Kathryn's P.O.V
Pagkatapos naming magpahangin at magkwentuhan ni Seth, bumalik agad kami doon sa room 26 na kung saan nandun si Daniel. Pagpasok nga namin ang ingay na nila. Ang kulit nga eh.
Me: Ahm, Daniel, uuwi na sana ako ha? May magbabantay naman sayo eh, ok lang bah?
Daniel: Ok lang.
Kinuha ko na ang bag ko na nakalagay sa couch at saka na ako lumabas ng room ng bigla niya akong tawagin.
Daniel: Kath...
Me: Yes?
Daniel: Uh, S-salamat.
Me: Ah, no problem! Sige mauna na ako sa inyo ha? Bye~
Barkada: Bye Kath~
Daniel: B-bye~
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Ang bilis pala tumakbo ng buwan noh, at ngayon ay September na! Dahil September na ngayon, magkakaroon ulit kami ng SportFeast sa School! Excited nga ako eh, kasi tuwing may sportfeast sa amin, sasali talaga kami niyan ni Julia. Syempre, mahilig kami mag volleyball eh! Well, varsity lang naman ako ng volleyball nung 3rd year kami, but I already quit na. Focus muna ako sa academics. Medyo busy na nga kami ngayon eh, dahil graduating na kami sa highschool! Halos 24/7 akong nag aaral sa bahay! Naku nosebleed! Syempre, ayokong bumaba sa top 2 noh! Kailangan ko talagang mag aral ng mabuti! Lalo na ang calculus! Dyoskopo!
Masaya na din ang life ko kasi, kinancel na ni mommy ang marriage ko kay Khalil, kaso nga lang, mukhang magpapakasal parin ako ng dahil sa deaththreat niya sa pamilya ko. Syempre, pagdating na sa pamilya ko, doon talaga ang kahinaan ko. Pero, I'll make sure na hindi matutuloy ang kasal na iyon.
Masaya nga din eh kasi nagdagdagan ang barkada namin ni Julia. Biruin niyo, una namin naging close friend ni Julia si Diego nun sa canteen kasi wala na siyang mauupuan nun kaya sa amin siya nakiupo dahil dalawa lang kami nun. At eto namang bestfriend kong loka loka, kinikilig dahil naging close na daw sila ni Diegs. Ahahahaha!. Hindi lang yun, nadagdagan din ng dumating si Daniel na bestfriend na din pala ni Diego at yung apat niyang barkada na sina Sed. Biruin niyo, dito din pala nag aaral yung apat na yun at saka si Liza kaso lang ibang section silang apat at si Liza. Pero hindi namin barkada si Liza dahil may iba siya at medyo masungit din eh. Tapos ang nakakatuwa nga eh naging barkada din namin sila Miles at Kiray na naging groupmate namin classmate din namin. Ang saya noh?! Ahahahahah!
Masyado nga kaming naging busy eh kasi bukas na ang sportfeast namin. Marami din mga sports na magaganap bukas. At eto ha, ngayon ko lang napagtanto na sport din pala ni Daniel at Diego ang basketball pati na din sila Sed, Les, Katsumi at JC. Tapos swimmer din pala itong si Daniel. Ang galing noh?
About sa buhay ko ngayon? Ayun, patuloy parin naman ang trabaho ko sa resto nila tita, tapos ayun, sa isang linggo makakatanggap ako ng 5,ooo. Ang laki na nga nun eh. Pero kinakailangan ko paring maghanap ng isa pang trabaho para madagdagan ang sweldo ko eh. Kung pwede nga lang maging yaya ako o di kaya personal slave, okie na yun! Patuloy parin kaming nakatira sa condo ni Ate Chysler. Oo nga pala, last month nakauwi na siya at kasama niya ang asawa niya na si Kuya Mike at yung napakacute nilang anak na babae na pamangkin ko na si baby Lhexine. Ang cute nga nun eh, mga 1 years old palang yun tapos maganda pa! Nakakatuwa nga eh kasi sa tuwing wala akong ginagawa, sinusugod ko siya sa room niya saka ko siya nilalaro. Minsan nga, kung magbibisita sa amin sina Julia, Miles at Kiray, nilalaro din nila si Lhexine. Ahahahahah!
Nakakaloka din itong sila Julia eh. May kanya kanya kaming tawagan. Tawagan nga namin ni Julia ay 'Best', si Miles naman ay 'Ganda', si Kiray naman ay 'Lukaret'. Tapos eto namang si Daniel, ewan ko ba kung anong pumasok sa isipan nun at tinawag akong 'Brad' eh hindi naman ako tomboy ah! kaya ayun, 'Brad' naging tawagan namin. Ahahahah! Ahahahahah!
Yung tungkol sa nangyari kay Daniel sa hospital last month? Ayun, nagpasalamat ako ng dahil dun niligtas niya ako kay Khalil. Ayaw niya kasi makakita ng babaeng umiiyak eh sabi ni Sed. Pero syempre tatanggap ba ako ng may tumulong sa akin pero walang kapalit? Hindi noh! Sanay na talaga ako simula pagkabata pa na kapag may tumulong sa akin, magbibigay daw ako ng suhol para makabawi dun. Kaya ayun, after one week ng makalabas siya ng hospital, nakipagmeet naman ako sa kanya sa school at nagpasalamat ako tapos tinanong ko siya kung ano ang magiging kapalit. Sabi niya sa akin pag iisipan pa lang niya. At yung tungkol sa panyong ibinigay niya sa akin last month noong umiyak ako, sa akin na daw yun kasi may luha at laway ko na daw yun! Aba! Ang arte niya, ha! Kaya ayun, itinago ko sa isang drawer ko na kung saan nakalagay lahat ng mga secrets and mga remembrance ko. Oo na, remembrance ko na yun sa isang gangster. Yun nga lang, after niyang maospital nun eh, pinakulong siya nung mga nabiktima din niya. Kaya ayun, nagtagal siya dun sa Jail ng isang linggo! Dahil mayaman ang tita niya, binayaran ang pulis at nakalabas ang mokong! Balita ko nga, ilang bese na daw itong nakakulong eh.tsk. tsk.
9th word to describe about him:
He is a PRISONER
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~