Kathryn's P.O.V
"Kath.." Nakilabutan ako. Paano kasi, first time kong narinig na tinawag niya yung name ko.
"B-bakit???"
"Aish... Sige na nga! Kunan mo ko ng makain! Bilis!"
Abah!? Kung makautos to ah!
"oo na PO!"
Atsaka ako tumayo at lumakad papuntang kusina.
Ano kaya pwedeng ipakain sa unggoy na yun??? Di naman pwedeng saging diba??? Hayyy... Makapag oatmeal na nga lang. Kinalkal ko ang laman ng ref. Wow ang dami! Adik din ba sya ng chocolates??? *O* Nagutom ako bigla. Parang gusto kong magnakaw ng chocolates heheheh. Bad Kath!
Kinuha ko na yung oatmeal at nag umpisa ng magluto
After 10 minutes, pumunta na ako sa room niya
"Heto na..." Nakita ko siyang natutulog... Hayyy, napagod sa pakikipagsuntukan ang mokong.
Inilagay ko muna ang bowl sa side table niya
Umupo ako sa tabi niya
"Psst... Hey... Gising na..." Tinatapik ko ang braso niya. Sa wakas! Gumising din
"Hmm???" Ang husky ng voice grabe...
"Kain ka muna oh..." Hayy, para akong nanay niya na pinapakain ang bata...
"Subuan mo ako please???" Abah! Tss... Wala na akong magawa eh
FOURTH word to describe him, AGAIN:
He is FOOL.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Umupo na siya ng maayos
"oh..." Isinubo ko na ang spoon na may laman na oatmeal... Grabe, para siyang bata..Hehhehehe
Nakakalahati din siya ng biglang---
"Ayoko na" Aba nagpout pa ang unggoy
"Isa na lang please?? Malapit na maubos oh!"
"Ayoko.."
"Uy, sige na po mister sungit... Sige na please???" Nagpuppy eyes din ako..Sana success hahhahaha
"Tsss.. Oo na but... in one condition."
Aba! May pacondition pa 'tong mokong na ito.
"O, ano?"
"Tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng mister sungit, pwede? Just call me Daniel."
D-daniel... Aish! Mas bagay yung mister sungit! Sige na fine!
"Okay fine, ubusin mo na 'to DANIEL." inemphasize talaga. Hahhahaha, napilitan, at sa wakas naubos na din niya!
Lumabas na ako at inilagay ang bowl sa lababo saka bumalik para kunin ang gamot...
"O...Inumin mo muna yan..." At goodboy, ininom niya...
Tapos pumunta ako sa cr nila para kumuha ng face towel... Nilagyan ko ng hot water saka ako bumalik sa kwarto niya...
"Maghubad ka na" Utos ko
"H-HA??! A-ANO?! HUWAG MUNA! DI PA AKO HANDA!"
Binatukan ko ulit! Green minded!
"Ayusin mo nga utak mo!!! Maghubad ka at punasan mo katawan mo shunga!"
"Sige, sabi mo eh..."
Huhubarin na sana niya ang damit ng may naalala ako...
"Hephephep!!! Huwag ka nga maghubad sa harap ko! dun sa cr!!!"
"Tss...Oa mo! Bakit bahay mo ito???" Ang kapal mo aber!!!
Sinimulan na nyang hubarin ang damit nya. dahan dahan nya itong itinaas hanggang sa--
O_O
OHMYGOLLY
Bigla akong napalunok
Perfectly six packed na abs! Ang puti niya talaga! Ang gwapo at ang hot niya---
Ano bah kathryn! Kung ano iniisip mo!
"Bakit?" Bumalik muli ako sa earth. Doon ko lang namalayan nakaharap na pala siya sakin.
Ohmygod
Naka topless na sya ngayon sheeeeet!!! At nakaboxers na lang pala!!! Lord help me!!!
"*clears throat* Pinagnanasan mo ba katawan ko? Naglalaway ka na." Bigla kong kinuha yung unan sa kama niya saka ko siya tinapunan sa mukha! Bleh! Ang kapal mo!
"Ang kapal mo na unggoy!!!" Nagulat ako ng patakbo syang lumalapit sakin dala ang unan. Ohno!
Tumakbo din ako pero sa kasamaang palad, na slide ako at biglang napahiga sa kama.
"A-aray!!"
"Kath, are you ok???" Ngayon ko lang narealize na nakapatong na pala sya sa harap ko... He look so worried.
"Kath! are you ok???"
"Ang sakit---"
"Kuya!!! I'm here na---!!!"
Di ko tuloy na sabi ng biglang bumukas ang pinto saka bumulaga sa amin ang isang bata maybe 10 years old na naka uniform.
Napatigil siya saka lumaki ang mata niya sa gulat
"Oopsieee!!! Sorry for the interruption... Your having BUSINESS nga pala. Ok, just continue! Bye!"
At sumara ulit ang pinto pero bumukas ulit
"Oh I forgot, kuya, ate, I want baby boy po! Eehehhhe...Ok good luck guys!" At sinara na niya ulit.
"Magui!!!" Sigaw ni Daniel...Ahh so Magiu name niya? Ang ganda naman ng kapatid niya.
Pero back to sense muna tayo... Anong pinagsasabi nun? Pati pala yun green minded?
Pero shocks! Nakakahiya ah! Nakita niya kami ni Daniel na nakahiga pareho sa kama at ang worse, nakapatong pa si Daniel sakin! Ghad! Nakakahiya. At nakatopless at boxers pa si Daniel! Baka kung anong isipin nun--- ay naisip na pala niya, humingi pa ng baby boy! Shocks! Magkapatid nga sila.
"Pabayaan muna yung makulit kong kapatid! Mapang asar talaga yun! Green minded eh! Oh, paano ba yan? She wants baby boy???--- *wapak* Aray!!!"
Binatukan ko nga ulit! walangya!
"Hmp! Pareho talaga kayo eh no? Green minded!"
"Hahaha..."
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~