Kathryn's P.O.V
*Ate Chysler's Condo*
Kasalukuyan kaming nakatira dito sa condo unit ni ate Chysler. Dito niya muna kami pinatuloy habang nasa Korea siya ngayon. Doon kasi siya nagtatrabaho as a model at doon din kasi nakatira ang asawa niya. Alam na din niya ang nangyayari sa aming pamilya. Kaya ayun, uuwi daw siya bukas sa Pilipinas para tulungan kami. Hay buhay nga naman oh, it's been a week nang bigla kami naging mahirap. Pero sabi ni ate, siya na daw bahala sa tuition ko sa School tapos bibigyan niya na rin kami ng pera para makaahon. Pero, maghahanap nga ako nang trabaho eh. Hindi pwedeng aasa kami kay ate kasi may pamilya din siyang binubuhay sa Korea. Si kuya naman, nakahanap ng trabaho bilang bar tender sa Resto ni Tita Grace. Ako naman, magiging singer daw sa Bistro nila since maganda daw boses ko. Charr XD. Pero seryoso, maganda yung boses ko, nagsasali din ako ng choir eh pero nag quit na ako. Pagod eh. Pero kahit singer man ako sa Resto, dapat makahanap din ako nang another pang trabaho. Kahit 5,ooo ang makukuha ko sa tuwing kakanta ako pag gabi sa Resto nila. Sa lunes pa ang simula ko doon eh kasi Monday until Saturday lang ang work ko dun. Hay, nakakapagod magstay dito sa condo, Saturday eh, ayaw ko gumala sa mall. Gusto ko muna magrest. Si Mommy naman, mukhang nakamove on na DAW. ehehehehe. Ayun, nagtatrabaho din siya sa Resto ni Tita bilang tagapagluto. Charr XD. Kasalukuyan akong naglilinis ng condo, ang kalat eh. Pumunta kasi si Julia dito kagabi, binibisita kami. Kaya ayun, ang kulit namin. Ahahahha!
*Phone Rings*
(The first time I layed my eyes in someone like you
I cant forget the hour the moment with you
Then I have realize
Love going deep inside
I feel the beating of my heart)
Huh? Sino naman kaya ito? Sensya na po sa ringtone niya, talagang fan ako ng mga kanta ni Julie Ann San Jose eh.
('Cause everyday, everynight I keep looking at the sky
And I pray that someday you will wake up in my arms
Our love will never end
We belong together
Always and forever
Call my name and I'll be there)
* Calling: 09********* *
Huh? Unknown??
Agad ko naman itong sinagot.
Me: Uh, hello? Sino po ito?
***: Kath! Si Khalil ito. Meet me at the 7eleven right now. I need to talk to you.
Me: but--- *tooooot*
Ay bastusan! Binabaan ba naman ako!
Hay, ano panaman ang magagawa ko? Nagligo na ako saka nagbihis nang black na leggings at Violet na Tshirt. Nagcheck out muna ako sa condo saka sumakay ng tricycle papuntang 7eleven.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
*7eleven*
Aish! Asan na ba yung Khalil na yun! Biruin niyo, Almost 1 hour na po akong naghihintay dito! Ayaw ko pa naman sa lahat eh yung pinapahintay pa!
Me: *kamot ng batok* Aish! Ayaw mong dumating ha?! Pwes uuwi na ako---
"KATH!" agad akong lumingon nung tinawag ang name ko. pshh... Ngayon pa! Bumalik ulit ako sa inuopuan ko kanina pa.
Me: Gaano bah ka-importante yang pag-uusapan natin at kinakailangan pang magmeet tayo, ha?!
Sa totoo lang, nag-iinit yung dugo ko dito sa Khalil na ito eh! Siya lang naman at ang ina niya ang dahilan kung bakit kami broken family! I will never regret it!
Khalil: About sa Arrange marriage natin.
Me: Oh, eh ano naman ang pakialam ko dun, ha?! Ilang beses ko na bang ulitin sa sirang ulo mo na ayaw kitang pakasalan ha! Kung magpapakasal man ako, doon sa matinong lalaki! Eh ikaw, nanay mo palang eh, nakakaturn off ka na!
Khalil: Bahala ka kung gaano pa kasakit ang pinagsasalita mo tungkol sa amin. Kasi, in the firstplace, mahal na kita Kath!
Me: Aba! Paano ka naman nakakasiguro ha? Bakit, kilala mo ba ako? I don't know you! And never kitang kilalanin! Sa tingin mo bah Khalil, kaya kong mahalin ang lalaking mismo sumira sa pamilya ko! Yung mismong malandi niyang nanay ang umahas sa dad ko! Hindi mo alam pinagdadaanan namin Khalil! I think I need to stop this nonsense business of yours!
Tumayo na ako at naglakad nang bigla naman niyang hawakan ang wrist ko. argh! Ang higpit pa!
Nagulat ako nang lumapit siya sakin palapit nang palapit at itinapat ang labi niya sa tenga ko.
Pero, mas lalo akong kinabahan sa sinabi niyang death threat sa akin.
Khalil: Better watch out your words young lady. Kung ayaw mo akong pakasalan, hindi ako magdadalawang isip na patayin ang Mom, Kuya at Ate mo! So, mamili ka sa dalawa, yung magpapakasal ka sa akin o ang buhay ng mahal mo sa buhay. *smirk*
Kinilabutan ako dun. Ang kapal niyang magbigay ng blackmail sakin! Hindi ako nagdalawang isip na sampalin siya sa harap ng mga costumers sa 7eleven.
Me: *Slaps at Khalil* Ang sama mo! Hayop ka! Magbibigay ka na lang nang blackmail, siguraduhin mong magagawa mo! And how dare you to include my love ones there ha! PABO~! (Pabo= idiot)
Tumakbo na ako paalis nang 7eleven, hindi ko alam pero tears fall down on my eyes. Napaupo na lang ako sa gilid nang kalsada at pinagpatuloy ang pag iyak ko.
Bakit ito ang nangyayari sa Family namin?
Bakit bah sa akin pa ito binigay?
Bakit, wala naman kaming ginawang mali ah?
Bakit kailangan namin itong maranasan ang masakit na pangyayari?
I'd rather want to die nor being alive leaving in this world with full of sadness, hatred and sorrows...
"Tumayo ka nga dyan! Mukha kang palaboy sa kalye kung makaupo sa gilid nang kalsada! Magpapakamatay ka na ata eh?" hindi ko pinapakinggan ang nagsasalita na tao at pinagpapatuloy ko parin yung paghikbi ko. I cupped my hands on my face para walang sinuman ang makakakita nang pagmumukha ko.
"Ano bah?! Magpapakamatay ka bah?! Masagasan ka dyan eh! Bahala ka sa buhay mo!"
Me: Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang kaysa mabuhay samundong walang katapusang problema! *sniff*
Ewan ko ba, pero hindi na umimik ang tao pagkatapos kong magsalita. Pero after 10 minutes, umimik siya. Akala ko nakaalis na eh, di ko kasi makita kasi tinatabunan ko yung mukha ko ng kamay ko habang umiiyak.
"Huwag mong sabihin yan, maraming taong namamatay na hangad nila ay mabuhay dahil gusto pa nilang maging masaya. Eh ikaw, huwag mong sayangin buhay mo for nonsense reasons. Ewan ko bah kung bakit ako naaawa sayo eh, akala ko palabuy na bata ang nakikita ko."
Seryoso... Sino ba siya??? Nanay ko bah?
"Sino ka bah?! *sniff* nanay ba kita?!" sabi ko.
"Hindi, pero gusto kitang tulungan kagaya ng pagtulong mo sa akin nung kailangan ko nang tulong." huh???
"Eto oh... Punasan mo na iyang mga luha mo. Mas lalo kang pumapangit." Aba! Tutulungan na nga ako, mang aasar pa! Dahan dahan kong inangat ang ulo ko para makita kung sino siya
.
.
.
.
.
B-bakit siya n-nandito???
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~