Steven's POV
Hanggang nandito pa ako sa bahay nila Alex, at si Ethan umuwi na sa bahay nila at si Sydney naman, siya naman ang kasama ni Alex sa kwarto niya. Hanggang gabi na ako tumambay sa bahay nila Alex.
"Steven" nilingon ko ang tumawag sakin.
"Yes, Mrs.Ramos." sabi ko.
"Here is your ticket, and don't be late tomorrow. 10 o'clock a.m okay? " sabi niya at inabot niya sakin ang ticket.
"Thank you Mrs. Ramos." Pagpasasalamat ko sakanya.
"So, Steven alam ko mahirap maging body guard sa apo ko. Pero hiling ko sana kapag ginawa mo ang lahat para sa apo ko, pwede kana umalis. At hindi na ako gugulo sa kompanya niyo at wag na din guguluhin ng Mommy mo ang kompanya ko din. At sana pag natapos mo na ang task mo kay Alex, wag na wag mo guguluhin ang apo ko." Sabi niya, at nakatingin lang ako sakanya.
Pero bakit ba ako nakaramdam ng tinik sa dibdib? Bakit ganun parang iba na yung nararamdaman ko. Sana matapos na task ko para makalimutan si Alex.
"Okay, Mrs. Ramos." Agad siyang umalis sa harap ko at umalis na rin ako sa bahay ni Alex saka pumunta ako sa condo ni Trixie.
"Oh? Bakit nandito ka?" Gulat na pagtatanong ni Trixie.
"Bakit hindi ba puwedeng pumunta?" Tanong ko sakanya.
"Haha puwede naman, pasok." Pag-ayaya niya sakin saka pumasok na ako sa loob. Habang na sa loob ako ng condo ni Trixie bigla may lumabas sa CR at agad ko iyon ikinagulat.
''Pare!" Bati niya sakin habang nakangiti.
"Oh? Rain?" At tinap ko likod ni Rain saka ngumiti.
"Kamusta?" Tanong ko sakanya.
"Okay lang, kita mo buhay pa ako diba?" At tumawa kaming bigla.
"Hindi ka talaga nagbago." Sabi ko.
"Kanina pinuntahan kita sa condo mo bakit wala ka don?" Tanong niya.
"Ah meron lang ako pinuntahan, saka bakit ano pupuntahan mo doon?" Pagtatakang tanong ko.
"Wala lang gusto ko lang makita ka." Sabi niya, ano siya bakla na gusto niya ako makita? Grabi talaga si Rain ang laki pinagbago. Noon binubully siya ngayon hindi na siya puwedeng bullyhin, dahil ang gwapo niya at nag improve na siya
"Boys! Kain na tayo." Pagyaya ni Trixie.
"Sige susunod na kami." Sabi naman ni Rain. Pumunta na kami sa kusina at nakahanda na ang mga pagkain. Saka naka prepare na mga plato sa lamesa at umupo na kami ni Rain.
"Sino nagluto?" Tanong ko.
"Eh? Sino pa ba? Siyempre ako." Sabi ni Trixie.
"Haha okay, kain na tayo." At kumuha na ako ng pagkain saka bigla kami natahimik sa harap ng pagkainan.
"Hmp?musta pala bilang gwardiya ka ni Alex?" Seryosong tanong ni Trixie sakin saka tumingin naman sakin si Rain.
''Ha? Alex? You mean Alex Dion Ramos? Right?" Bukambibig na pagtatanong ni Rain kay Trixie saka naman tumango siya.
"Did you know her? Rain?" I asked.
"Yes, I knowing her. She is my Grade school Classmate and Sydney. Why? Did you know her?" Tanong niya sakin.
"Yes, I'm her as a Body guard." At laking gulat naman ni Rain yung narinig niya.
"What?! Totoo ba narinig ko? Body guard ka ni Alex? Pero mayaman ka naman bakit naging body guard ka?" Tanong niya.
"Long story Rain wag na natin pag-usapan." Sabi ko.
"So kamusta na?" Tanong ulit ni Trixie.
"Okay naman, but tomorrow we are going to korea. Kasi patay na ang Mommy ni Alex." Sabi ko, at bigla sila natahimik. Dapat hindi na ako susunod eh, pero kinakailangan eh para kay Mrs. Ramos at para kay Alex.
"Ok keep safe.. Steven" sabi ni Trixie at sabay ngiti niya.
''By the way I have to go, saka salamat sa hapunan." Tumayo na ako sa upuan.
"Where are you going?" Tanong ni Rain.
"Sa condo unit ko." Sabi ko saka umalis na ako sa condo nila Trixie. Pumunta na ako sa condo ko para magpahinga at mag-ayos ng gamit na dadalhin ko bukas. Nung nakarating na rin din ako sa condo unit ko, at inihanda ko na ang mga dadalhin ko para bukas. Para hindi na ako magpanic pa.
Trixie's POV
Pupunta sila sa korea? Si Alex at Steven ay pupunta sila bukas sa korea?. What the big trip! Kakalma lang ba talaga ako?
"Trixie, kakainin mo pa ba ito?" Tanong ng pinsan ko na si Harvey.
"Hmm.. Ubusin mo na lang yan nawalan ako ng gana eh." At saka tumayo na ako sa upuan.
"Saka pag-tapos ka na kumain linisin mo ang lamesa saka paki hugasan na lang yung mga pinggan matutulog na ako." Sabi ko sakanya at pumasok na ako sa kwarto ko.
Bakit nga ba ang lalim ng iniisip ko? Nako nakaka stress, saka bakit kasi pumasok yan si Alex sa buhay ni Steven eh.
"Kasalanan kasi ng lola ni Alex. Hindi lang pala kasalanan ng lola ni Alex, kasalanan pala ni Alex. Ang spoiled saka napaka matinding babae kailan pa kaya siya magbabago." Sabi ko sa sarili ko. At agad ko naman ipinikit ko ang mata ko habang kayakap ko ang roll pillow ko na iniregalo sakin ni Steven noong birthday ko.
"Trixie!" Tawag ni Harvey sakin at agad ko naman ibinukas ang pinto.
"What?" Seryosong tanong.
"Can I borrow your pillow or any blanket? Naantok na kasi ako dito ako matutulog sa sala, and hindi pa naman ako uuwi ngayon sa bahay." Sabi niya at ibinigay ko sakanya ang kumot at unan na kinuha ko sa cabinet ko.
"Thank you..'' pa cute na sabi niya sakin.
"Okay, matulog ka na saka wag mo akong isturbuhin pagod ako ha!" Sabi ko sakanya.
"Haha okay good night!" Bati niya sakin saka isinarado ko na ang pinto. Teka anong meron bukas? May pasok ba bukas? At agad naman ako nag online sa messenger.
"Guys! Walang pasok bukas meron daw whole day meeting mga teacher natin saka ibinilin ni Sir Franco na yung movie na ipinasa satin gagawan daw ng reaction paper and send your answer in through email." Sabi ni Cindy.
Nakakainis naman si sir Franco lagi na lang reaction paper. Ginagawa na niya kami bilang journalist ng school eh. Noong isang araw reaction paper sa seminar sa tourism student tapos reaction paper Intramural and then now! Reaction paper ng Coco na movie. Walang ka kwenta-kwenta ipinapagawa ng teacher namin eh.
At agad ko inihiga ang katawan ko sa bed ko. Saka pinikit ko mga mata ko, na kahit nasasaktan ako ng dahil sa lalaking gusto ko. Pero feeling ko iba ang gusto niya, dahil feeling ko gusto niya yung babaeng palagi sa tabi niya. Yung palaging kasama niya kahit saan sila pumunta. Sana ako yung na sa position niya eh, bakit kasi ang hirap naman ng sitwasyon mayaman naman ako at mayaman din siya bakit hindi ako madaling mahanap na kung ano meron kaya ako.
YOU ARE READING
My BodyGuard Boyfriend
Dla nastolatkówSiya si Alex Dion Ramos maganda at malulupit sa mga gwardiya niya. At lahat ng gwardiya niya ay laging sinasantihan sa trabaho na at paano kaya kung makilala niya ang gwapong gwardiya niya na si Steven Kevin Lee siya ay famous sa isang company at...