Confused❤️❤️

3.9K 106 5
                                    

                    Chapter 86
Zirco's POV



Pumunta ako sa mall para magwindow shopping, at may bibilhin rin ako na medyo expensive ugh...



Habang naglilibot ako naisipan kong pumunta sa isang cafe at umorder ng cappuccino. Umupo ako para naman makapagrelax relax ako.

Tapos may isang gwapong lalaki na nasa harapan ko, naka-shades siya, nakataas ang buhok, may suot na headset, parang boy in black sa suot niya, may face mask siya pero binaba niya muna at masasabi kong familiar siya sa akin. At kumanta ang loko habang nakapikit.


"Tumingin sa aking mata..."

"Magtapat ng nadarama...."

O pumiyok pa.

Binuksan niya ang mata niya at nakatingin siya sa akin.


"Hi JinJin!!" Bati niya sa akin... Wait....


"James?" Nagtataka kong tanong. Inalis niya yung shades niya pero panandalian lang at sinuot niya ito ulit.


"Oops... Fans" sambit niya, baliw ba to? Aalis na sana ako dahil ayokong dumalaw sa tirahan niyang sa mental ngunit pinigilan niya ako.   "Mag-uusap tayo" seryoso niyang sabi.  Umupo ulit ako at tiningnan niya ako



"Mahal mo ba ang kapatid ko?" Seryoso niyang tanong. What a question?! Ngayon hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.


"I-I don't know" sagot ko na lang at yumuko.


"Oh well.... Let's see" pagkatapos niyang sinabi yon ay hinila niya ako palabas sa cafe. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, and I think hindi niya rin alam kung saan niya ako dadalhin. Hanggang sa tumigil siya bigla kaya napahinto rin ako


"Speaking of" saad niya na may ngisi. Sinilipan ko naman kung sino at si Keen. Hinila ko siya na magtago, bakit ganito ang kinikilos ko?!



Magsasalita na sana siya ng biglang nagsalita si Keen


"Ang tagal mo!" Saad nito. Teka...!!! Lalaki. Lalaki ang kausap niya. Dafuq.






Keen's POV



Pagdating namin sa mall.....


"Una ka na Keen, cr muna ako" saad ni Nash at tumango na lang ako na may smile. Pumunta na ako sa second floor kung saan kami mamimili ng watch na gusto niyang bilhin.


Halos limang minuto na akong naghihintay dito ng....


"Sorry napatagal ako!" Sambit ni Nash at niyakap ko naman siya. Juice ko kahit na limang minuto lang kaming hindi nagkita miss ko na siya. Siguro dahil akala ko iniwan na niya ako



"Ang tagal mo!" Sigaw ko at kumalas sa yakap. Pumili na siya ng relo at sinamahan ko naman siya. Ang dami niyang gusto pero syempre dapat isa lang.



Galing sa Japan si Nash, medyo pandak siya pero gwapo.





Zirco's POV


Pinagmamasdan ko pang sila dito sa malayo ng bigla akong tumawa



"Ahahahahah!!!" Pawa ko ng malakas and all eyes on me.

"Ang ingay mo!" Sigaw naman ni James sa akin at inirapan ako.


"Ang liit naman ng boyfriend niya. Mamimili na nga yung maliiit pa!" Sigaw ko sabay tawa. Siguro magkasing laki lang sila ni Keen. Naigilan naman ako ng biglang tumawa si James



"Ahaha nagsalita ang hindi pandak ahaha" peke niyang tawa. Pinanliitan ko naman siya ng mata. Kung pandak ako, mas pandak siya. At least gwapo naman ako. Humanda lang talaga ang lalaking yan, yari sa akin yan pag nakita ko siya.

"Easy boy, kapag inaway mo ang kasama ni Keen ngayon, lalabas na  ang mga mata mo sa gulat" wika ni James. Bakit naman? Don't tell me fiancé niya rin ang lalaking yan! No!!







Keen's POV

-7 hours-

Pauwi na kami sa bahay dahil medyo maggagabi na rin. At si Nash ay sa bahay muna matutulog siguro kinabukasan lilipat na siya sa bahay kung saan ako nakatira dati na sa ngayon ay si kuya Hanse na ang nakatira.



"Mabait siguro fiancé mo" biglang wika ni Nash.



"Sino si Zirco? Hindi. Baliw yon. Kunyari, ngayon anghel siya bukas lilitaw ang sungay niya" sambit ko sabay tawa sa naiisip ko.



"Really, hindi ko nararanasan yan dahil wala akong girlfriend and I don't want to have one because I think it will be complicated" saad ni Nash.


"Hindi naman. But don't expect too much dahil masasaktan ka" payo ko sa kanya at nginitian niya ako. Tama naman ako.



Paguwi namin sa bahay lalaking may period ang sumalubong sa amin



"Saan ka galing?"

"Sino siya?"

"Alam mo ba kung anong oras na?"

Sunod-sunod na tanong sa akin ni Zirco. 


"Easy.... Galing ako sa mall, siya si Nash and alam ko kung anong oras. It's 9:30" sagot ko na lang. Aakyat na sana ako sa taas para makatulog na tong pinsan ko ng sumigaw siya



"Pero bat mo siya inuwi dito?!" Tanong niya na pasigaw.


"Excuse me, hindi ko lalaki ang lalaking to! Pinsan ko!" Sigaw ko sa kanya at tawang tawa naman si Nash, yes Nash ganito talaga ang relationship goals, partida arranged palang yan ahh



Natigilan naman si Zirco at nanlaki ang mata na parang may iniisip.  "Pinsan mo? Langhiya I was fooled" sambit niya lang bigla


"Hi! I am Nash Fanugon, Hanse, James and Keen's cousin" pagpapakilala ni Nash, kinamayan niya si Zirco at tinanggap naman ni Zirco


"Zirco Jin. Her 'fiancé'" sambit ni Zirco, diniinan niya pa ang fiancé ahh. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung maiinis ba ako dahil sa inaata niya sa amin ni Nash o kikiigin dahil selos siya?



-


Sorry po sa late update!! Na-confiscate po kasi yung phone ko. Si papa kasi ehh.

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now