Yes❤️❤️

3.7K 105 5
                                    

Chapter 57
Keen's PoV

One month...

Nami-miss ko na si Zirco. Pero napapatawa naman ako ni Psycho at nakakalimutan ko si Zirco. Napapa-smile na lang ako minsan dahil naiisip ko ang kakulitan niya. Ang gulo ko diba?? Sagutin ko na kaya siya?? Natatakot kasi ako baka magsisi ako sa huli.

Kinabukasan....

Pagpasok ko sa school bumungad agad saken ang gwapong si Psycho. Bat kasi palagi siyang gwapo?

"Parang maaga ka ngayon ahh?" Pagtataka niya.


"Wala lang." Maikli kong sagot.


"Ahh siguro miss mo na ako? No?!" At tumawa pa siya

"Pano pag sinabi kong oo?" Tanong ko sa kanya na nakasmile


At nagseryoso naman siya. "Miss mo ko?"


"Bawal ba mamiss ang future boyfriend ko?"


At nagsmile siya at pinipilitan pa atang tumawa. Tumalikod siya at humarap na nakasmile. "Future.... Boyfriend? Ang ibig sabihin ba non...."

"Haha gaya nga ng iniisip mo" saad ko at yinakap ko siya


"Keen.... Grabe totoo ba to?! Keen I love you!!!!" Sigaw niya at tumawa lang ako sa sobrang cute niya

"I love you too" sambit ko at mukhang di pa siya makapaniwala.


Pumasok kami sa room na magka-holding hands. Pero bago kami makapasok....

"Teka ano to?" Tanong ni Lee na di makapaniwala.

"Kamay?" Sagot ni Psycho. Pilosopo talaga ang taong to.


"Hindi! Teka... Kayo na ba?" Tanong ulit ni Lee at tumango lang ako na may smile. "Really?!! Seriously?!! Grabe!" Sigaw niya at yinakap kaming dalawa ni Psycho.

Pagpasok namin sa room. All eyes pn us~. Makakahiya lang baka magkagulo dito.


"Teka Psycho oppa bat ikaw kasama ni Keen? At Keen bat mo siya kasama?" Tanong ng babaeng addict na addict kay Psycho. Grabe lahat na ng gamit niya may picture ni Psycho


"Dahil... She's mine" sagot naman ni Psycho. Ilan oras sasabog na sa inis ang babaeng to.

"How about me?" Tanong niya ulit

"Well sana makahanap ka ng lalaking magpapasaya sayo" saad ni Psycho at humarap sa amin at nagsmile.

-lunch time-

Pumasok kaming tatlo ni Psycho at Lee sa cafeteria na masaya, habang kami ni Psycho, holding hands~~

-
-
-

Psycho's PoV

Pagkatapos ng klase ay hindi ko muna sinamahan si Keen na umuwi. Pano kasi itong si Irene gusto akong makausap. Pero ayokong pakinggang ang bawat salitang bibitawan niya.

Nagkita kami sa likod ng school. Nandun na siya agad, masyadong excited?

"Hey" cold kong bati sa kanya

"Hi. So... Nice work Psycho. Mukhang magkakasundo tayo pagdating kay Keen" saad niya

"Yeah, yeah" so yun lang?? Aalis na sana ako ng bigla niya akong hinawakan sa braso ko at hinalikan.


Buset! Tinulak ko siya at muntik pa siyang matumba.

"You will do everything for me, Psycho. Everything." At umalis na siya.

Ayoko to. So ano? Gagamitin niya lang ako para makaganti siya kay Keen? E di ba nga sobra- sobra na ang ginawa niya? Yung nabalitaan kong pinaglaruan niya ang kuya ni Keen at syempre si Keen.

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now