Questions❤️❤️

3.9K 101 1
                                    

Chapter 80
Keen's POV


Kinabukasan.....

Nagising ako sa naamoy ko na masarap. Grabe nagugutom na ako. Naghilamos muna ako at bumaba. Nakita ko si JinJin na nagluluto.



"O JinJin ano yan?" Tanong ko sa kanya. Tiningnan ko yung linuluto niya at.... Bacon?!! Nu ba?! Tigil na!



"Bacon?! Wala na bang iba? Bacon lan ba pwedeng ulamin sa mundo?? Kahit saang bahay ako pumunta bacon ang laman ng utak nila para ilutoooo!" Sigaw ko.


"Uy! Manahimik ka nga! Paslaamat ka may alam na akong iluto bukod sa pancake" saad ni JinJin. "At saan mo naman nakuha ang pangalan na JinJin ha?"



"Kay kuya Hanse!" Sagot ko sa kanya at umirap. Pumunta ako sa couch at nanood na lang ng TV, pagbukas ko sa TV....



"Zirco Jin, one of the popular CEO, will marry Aila Keen the owner of Fanugon Company."


Pinatay ko na lag ang TV at muntikan ko ng mahagis ang remote sa inis. Juice ko may fiancé na ang lalaking to ehh.


"Keen kain na tayo!" Sigaw ni Zirco mula sa kusina


"Walang tayo!" Sigaw ko pabalik at pumunta na sa kusina, pagpunta ko sa kusina tinititigan niya lang ako, yung normal na titig lang, siguro naiinis? Sa sinabi ko? Ngumisi na lang ako at kumain na ng bacon.


"Sa susunod wag kang magluluto ng bacon ahh?! Allergy ako" sambit ko sabay subo ng bacon


"Allergy? Eh parang hayop ka nga kung kumain" Pang aasar niya sabay ngisi



"Ako hayop?!" Tanong ko sa kanya na pasigaw. "Yung fiancé mo yung hayop" bulong ko naman sa sarili ko sabay tingin sa bintana. Pagkatapos naming kumain nagstay muna ako sa kinauupuan ko ganon din siya.


"Wala kang work?" Tanong niya sa akin


"Di ba hulata?" Tanong ko pabalik. Ang sama tuloy ang tingin niya sa akin



"Wala! Tetext ako ni Ana kapag kailangan ko ng pumasok" tumango naman siya. Tumayo ako sa kinauupuan ko para makapunta na sa kwarto pero pinigilan niya ako ng hawakan niya ang kamay ko.


"Ganito. Since hindi ka busy ngayon, gawa ka ng mga question kung anong gusto mong malaman saken. Printed ahh" at bago pa ako makaalis nauna na siya. Para naman siyan bata



"Oy JinJin! 1-20 lang ahh!" Sigaw ko at nag-thumb's up lang siya. Pumunta ako sa kwarto ko. Saan ko ip-print?? Lumabas ako ulit sa kwarto ko at pinuntahan ang kwarto niya sa tabi din ng kwarto 'namin'. Hindi man kumatok sabay pasok, gumagawa na siya.



"Saan ko ip-print?" Tanong ko sa kanya


"Sabihin mo na lang sa akin pag tapos ka na, may printer na alam ko binili ni lolo" sagot niya at tumango na lang ako at umalis.



Nagsimula na akong gawin ang mga question

Name: JinJin Kapal

1. Paano mo pinirmahan yung papel sa marriage contract natin?

2. Anong nararamdaman mo para kay Khim?

3. Galit ka ba saken?

4. Maganda ba ako?

5. Paano napasukan ng hangin ang utak mo?

6. Ilang abs nga ba meron ka?

7. Mamahalin ba yung ring na binigay mo kay Khim?

8. Kailan mo ako balak i-divorce?

9. Bakit? Question number 8.

10. Anong reaksyon mo ng nalaman mo yung marriage?

11-20 bla bla bla...


At ng matapos ako pinuntahan ko siya. "I'm doneee" saad ko at sa tingin ko tapos na rin siya. Umalis kami sa kwarto niya at pumunta kami sa library ng mansion, at doon namin na-print. Nagpalitan na kami ng papel at pumasok na sa kanya kanya naming kwarto.

Name: Keen Maingay

1. Kailan naging kayo ng boyfriend mo?

Wala akong masagot! Kailan kaya? Ahhhh... Date ng birthday na lang niya isusulat ko

Answer: November 18

2. Anong nagustuhan mo sa kanya?

Answer: manait siya at masarap kasama

3. Nagalaw ka na ba niya?

Answer: nope

4. -19: bla bla bla...

20. Mahal ko pa ba ako?

What the?? Anong klaseng question to? Hindi ko alam ang isasagot ko kaya...

Answer: ?



Pumunta ako sa kwarto niya at doon namin tiningnan ang sagot.

Ang sagot ni JinJin sa number 1 ay; hindi ko nga rin alam dahil ang dami nilang pinapapirma sa akin


Ang sagot niya sa number 2; kapag nandyan siya gumagaan pakiramdam ko

3; hindi. Naiinis lang

4; oo. Hindi ka kasi masyadong maganda

5; dumaan ka kasi sa isip ko ;)

6; haha, gusto mo rin pala ahh. My answer is 6;)

7; oo naman, mahal pa sa buhay mo.

8; after 4 months

9; dahil mahal ko ang fiancé ko.

10; wala lang.


Ang galing ng mga sagot niya, lahat masakit ehh.

"O basahin mo na yung sa akin" utos ko sa kanya sabay bigay sa papel ko. Binasa niya ito at minsan kumunot ang noo niya.


"Walang answer sa number 10?" Tanong niya

"Meron! Yung question mark" sagot ko, natawa naman siya


"Baliw ka talaga"

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now