Chapter 65
Keen's PoV3 weeks later..
Salamat at nakauwi na rin ako. Nakakaboring na sa hospital kung mga makasalanan na tao lang ang kaharap ko.
"Ma, aakyat na ako sa kwarto" saad ko na walang gana at umakyat na sa kwarto ko. Pagdating ko doon paran naiirita ako sa mga nakikita ko, teddy bears ang nasa kama ko at kulay puti pa ang pintura ng kwarto. Gusto kong baguhin naman.
Lumabas ako sa kwarto at pumunta sa kusina nandoon si mama.
"Ma, gusto ko pong palitan ang design ng kwarto ko. I want it to be wild, papalitan ko ng color purple ang wall at itatapon ko na ang mga teddy bears." Sambit ko na tinitingnan si mama
"Bakit naman anak, dati nga ika-" pinutol ko ang sasabihin ni mama
"Dati yun ma, iba na ako ngayon, something wild and indestructible" saad ko kay mama habang si mama nakatingin lang sa akin na parang nabigla
"Ma, hindi po ako mananakit ng tao, I just want to move on. Sa lahat ng nangyari..."
"I understand you darling" sambit ni mama at hinawakan ang pisngi ko at hinaplos pa ito. "I will always support you"
Napangiti ako sa sinabi ni mama. "Thank you ma"
"Pero anak, I think you should stay what you are right now, look innocent, simple and beautiful. What do you think?" Napaisip naman ako sa sinabi ni mama. "Always remember this Keen, success is the greatest revenge"
Natulala ako sa sinabi ni mama. Tama, gusto ko lang naman kasing magbago dahil gusto kon maghigante, pero sabi nga ni mama, success is the greatest revenge.
"Thank you sa paalala ma. Ikaw lang talaga ang malalapitan ko pagdating sa ganito" sambit ko at yinakap si mama
"Keen..." Napatingin ako sa may hagdan ng narinig ko kung saan nanggaling ang boses na iyon. Si kuya Hanse
"I have to go ma. See you later!"
"Keen wait lang" bago ako makaalis pinigilan ako ni kuya Hanse. "Alam ko ako ang may kasalanan ng lahat, sarili mo akong kuya pero ako mismo ang nakipaglaro. Aaminin ko, ikinahiya kita, dati. Pero maniwala ka sa akin Kee--"
"Pwede ba kuya, sawa na ako sa mga salitang yan. Gusto kitang patawarin dahil kapatid kita pero mas gusto kitang hindi patawarin dahil mas nangingibabaw sa puso ko ang galit na iniwan mo sa akin" saad ko na may galit sa mukha. "Hindi ko alam pero, pakiramdam ko ayaw na kitang makita? Because I'm tired, I'm alway tired of your games!" Sigaw ko at umalis. Iniwan si kuya na nakatulala at nakayuko. Ngayon bumuhos na ang mga luha ko na kanina pa nagwawala. Buti na lang talaga pinayuhan ako ni mama kanina, kung hindi iiyak na naman ako sa harap ng mga taong nagpaiyak na rin sa akin dati. I'm so disappointed to myself!
Pagkatapos kong umiyak sa loob ng kotse ay nag-drive na ako papunta sa mall. At pagpasok ko dinig ko na ang mga sigawan, ano ba naman?
Pumunta ako kung saan papunta ang mga mai-ingay na babae kanina. At doon ko nakita ang malaking tarpaulin ni Khim at ni Zirco. Anong mapapala ko dito? Aalis na lang ako. Paalis na sana ako ng marinig ko ang boses niya, mahal ko pa talaga siya, mahal ka pa ata ng puso ko, Zirco.
"Ammm hello to everyone. And... This is my last day in Philippines with Khim so I want to sing a song for you all" pagkasabi ni Zirco sabay sigawan ng mga babae.
"We don't talk anymore.."
"We don't talk anymore.."
"We don't talk anymore.."
"Like we used to do."Bawat lyric na kinakanta ni Zirco bumibilis ang tibok ng puso ko. Naalala ko tuloy nung may nakita kaming flower nun, muntik na kaming mamatay. Pero ano pang magagawa ko? Nangyari na ehh, na-inlove ako, pinaglaruan ako, at sinaktan ako.
Aalis na sana ako, ng dumapo ang mga mata niya sa akin. Hindi ko alam pero parang hindi ko na kayang igalaw ang mga paa ko dahil sa titig ni Zirco. Ramdam ko rin ang pagkalungkot niya sa mga mata niya. Bigla na lang may tumulo na luha sa kanya.
Iniwan mo ako.... Umalis ako sa kinatatayuan ko at pumunta kahit saan ako dadalhin ng paa ko. Dapat ko na siyang kalimutan.
Namili ako ng girl's things at bumili rin ako ng pagkain para kay Psycho na nasa hospital. Namili rin ako ng mga accessories, hindi ko alam kung bat ako namimili ng ganito. Pagkatapos ay umalis na ako sa mall at pumunta na sa parking lot kung saan nandoon ang sasakyan ko. Pero ng malapit na ako, may nakita akong mga reporters, at mga babae na sigaw ng sigaw.
"Excuse me!" Sigaw ko sa abot ng makakaya ko. Ayan tuloy nagrereklamo ang mga babae. Ng makita ko na ang sasakyan ko, sabay ko ring nakita si Zirco at Khim, ano ba naman yan?!
Wala akong magawa kung 'di umatras at pumunta ulit sa mall. Kinamumuhian ko siya. Alam ko masyado ng masakit ang nasabi ko pero yun ang totoo ehh. Habang papasok ulit ako sa mall patuloy na tumutulo ang mga luha ko. Mahal ko talaga siya, hinding-hindi ko siya makakalimutan, pero kakalimutan ko siya
YOU ARE READING
The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)
Novela Juvenil"I don't love her" "I fell in love with him"