Kathryn's P.O.V
Mga 10 am ng umalis kaming lahat ng barkada sa Land Of Promise Garden at dumiretso na ng Gym para umpisahan ang sportfeast competition! Yehey!
MC: May I announce all the participant of joining the basketball, please go now on the gym right now, thank you!
Julia: Diegs, bitaw na,. Pinapapunta na kayo oh!
Diego: Tss... Wala man lang good luck dyan Julia ko?
Julia: Psh. Sige na kasi eh. Ok fine, mas maganda pa ang ibibigay kong reward sa iyo kung...
Diego: Kung ano Julia ko? Sige na...
Julia: Kung mapanalo ng team niyo ang game... Sasagutin na kita. Sige na punta ka na!
Yikes! Kinilig naman kami ng todo dito! Si Diego naman, hindi ma explain ang reaction sa gulat kaya ayun, hinatak na nila Sed para matauhan! Aahahaha!
Daniel: Kath...
Me: Oh?
Daniel: wala man lang goodluck dyan? *pout*
Psh. Nagpout pa ang loko...
Me: O, good luck! Sige na!
Agad namang tumakbo si Deejay dun pero bigla siyang tumigil at humarap sa akin at
.
.
.
.
.
FLYING KISS?!
Aish! Ano ba Kath! Flying kiss lang yan eh! >_<
Julia: Yiee~
Miles: Kilig to the bones!
Kiray: Emeggeeed!!! Yiie~
Me: *roll eyes*
Dumiretso na ako sa gym para makaupo na sa bleachers, sumunod naman sa akin ang tatlo kong alagad! Ahahhaha, joke lang!
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
MC: Let the game begins!
Ayun na nga, nagsimula na ang game... Mukha ngang ang init ng labanan nila eh! Pero aaminin ko ha, ang galing ni Deejay mag laro! sabi nga pala nila Sed, Varsity player daw yan dati kaso nagquit na sa paglalaro dahil napagod daw! WOW!
Team Blue: 98
Team Yellow: 142
Sila Deejay at yung mga barkada na boys ang Yellow team! Ang galing nila! Napansin ko nga eh, mukhang si Deejay yung nagpapanalo sa kanila! Siya parati ang nakakathree point shot eh!
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
MC: And the winner is... Yellow Team!
Crowd: WOOOOOOOOOOOH!!!
Me: Wow! Ang galing nila!
Julia: *blush*
Me: O, paano na yan best?
Miles: I know right! Ayan na!
Kiray: Hmm~ Sasagutin na!
Natatawa ako kay best ngayon, namumula na eh! Biglang lumapit saamin yung mga lalaki naming barkada. Tapos si Diego, ngumiti ng nakakaloko kay Julia.
Diego: Julia ko...
Julia: OO NA! SINASAGOT NA KITA! *blush* *takbo paalis*
Diego: *natulala* *napangiti* YES! *takbo kay Julia* JULIA KO~!