Party❤️❤️

4.2K 120 6
                                    

Chapter 75
Keen's POV


Hinatid ko na si Rob sa bahay nila dahil gabi na rin. Habang ako umuwi na dahil kailangan ko pang pumasok bukas kahit weekends. Atsaka bukas na yung party ni Mr. Avero so we need to be ready



Kinabukasan...


Mukhang maaga akong nagising ahh. "Ana..." Tawag ko pero walang sumagot. "Ana!" Tawag ko na medyo malakas, wala pa ring sumagot.. "Ana!!" Sigaw ko at sa tingin ko buong bahay dinig na.
Wala akong nagawa kung hindi lumabas na lang ng kwarto.


"Ana?" Tawag ko ulit pero wala. Umalis ba si Ana? San naman pumunta yun. Bumaba ako at dumaretso sa kusina, baka sakaling nagluluto. Pero wala siya ehh. Nag-stay ako doon dahil parang tamad na akong lumakad.



"Bakit po??" Biglang may nagtanong mula sa likod ko. Nabigla naman ako at medyo lumayo... Kay Ana.


"Ana..!! San ka ba pumunta?! At wag ka namang basta-basta sumusulpot!" Payo ko sa kanya.


"Sorry. Ang aga mong gumising. Pero ayos na yon. May pagkain na diyan sa mesa, kumain ka na" saad ni Ana.


"Teka, bat di ka pala nakabihis?" Tanong ko sa kanya, may trabaho ngayon ahh


"Mamaya pa po yung party" sagot niya. Party? Ah baka akala niya tinatanong ko yung about sa party


"Hindi, hindi. May work tayo ngayon, so.... Kumilos"



"Nagpapatawa po ba kayo?? Wala po kayong work ngayon dahil maghahanda ka para sa party ni Mr. Avero mamayang 7:00" wika niya



"Ganon ba? Okay.. Salamat na lang matutulog na ulit ako" at aakyat na sana ako ng pigilan niya ako



"Kumain ka muna" at bigla siyang umalis. Haaay para siyang ewan... Bigla-biglang sumusulpot bigla- bigla ding aalis. Problema ng taong yun?


Umupo ako at kumain na, nagwawala na rin kasi yung tiyan ko. Pero habang kumakain ako nanonood ako ng video ni kuya James. At grabe ang cool niyang tingnan, pero nagtataka nga ako bat wala pa siyang girlfriend.

-
-

Ilang oras ay naligo na ako.     Darating na daw maya-maya yung mga magm-make up sa akin. Pagkatapos kong maligo, ni-ready ko na yung damit na susuotin ko, pero wala yung dress, mahal pa naman yun.



"Ana!" Sigaw ko at dumating naman siya agad-agad. "Nakita mo ba yung dress dito?? Yung black?" Tanong ko sa kanya.

But she just smirk. "Hindi po. Eto na lang ho yung isusuot nyo, pinabibigay ng mama mo" sambit niya. Nabigla naman ako sa inasal niya, feeling ko may binabalak ang apat na matang to ehh. I just nod and umalis na siya. Tiningnan ko naman yung dress and wow, it's not a dress its a long gown na maybe hanggang sa paa ko na.


Ilang minuto dumating na yung mga hinihintay ko, thank you naman baka malate pa kami. Susunduan kasi ako nina mama, kasama na rin si Rob doon, makikisabay siya sa amin since wala siyang kasabay.

Inayos nila ang buhok ko pagkatapos inapply na nila yung make up. At ilang oras natapos ako. Sinuot ko na yung black gown and it fits perfectly to me. Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin at ibang tao yung nakita ko.



Hindi sa nagmamayabang ahh. Ang ganda ko!!! Wuuu magugulat sila saken, wait lang kayo!


*beep beep~!!*


Nandyan na sina mama! Lumabas na ako sa room ko at bumaba na. Nakita ko naman si Ana sa pinto, naka-ayos na rin siya.


"Bagay na bagay mo yung gown" sambit ni Ana at nginitian ko na lang siya. Sumakay na ako sa kotse ni papa at si Ana naman sa ibang kotse na kasama na rin si Carlo, at yung secretary ni mama at papa, na nakasunod sa amin.


"You're gorgeous" wika ni papa nginitian ko naman siya


"Thank you pa, si mama nagbigay nito ehh" at tiningnan ko naman si mama, pero parang nalilito siya



"Hindi ba may susuotin ka na anak. I didn't gave that" pagpapaliwanag ni mama, sino naman ang magbibigay nito?


"Baka si lolo po. Alam niya kasing makikipagsundo ako kay Mr. Avero" sabi ko naman at nag-smile sila. Umalis na kami papunta sa mansion ni Mr. Avero dito sa Philippines. I think hindi si lolo ang nagbigay, ayaw niya kaya yung color black, kaya madalas binibigay sa akin ni lolo, white dress.


"Ahh ma, pa, sina kuya nasan?" Tanong ko. Ngayon ko palang napansin


"Ahh oo nga pala. Nasa bahay muna nagpa-iwan. Huli ng nakapagbihis ehh" sagot ni mama. Siguro sobrang gwapo ng dalawang engot na yun



Hanggang sa makarating kami sa pupuntahan. Ang daming tao at mukhang yayamanin naman lahat. Bigla tuloy akong kinabahan.


May lumapit sa amin and he looked at me.  "I think siya na. She's fine" saad ng binata na kasing-edad lang ni Rob.


"Gwapo naman siya babe pero mas gwapo jagiya ko" sambit ni Carlo at natawa naman ako. Hindi nga siya mukhang gay ngayon ehh, para siyang binata na bad boy.



May ilang babae na nakatingin sa akin este sa kasama ko na si Rob at si Carlo, ang g-gwapo kaya nila, lalo na si Rob, huhu Rob you are the best. Habang si Carlo naman naiirita sa titig ng mga babae



Umupo kami sa isang table at pinanood ang mga nagpe-perform. May lumapit na matada naman sa amin.


"Hello!" Bati niya sa amin. Tumayo naman si papa at niyakap yung matanda habang si mama nakipagbeso.



"Oh is this Keen? She is gorgeous" sambit ng matanda at nagbow naman ako as a thank you.
"Later you will meet my grandson who will be your future husband."
Nabigla naman ako. Edi wala na akong pinoproblema. Partida di pa ako nagsalita solve na agad ang mission ko na makipagsundo sa company nito.



Habang nagk-kwentuhan sina papa at si Mr. Avero, hindi ako mapakali, feeling ko may tumutusok sa katawan ko, hindi ako komportable sa pwesto ko.



Hanggang sa may narinig kaming nagbubulungan. Tumigil yung music at ilang mga babae sumisigaw.


"KYAH! WELCOME BACK THE BROTHERS!" Sigaw ng ibang babae, anong meron?? Tumayo ako para tingnan kung anong meron, at sina kuya lang pala.



Napangiti naman ako, ang g-gwapo nga. Ang gwapo ni kuya Hanse sa suit niya. Sama mo na rin si kuya James na mala-artista ang dating


"Grabe babe ang hot ng mga kuya mo." Bulong sa akin ni Rob natawa naman ako sa sinabi niya, palagi naman ako natatawa sa kanya ehh.


"Hi gorgeous.." Bati sa akin ni kuya Hanse. Pero itong si baklita panira ng moment ehh




"Hello handsome.." Bati pa ba naman pabalik sa kuya ko. Kumunot naman ang noo ni kuya.


"Hello my handsome brother" bati ko pabalik at ngumiti sa akin si kuya Hanse, bigla namang sumingit si kuya James



"Hi baklang mukhang palaka" bati ni kuya James sa kanya


"He!" Haha sinigawan si kuyaa...


Umupo silang dalawa sa tabi nina mama at papa at katabi ko ngayon si kuya James.


"Cr muna ako" pagpapaalam ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa cr. Pagpunta ko doon hindi ko siya inaasahang makita.. Grabe coincidence nga ba..?

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now