Aila??❤️❤️

4.9K 122 1
                                    

                  Chapter 36
Third person's PoV


Pauwi na ang dalawang mag asawa galing sa trabaho. Ang trabaho ng lalaki ay magsasaka habang ang babae ay may-ari ng glossary. Truck ang ginagamit nila at masaya silang nagb-byahe. Ilang oras ay may nakita silang babae at nasagasaan nila ito. Agad silang bumaba sa truck at tiningnan ang babae


"Aila!" Sigaw ng babae na umiiyak

Dati kasi ay may anak silang babae na nagngangalang Aila, at namatay ito sa sakit. Naging masakit ito kay Mrs. Evina o ang babae dahil nawala sila ng bunsong anak. At kamukha ni Keen si Aila at ngayon ay pinagkamalan ni Mrs. Evina na siya si Aila

Dali-dali nilang dinala sa hospital si Keen. Pagkarating nila doon ay umiyak si Mrs. Evina sa kanyang asawa.

-
-

Sa kabilang banda naman ay walang alam sina Hanse at James sa nangyari

"Saan na ba si Keen?" Tanong ni James dahil may kailangan na naman siya panigurado

"Baka nagkulong sa kwarto hayaan mo na ang babaeng yon! Kasalanan niya na in love siya" sambit ni Hanse

Ilang oras ay dumating si Zirco

"O boss! Bat nandito ka??" Tanong ni James

"Inom tayo" wika ni Zirco at uminom sila

Pero hindi mawala ang mata niya sa kwarto ni Keen.

Ilang oras ay may sumisigaw sa labas. Lumabas ang tatlo at nakita nila si Ion


"Si Keen?!" Nagagalit niyang tanong

"Pake mo?! Uwi ka na!" Sigaw ni James

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya" sambit ni Ion

"Bakit ba??" Tanong naman ni Zirco

"Diba wala kang pake sa kanya so wag kang makialam!" Sigaw ni Ion

At nagalit si Zirco.    "Simula ngayon alis ka na sa grupo"

"Hindi. Aalis ako sa grupo" sambit ni Ion at umalis


Rob's PoV

Sasama sana ako kina Zirco na iinom pero tinawagan ako ni mama, tinakbo daw si lola sa hospital. Ngayon ay nakaupo ako at pinapanood ang dalawang mag-asawa na umiiyak.


At lumabas ang doctor

"Kumusta po si Aila?" Tanong ng babae

"good news ay magigising siya siguro 1 week bago, ang bad news ay maaring hindi na niya kayo makikilala" sambit ng doctor

Agad namang pumasok ang mag-asawa kung nasaan si Aila, ang anak nila ata. Aila, Aila Keen?? Haha.

-3 days-

Tatlong araw na ako dito, kapag pagkauwi sa school ay dito ako pumupunta.

Oo nga pala, linipat yung babae na nagngangalang Aila sa tabi ng room ng lola ko. Kaya medyo nakaklito.


Pumasok ako sa kwarto pero walang tao, at naisip ko na hindi ito ang kwarto ni lola

"Sorry wrong room" sambit ko. Sasara ko na sana ang pinto ng parang kilala ko ang babae na nakahiga.


Lumapit ako dahil wala ring tao.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"Keen!! Keen ikaw nga!! Keen!" Nag-aalala talaga ako ngayon sa kaniya, may sugat siya sa noo at may oxygen.

Pero bigla na lang may dumating

"Anong ginagawa mo rito?? Sino ka??" May biglang nagtanong

Tiningnan ko ang nagtanong at di ko sya kilala. Syempre kilala ko sino ang magulang ni Keen dahil magulang niya ang magulang nina Hanse at James diba

Pero ang gulo!! Ano bang nangyayari?!!

"S-sino po kayo?? Kilala ko po ang taong to siya po si Keen!"'sigaw ko pero di man lang kumibo ang mag asawa

"Anak namin yan!! Siya si Aila! Aila ang pangalan niya!" Sigaw ng babae

"Umalis ka na!" Sigaw naman ng asawa ng babae

Pero di ako umalis at tiningnan si Keen

"Umalis ka na!!" Sigaw ulit ng lalaki at hinila ako palabas.


Hindi ko alam ang gagawin ko kaya kinuha ko ang phone ko. Pero hindi ko mahawakan ng maayos ang phone ko dahil pinagpapawisan ang kamay ko at nanginginig pero natawagan ko si Hanse.

"H-Hanse??"

'Nu problema??'

"Si Keen nandyan??"

'O-oo nasa kwarto bakit ba??'

"Sigurado ka Hanse??"

'Hindi!'

Kainis siya!!!

"Pakitingin nga!!"

'K'

Ilan oras ay nagsalita na siya

'W-wala siya, wala siya!'

At pinatay ko agad ang phone ko


Hanse's PoV


Bakit ba gusto niyang malaman kung nasaan si Keen?? Dapat wala na kog pake dito ehh


"Keen!!" Sigaw ko at kumatok.

"Keen!!" Sigaw ko ulit pero wala pa ring sumagot.

Kaya pumasok ako. Pagpasok ko ay walang tao, malinis ang lahat. Pumasok ako sa banyo niya pero wala siya nagsimula na rin akong mag-panic at ng magsalita ako ay agad pinatay ni Rob ang phone niya.

"James!!" Sigaw ko

"Ano?!!" Sigaw ni James mula sa kusina

"Si Keen nawawala" sambit ko at nabigla naman siya


Dapat naalala na namin aga ehh. 4 days na pala siyang nawawala wala man akong alam.

"Si Keen... Nasaan siya?!" Nag-aalalang tanong niya

"Hindi. Ko. Nga. Alam!" Sigaw ko

Tumayo siya sa upuan niya.

"Si Rob, tumawag sa akin si Rob siguro alam niya kung nasaan si Keen" sambit ko at tumango lang siya


Tinawagan ko si Rob

"Rob!! Nasan ka?!"

'Ah ammm bukas na lang tayo magkita sige bye' at agad niyang pinatay ang phone niya.


Buset!

Keen!!!

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now