Kathryn's P.O.V
Ang bilis ng panahon ano? February na pala! At dahil February na, it's time to get ready for the Prom! 2 days to go, Prom na namin. wala pa nga akong escort eh. marami ang nag aya sa akin pero, hindi ko sila type eh. Buti pa si Julia, Miles at kiray, meron na silang kadate. Huhuhu, ako na lang ang nag iisa. :( Ah! Alam niyo ba ang daming nagbago ngayon! Hindi niyo akalain na muntik ng mamatay si daniel sa pakikipagsuntukan na naman! Tsk! Ano ba ang problema niya? hay nako, mga gangsters nga talaga! Akala nga namin nakakulong yung mga yun noon pero, napalabas na pala! tsk! Buti at naagapan agad siya at dinala sa ospital!
Habang naglelesson si Maam, nadidistract tuloy ako sa katabi kong unggoy este si master. Paano kasi, may nilalagay sa bag ko tapos mamaya ko na daw buksan pag uwian. Psh! Kung tinatanong niyo kung kumusta yung pagiging slave ko sa kanya? Success naman kahit hindi kami minsan nagkakasundo. Mag fifive months na nga akong naninilbihan diyan eh! Atleast, 3 months na lang bago ako magstop diba? Yun parin, masungit pa din siya. Hindi ko nga minsan maintindihan eh, bipolar!
*Uwian na*
Oh well balon, UWIAN NA! Bago ko makalimutan, binuksan ko na ang bag ko at kukunin ko na ang papel na nilagay nung bubwit sa bag ko. Ano nanaman kaya ang pakulo nun? Nagmamadali panaman sana ako kasi bibili pa kami ng gown ni mama at ate chysler sa mall para sa prom ko. Supportive noh?
Tiningnan ko naman ang nakasulat sa papel.
'Meet me at the Auditorium' - Master Deejay/ Mr. Handsome
Aba! Ok na sana yung sinulat kaso biglang umihip ng malakas na bagyo dahil sa Mr. Handsome. Oh well, totoo naman eh. ^O^
Dumiretso naman ako sa Auditorium. Ano nanaman ba ang pakulo niya? pwede naman siguro sabihin niya sa akin ng harap harapan eh.
Pagka apak ko pa lang sa pintuan ng auditorium, nakita ko na agad yung papel na nakadikit sa pinto at ang nakalagay:
'For Ms. Kathryn Dela Cruz only.'
Wow! Don't tell me, may iaamin siya sa akin. I'm not ready ha! Ano bah Kath! Kung anong iniisip mo ha! Echosera si Ms. Mind!
Dahan dahan ko namang binuksan ang pintuan at... madilim? bakit madilim? Don't tell me, kiidnapin ako nito. Wuaaahhh! Ayoko na!
Nagulat na lang ako ng may biglang humatak sa akin na tao at hinawakan ako sa braso at pinapunta sa gitna? Anong meron bah! Kinakabahan na ako seriously!
nagulat ako ng biglang mag on lahat ng mga ilaw at may stage sa harapan ko. At si daniel agad ang nakita ko sa gitna ng stage at may hawak na mic stand. nakita ko din sila Lester, seth, katsumi, Jc at Diego na nasa likod niya at may kanya kanyang hawak ng mga musical instruments. Wow! I can't believe this!
*play the music above for better reading*
"Adik sayo...
Awit sa akin..."
Woaaah? Kumakanta siya ah! Ang ganda ng boses niya! Nakakamatay sa kilig! Naalala ko tuloy yung una niya akong kinantahan tapos Got To Believe pa ang kinanta niya! Nakalimutan ko pala na may banda din pala itong sila Deejay, Seth, Les, Kats and Jc na Parking 5 daw kasi 5 lang sila na members. pero ngayon? Nasama tuloy si Diego! Ahahahhaha!
"Bilang sawa na saking mga kwentong marathon...
Tungkol sayo at sa ligayang iyong hatid...
Sa aking buhay tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw."
nagulat ako ng bigla niya akong tinuro gamit ang pointing finger niya at nagwink! Woah! Master, I can't stop fallin' for you. Pero, hindi naman sa feeling ako, may gusto kaya si master sa akin? O baka wala kasi gusto ko itapos ito bago pa ako tuluyang mafall sa kanya.