Kathryn's P.O.V
Pagkatapos kong gamutin yung damulag na yun, saka ako bumaba sa sala nila. Tamang tama na nakita ko yung kapatid niya. Nakita nya rin ako saka siya ngumiti sakin.
"Hi ate...???"
"Ahh... Ate Kath.." Sabi ko
"Ahh! Hi ate Kath! Dali upo ka dito." Umupo din naman ako sa tabi niya. Ang ganda saka ang bait ng kapatid niya. Sana may ganito din akong kapatid kaso, kuya at ate nga lang tapos ako yung bunso eh. Tapos si kuya Kevin nasa Singapore, Si ate Chysler naman nasa Korea pa.
"Ate Kath! Alam mo ba, ang sungit nung si kuya Deejay ko eh! Paano mo yun napagtiyagaan ate? Buti at nagkagirlfriend na yun at ikaw pa! Alam mo ba, eversince wala pa siyang babaeng dinala dito? ang swerte mo talaga ate!"
Natawa ako sa kapatid niya.
"Ahhahahha... Ano ka bah Magui..? Right?" Nalito kasi ako sa name niya.
"Ahaha! Magui po ate, short for Margarrete."
"Ah! Hindi kasi ako girlfriend ng kuya mo... classmate lang..." Bigla naman siyang nalungkot.
"Ayyy... Akala ko kasi magkakagirlfriend na yang si kuya... Alam mo ba ate, eversince wala pa syang girlfriend... Nagtataka nga ako eh... Isa siyang gangster daw sa school nyo ate? Diba ate, kapag gangster kasi maraming girlfriend? Tapos babaero.eh... Siya wala eh... Alam mo ba ate, basag mukha niyan parati sa tuwing umuuwi yan! Kaya ayan... Ako ang gumagamot dyan! Mukha na nga akong mangagamot dyan eh! Swerte siya kung minsan pumupunta ako dito sa bahay niya. Sa kanila tita na kasi ako tumitira. Ayaw kasi ni kuya ng makukulit kaya ayun, pinatapon ako. Ahahahah!" Natawa talaga ako sa kapatid nya!
"Hahaha... Ikaw talaga!"
"Hay, sayang nga lang patay na parents namin eh... Pero sana ate, ikaw yung magiging girlfriend ng kuya kong siraulo! Kasi kung hindi, edi wag na syang mag girlfriend! Pero ate, balita ko may crush daw sya sa school niyo? Hindi niya kasi nilalapitan eh! Tago sya ng tago! Torpe kasi---!" Bigla siyang napatigil ng dumating si Daniel.
"At sinong torpe ha??? Magui! Kung anong sinasabi mo diyan grade 5 ka pa mukha ka nang ate ko kung makapagsalita! Layas na! Chupiiii! shooo!!!"
"Bleh bleh~~~! Ayoko! Nyenye!"
"Aba! layaaaaaaaaaaaaasssss!"
"Paano kung ayaw ko? Nye nye nye~ ~ ~"
"Ahh ayaw mo ha! Isa!"
"Ayoko sana! Na ikaw ay mawawala~ ~ ~!" Tawa ako ng tawa dito sa kanila habang pinapanuod sila! Si Magui kumakanta na! Si Daniel naman kumuha ng walis para habulin si Magui! Hahahaha!
Daniel: Talagang ayaw mo umalis huh?!*taas ng walis*
Magui:Hwaaa! Aalis na! Basta torpe sya ate Kath! Waaaaaaaaaah!*takbo*
Ahahahaha! Grabe nakakaloka! Nakita kong tumakbo yung dalawa palabas ng pinto. Ilang sandali ay bumalik na agad si Daniel. Hahahaha
Kath: TORPE pala ha!?
Daniel:*death glare*
Kath:Ahahahahaha
Daniel: Isa ka din pala eh, alis! Shoo! *tulak ky kath*
Kath: Harsh naman neto. Paalisin agad ako? Hoy mister! Di ka pa nakapagpasalamat sakin noh! Bleh bleh! *takbo paalis*
Agad naman akong pumunta sa room niya kasi nandun ang school bag ko at tumakbo paalis ng bahay nila. paano kasi itinaas niya ang walis.Hahahahaha.... Hindi man lang nag thankyou sakin psh... Pasalamat siya sa akin at mabait ako ngayon.