako at humarap sakanya.

"Talagang dinurog mo talaga yung sigarilyo ko no? Pati na yung araw ko." Naasar na talaga ako sakanya at napipikon, yung inihanda ko ang kamay ko para sampalin siya  pero napaisip ako bigla babae  pala yung kaaway ko.

"Wait! Please n-no! Sige magsusumbong ako kay Grandma kapag tinuloy mong sampalin ako." Sabi niya at napangiti lang ako sakanya at ibinaba ko na ang kamay ko.

"Okay I'm sorry" Sagot ko at tumalikod ako sakanya

"But.." pahabol niya, at huminto ako sa nilalakad ko.

"Mag bar tayo! Na S-stress kasi ako dito." Sabi niya sabay hawak ng ulo niya.

"Okay Alex, madali naman ako kausap sige diyan ka na nga."  At Tinalikuran ko siya at saka iniwan ko siya sa may front gate.

Trixie's POV

Umalis na ako sa booth nila ni Alex at hindi ko pala akalain naging bodyguard niya yung matalik na  kaibigan ko na si Steven. Paano ang company nila at lalo na may business issue sila paano kapag wala siya doon sino ang maghahandle ng company nila yung ama niya ba?

Pero bakit yung nalaman ko na doon siya nag tatrabaho kay Alex bakit nakaramdam ako ng medyong selos? Ayaw ko naman na nagseselos ako pero hindi ko mapigilan yung sarili ko na magselos ako. Baka sa bandang huli maging sila paano na ako? Nakakaramdam ako ng lakas ng tibok ng puso ko para sakanya lalo hindi ko maitindihan ang feelings ko.

At nandito ako ngayon sa grocery namimili mag-isa ng mga junk food para iuwi ko sa condo ko. Habang mayron  akong nakitang junk food na clover flavor barbecue kinuha ko yun, ngunit may bigla umagaw sakin na clover ko isang babae na maputi, makinis ang balat chinita katulad ni Steven at mapupulang labi.

"Ah Clover, Thank you miss." Sabi niya sabay tamis na ngiti niya sakin at itinakbo niya ang Clover ko sa may counter. At iritang irita ako dito sa grocery walang hiyang babae na iyon kumuha ulit ako ng Clover at hinabol ko siya sa counter at dala-dala ko yung cart ko, at ayun nahabol ko din siya.

"Excuse me." Sabi ko.

"Yes?" Humarap siya sakin sabay itinapon ko sakanya ang Clover big size.

"Yan sayo! Akin yan inaagaw mo lang yan pagkain ko." Sabay kinuha ko ang Clover ko sa basket niya.

"Sana matutu ka Kung ano yung sayo hindi yung inaagaw mo lang ng basta-basta nang hindi sayo." Hanggang nag walk out ako sa harap niya, at pumunta naman ako sa may juice at kinuha ko yung Del Monte at Mogu- mogu saka nagbayad na rin ako sa counter. At naalala ko lagi yung babae na yun ang yabang din eh. Pero pamilyar sakin yung mukha ng babae na yun parang nakita ko na siya.

"Who's that girl?" Tanong  ko sa sarili ko.

Who's that girl? Hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita. I think in the other places ko siya nakita talagang pamilyar sakin yung mukha at parang hindi ko lang makalimutan sa isip ko, hay nako.

"Good Afternoon maam, paki lagay na lang binili niyo po para ma scan ko na po salamat." Sabi ng cashier sakin, at inilagay ko na yung binili ko saka sinolve  na rin yung mga binili kong pagkain ko nang isang buwan. At agad ko binayad yung binili ko saka pumunta na ako ng parking lot at binuksan ko ang pinto ng car at sumakay na ako ng car ko para makauwi sa condo at mag papahinga lang sa condo ko.

My BodyGuard BoyfriendWhere stories live. Discover now