"Where's your sister?" I asked while we were walking towards Trevon's favorite diner.
Matapos naming tumambay sa library ay inimbitahan niya akong kumain sa labas. Siya ang nagpalaam kay Tito para sakin and dahil si Trevon ang kasama ko, pumayag agad siya. Nakangisi pa.
I told Trevon about Tito's punishment for me. Sinabi ko na rin sa kanya na nahuli kaming dalawa. Nagulat nga siya dahil hindi naman secret na mates kami pero naintindihan din niya ako dahil naiipit ako dito dahil sa kasal namin.
Hindi ko alam kung bakit bigla siyang bumait sakin pero ayos lang. Wala akong reklamo, mabuti na yung mabait siya sakin.
"She's out, she went back to Montana to help our parents but she'll be back tomorrow." He said before opening the door for me.
Wala mashadong tao sa diner kaya nakahanap agad kami ng lamesa. I felt safe kasi halos lahat ng customers dito ay puro lobo mula sa pack namin pati sa Red Moon.
"No humans?" I asked him as we sat down.
"Wala mashado," He said. "lobo ang may-ari ng diner na to and usually, napupuno ito ng mga lobo kaya wala na mashadong pumupunta dito dahil puno."
"Wow, I like this place already." I grinned.
He smiled. "That's my girl," He said. Napatingin naman ako sa kanya dun, nagulat naman siya sa sinabi niya at nakita ko siyang namula. "I-I mean--..it's just an e-expression. I don't mean it that way."
Natawa ako dahil nauutal siya at nahiya. "It's okay," Natatawa kong sabi. "you look so funny!"
"Whatever," He rolled his eyes before getting the menu. Nakapatong lang kasi sa lamesa ang menu. "this is my treat, by the way."
"Huh? No, it's fine. I--.." Natigil ako sa pagsasalita nang mapagtanto kong hindi ko nadala ang pitaka ko. "nevermind." Mahina kong sabi bago nag-iwas ng tingin.
He chuckled. "Why? What's wrong?"
"I uh, I left my wallet." Nahihiya kong sabi bago tinago ang mukha ko sa menu.
Tumawa siya. "See? Destiny wants me to pay for your food."
"Oh, bakit? Close kayo ni destiny?" Pang-aasar ko.
"Oo, katext ko siya." He grinned.
"Kung ganon, pwede mo bang itanong sa kanya kung ano ang tadhana ko?" I asked.
Nawala ang ngiti niya at nagbuntong hininga. "Kung magagawa ko lang yan, tatanungin ko na rin kung anong plano niya sakin."
I sighed. "Bakit magulo ang buhay natin? Why can't we live in peace?"
"My Mom used to tell me before that a life living in peace is perfect at walang perkpekto sa mundo. Kaya siguro ganito ang mga buhay natin," He said. "but I'm sure we can find a way to fix everything."
"Sana." Sabi ko.
*****
Nakauwi na rin ako sa mansion matapos naming kumain sa labas ni Trevon. Hinatid niya ako balik sa mansion pero umalis din siya agad dahil marami pa siyang Beta duties.
"I'm glad that you're finally opening up your heart to Trevon."
Napatalon ako sa gulat nang biglang magsalita si Tito mula sa likod ko habang naglalakad ako papunta sa hagdan.
Napahawak ako sa puso ko habang humaharap sa kanya. "Ginulat niyo naman po ako." Bulong ko.
"I'm expecting that this will continue. I want your relationship to have a good progress. Understood, Beta Artemis?" He said using his Alpha tone.
I bowed. "Yes, Alpha."
Tumango siya bago umalis sa harapan ko. Huminga ako ng malalim bago umakyat sa kwarto ko. Habang naglalakad ako paakyat sa kwarto ko ay may nararamdaman akong kakaibang aura sa paligid ko. Lalo na sa kwarto ko. Napansin ko ring nakabukas ng konte ang pinto ko.
May naaamoy akong scent pero nagffade ito at hindi malakas kaya hindi ko malaman kung kanino ito.
I gulped. Alam kong may tao sa loob ng kwarto ko. My heart was pounding and I was trembling.
I swallowed my fear and slowly walked towards my room. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumasok. Nang makita kong walang tao ay nakahinga ako ng maluwag. May naaamoy akong faint scent pero hinayaan ko nalang. Baka lumang scent ko lang yun.
Hihiga na sana ako sa kama ko nang biglang may nagtakip sa bunganga ko gamit ang isang panyo. May amoy yung panyo at alam kong mawawalan ako ng malay kapag nalanghap ko ito ng tuluyan.
I tried my best to fight against the person behind me pero may humawak sa dalawang kong kamay. This person was not alone!
Bago pa ako tuluyang mawalan ng malay ay nasiko ko yung taong nasa likod ko at nakawala sa kanila.
"Rozé?!" I yelled.
Si Rozé yung nagtakip sa bibig ko habang si Jiela naman yung humawak sakin. Kulang sila, nasan na si Lilac?
I stood in a defensive form and prepared myself. I can take them down easily but I'm quite dizzy. Naamoy ko kasi ng konte yung nasa panyo.
"You little bitch, why aren't you unconscious yet?" Rozé teased.
"Don't worry, Lilac will take care of that." Jiela smirked.
"What--.." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may pumalo sa ulo ko.
Bumagsak ako sa sahig at napahawak sa ulo ko. Napasigaw ako sa sakit nang mahawakan ko ang sugat ko, pagtingin ko sa kamay ko ay may dugo ito.
"Nice job, Lilac." Rozé said.
Nagiging blurry na ang paningin ko at sumasakit na ang ulo ko. Nakita kong naglalakad sila palapit sakin.
Unti unti ko nang pinikit ang mga mata ko at hinayaang kainin ng sakit at kahinaan ang sistema ko.
________
Short update!! Sorry :((
Penge naman akong votes and comments :<