Chapter 90
Keen's POVMinulat ko ang mga mata ko ng narinig ko an pagtunog ng phone ko. Sumikat na rin ang araw kaya naisipan kong bumangon na. Itinapat ko sa kaliwa kong tenga ang phone ko.
"Hello?"
"Keen!!!!" Sigaw ni kuya Hanse. Ramdam ko ang kaba niya mula dito, siguro kinakabahan siya para sa opening ng bar niya.
"O bat paran kabado ka? May problema ba?" Mahinhin kong tanong sa kanya
"Wala, walang problema. Gusto ko lang sanang ipaalala sayo yung mamaya, wag kang male-late ahh? Sama mo yung fiancé mo. Baka nandoon si Psycho...." Natigilan naman ako sa narinig ko. Bat pupunta si Psycho?
"T-teka kuya, bat pupunta siya?" Naguguluhan kong tanong
"Don't worry Keen, naka move on na panigurado yun. At pupunta siya dahil business partner ng papa niya si papa, parang.... Tinutulungan lang nina papa ang company nila. Pero kasama pa rin si papa sa company na yun" saad ni kuya. Umupo ako sa sofa dahil mukhang mapapatagal ang pagk-kwentuhan naming dalawa.
"O sina Marco? Darating ba?" Masigla kong tanong sa kanya
"Oo naman! Si Marco, si Makee pati na rin si Ion" sagot naman ni kuya Hanse. "I need to go, princess. Kita mamaya ahh?"
"Bye..." Pagkabanggit ko non ay pinatay na ni kuya yung phone. Pumunta ako at as usual may nakalapag na pagkain kasama na rin Zirco, pero hindi siya pakain ahh?
"Morning" bati niya sa akin sabay wink. Inirapan ko siya pero hindi ko mapigilang ngumiti sa kanya. "Uy kinikilig siya! Namumula pa siya"
"H-ha? Hindi no!" Sigaw ko sa kanya at binatukan siya
"I-deny mo pa. pero wag kang mag-alala maganda ka pa rin" pang-aasar niya. Mas lumaki naman ang ngiti ko sa kakornihan niya
"Ang corny mo! Kung hindi ka lang talaga gwa-- wala wala" muntik na ako doon ahh. Kumunot naman ang noo niya, dahil siguro hindi niya ako gets pero ngumisi siya ng nakakaloko na ikinatakot ko
"Bat di mo tuloy? Mukhang magugustuhan ko yung sasabihin mo ahh?" Pang-aasar niya kaya napahalakhak siya. Inirapan ko lang siya at kumain. Ilang minuto rin bago siya tumigil sa kakatawa.
"O bat ka tumigil? Ihahanda ko na sana yung hukay mo dun sa sementeryo" saad ko sabay irap at subo sa pagkain..... Bacon..
"Sorry... Sorry... Nga pala, pupunta ka sa opening ng bar ng kuya in law ko?" Tanong niya sa akin. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko gets. Pero ng maisip ko si kuya Hanse ay bigla akong namula na ikinahalakhak niya.
"Rest in peace..." Bulong ko na sapat lang para marinig niya. "Tumigil ka nga! Syempre pupunta ako! Kahit na hindi pa rin ako handa na makaharap si Psycho" sambit ko at pabulong na lang sa pangalan ni Psycho
Bigla naman siyang nagseryoso at walang kalaman-laman na emosyon ang mga mata niya. "Narinig kita.... Kung ganong pupunta siya? Hwag na lang kaya tayong pumunta? Masakit rin kasi tiyan ko ehh-- ahh!" Sambit niya at hinawakan ang tiyan niya at nagsisigaw sa sakit kunno!
Pinanliitan ko siya ng mata at kumain na lang ng kumain. "Sige... Arte pa! Bigyan kita piso mamaya" wika ko sabay subo
"Ehem! Gwapo naman ata ako doon? Ano ulit pangalan? Mr. Psychopangetinagawanggirlfriendko?" Saad niya at hindi ko pa naiintindihan sa sobrang bilis.
"Psycho lang ang pangalan niya.." Sabi ko at uminom na ng tubig pagkatapos kong kumain, diet ako ngayon
"Ayaw mo na?" Tanong ni Zirco sa akin na binibigay pa yung tirang bacon na medyo marami-rami
"Diet ako." Sagot ko na lang. At aalis na sana ng narinig ko naman ang nakakainis na pagtawa niya
"Huh.. Wow... Diet pala yun ahh. Walang pinagbago sa dati mong kinakain..." Saad niya habang tumatawa
"Meron kaya! Bahala ka na nga diyan! Nakakasakit ka ng ulo!" Sigaw ko sa kanya at pumunta sa kwarto ko. Naisipan kong ihanda na ang isusuot ko dahil hindi ko pa alam kung ano.
Binuksan ko ang cabinet ko at namili, tapos nakita ko yung black dress na binili ko na dapat isusuot ko sa birthday ni Mr. Avero, bat nandito?? Siguro yun na lang ang isusuot ko since hindi ko pa ginamit. At ang shoes na isusuot ko ay.... Yung regalo sa akin ni mama!! Natawa naman ako dahil hindi na ako mamomroblema.
-
-Two hours na lang bago ang ceremony. Siguro kailangan ko ng magbihis. Bumaba muna ako sa kwarto para tingnan si Zirco.
"JinJin Kapal!!!" Sigaw ko at napahalakhak ako ng bigla siyang bumungad sa harapan ko na nakataas ang dalawang kilay na kakagaling sa kusina.
"May problema ba asawa ko?" Inosente niyang tanong. Ramdam ko naman ang init sa mukha ko na ikinatawa niya.
"A-ano..... Magayos ka na, gusto ko gwapo ka at mabango ahh?" Sambit ko na lang tumakbo pabalik sa kwarto ko. Sinara ko aga ang pinto at hindi ko alam kung bat ako napatili.
Naligo na ako at pagkatapos sinuot ko na ang dress. Inayos ko muna yung buhok ko bago yung make up. At ng matapos ako ay isinuot ko na ang sapatos ko at kinuha ang kulay black kong pouch at ilinagay ko doon lahat ng kakailanganin ko. Bumaba na ako at nakita ko si Zirco na ang- ang gwapo..... Tumayo siya at may dalang bulaklak. Lupa lamunin mo ko...
"Tara na?" Sabi niya na nakangiti at inilahad ang kamay. Kinuha ko naman ang kamay niya at nginitian siya saka kami umalis. Akala ko sa akin yung bulaklak, ganda pa naman.
Pagdating namin doon, ang daming tao, iba reporters kaya kinakabahan ako. Bababa na sana su Zirco ng sasakyan ng hinawakan ko siya sa braso. "Ano.... Nahihiya ako" pabulong kong sabi
"Sa mga reporters? Bakit naman?" Tanong niya sa akin na nakakunot ang noo
"First time ko to! Palibhasa ikaw araw-araw dahil model ka ng sarili mong kumpanya" wika ko at inirapan siya
"Sorry... Sorry... Hindi mo naman kailangang kabahan ehh, nandito naman si superman mo" saad niya na may ngiti. Napagaan naman an loob ko ng kahit konti kaya bumaba na kami sa kotse. Pagbukas ko pa lang ng pinto ng sasakyan, takbuhan agad. Medyo naiilang ako at mabuti na lang nandyan si Zirco. Pero malikot ang kamay niya, sa bewang pa nilagay at pasimpleng hinaplos yun.
"Soon to be Mrs. Avero, matanong ko lang ho kung anong pakiramdam niyo sa successful mong dalawang kuya na si James pala na isang blogger, at si Hanse" tanong sa akin ng isang reporter. Hindi na ako magtataka kung bat nila nalaman na kapatid ko si kuya James, chismosa kasi nila.
"Well I'm happy from both of them, they became successful and they achieved they dreams" sagot ko na lang ng nakangiti.
"Mmmmm... How about kayo Mr Zirco Jin, saan niyo po sana gagawin ang honeymoon niyo ni Ms. Keen?" Sumosobra na ang babaeng to ahh! Patulan ko kaya?!
Tumawa naman si Zirco ng mahina. "Akala ko kung saan gaganapin ang kasal ang tatanungin mo haha. But my answer is secret. Gusto kong masolo si Keen" sagot naman ni Zirco, I glared at him and he chuckled, cute.
Ng tigilan na kami ng mga reporters, pumasok kami sa loob kung saan ang daming tao ang naroon. Yeah I am right, lahat sila nandito, lahatng nasa nakaraan ko nandito.
YOU ARE READING
The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)
Teen Fiction"I don't love her" "I fell in love with him"