"Where are you?"
I closed my eyes. I miss my Alpha already, hanggang ngayon ay nawawala pa rin siya. Shempre, hinahanap siya ng buong Red Moon. East, West and South Red Moon wolves are searching for the Young Alpha.
Hindi pa rin sinasagot ni Evan ang mga mindlinks naming lahat. Alpha Richard is worried sick, kahit si Alpha Jasen. Lahat kami, actually.
May kumatok sa nakabukas kong pinto. "Artemis, nandito na sila." Sabi nung kapwa Beta ko.
"Okay." I said softly.
Hinintay ko siyang makaalis bago tumayo mula sa pagkakaupo dito sa kama ko. Inayos ko ang damit ko bago naglakad papunta sa pinto.
Huminga ako ng malalim bago lumabas. Be on your best behavior nga raw sabi ni Tito Oliver, Artemis.
"Bumaba ka na, iha." Sabi ni Tito Oliver sa isip ko.
"Opo, Tito." I said.
Bumaba na ako at napatingin sa mga taong nasa sala. Maraming tao, or should I say wolves, sa sala. Kahit sa labas marami.
"And here she is, my lovely niece, Artemis Martinez," Nakangiting sabi ni Tito sa lalaking nasa harapan niya at nasa gilid ni Trevon. Kamukha niya si Trevon kaya paniguradong ito ang kanyang Ama. "Artemis, meet Alpha Charles Peterson and Luna Alice Peterson of the Nightfall River pack."
I bowed, since Beta lang ako kailangan kong gawin yun as a sign of respect. Nilahad ko din ang kamay ko sa kanila at nakahinga ako ng maluwag nang tinanggap nila ito nang nakangiti.
"Pleased to meet you, Alpha and Luna. I hope you enjoy your stay here in Alaska." I said while smiling.
Kahit ayaw ko ang kasal na ito, kailangan ko pa ring respetuhin ang mga Peterson. Ayaw ko namang ako ang magiging cause ng conflict sa Nightfall River pati Midnight Paws.
"Please have a seat." Sabi ni Tito Pliver at nagsiupuan naman kami. Sinenyasan naman ni Alpha Charles ang mga lobong kasama nila na lumabas na muna.
"Trevon, son, sit with your fianceé. Gusto ko kayong makita na magkasama." Nakangiting sabi ni Alpha Charles.
Jusko, ikakasal na kami next month, hindi pa ba sapat yun sa inyo? Kailangan pa talagang tumabi sakin ngayon?
Gustong gusto nang umirap ng mga mata ko pero alam kong mananagot ako kapag ginawa ko yun.
Sinunod naman ni Trevon ang utos ng kanyang ama at tumabi nga sakin.
"Closer." Dagdag pa ni Alpha Charles.
Oh my God! Konte nalang at sasabog na ako sa inis.
Umusog palapit sakin si Trevon. Bumilis any tibok ng puso ko nang magtama ang mga braso namin at nagkatinginan kami.
"Oh, bagay naman pala kayo! Hindi ba, Alice?" Sabi ni Alpha Oliver samin sabay tingin sa asawa niya.
Tumingin si Luna Alice kay Alpha Oliver bago samin. "Oo naman..." She said softly before looking at me. She gave me an apologetic smile.
Bakit parang malungkot ang ngiti niya? Hindi ba siya masaya sa mga nangyayari?
Same, Luna. Same!
"So, Alpha Charles, maraming salamat at pumunta pa kayo dito sa Alaska para makilala si Artemis. Pwede namang kami ang lumapit sa inyo." Nakangiting sabi ni Tito Oliver.
Alpha Oliver chuckled. "No problem. Baliwala lang yung apat na oras na byahe dahil pasok na pasok naman ang iyong pamangkin sa standards naming mag-asawa." Sabi ni Alpha Charles sabay hawak sa kamay ni Luna Alice. She just smiled.
![](https://img.wattpad.com/cover/81417659-288-k609629.jpg)