Ten

2K 92 12
                                    

Flop ba itu? :(

_______

Maaga akong nagising kahit wala naman akong gagawin ngayon. Pumasok naman sa isip ko yung pagyaya saking mag breakfast ni Evan kagabi.

I sighed. I want to see him again but I know that I can't and I shouldn't.  And I should also stop talking to him using my mind. Kung gagawin ko yun, magiging madali na para sakin ang kalimutan siya.

"Hey, may training kami today. Sali ka?" Biglang nagsalita si Max sa isip ko.

"Saan?" I asked.

"Sa training ground lang natin." She replied.

"What time?"

"Ten minutes from now."

"Okay, magpapaalam lang ako." I gulped.

Naligo na ako at nagbihis bago pumunta sa opisina ni Tito. Alam kong nandito siya dahil naamoy ko siya.

Kumatok ako ng tatlo beses bago niya sinabing pumasok na ako. He was surprised to see me but his immediately became serious.

"What do you need, Artemis?" Malamig na tugon ni Tito.

I cleared my throat. "Ti--..Alpha, pwede po ba akong sumali sa training? May training daw diyan sa training grounds natin."

He frowned. "Are you using that training to see Evan?"

Agad akong umiling. "No, Alpha! I will never disobey you again. Like you said, may lobo mula sa pack natin ang sasama sakin everytime I leave the mansion so you can assign someone to go with me."

"I still don't trust you, Artemis." He said.

I looked down. "I know, Alpha."

"I'm sending two guard wolves with you. Be back as soon as the training ended." He instructed.

I nodded before bowing my head. "Thank you, Alpha."

****

"Anong meron, teh? Bat may guard wolves kang kasama?" Tanong ni Sheryl nang makarating na ako sa training grounds.

Sumulyap ako sa dalawang guard wolves na medyo malayo samin. I sighed before looking at them.

"Nalaman ni Tito yung 'secret' relationship namin ni Evan."

"Secret? Bat secret eh mates naman kayo?" Kunot noong tanong ni Nikolo.

"Yes but remember I'm engaged to Trevon already? So hindi na ako pwedeng makipagkita kay Evan. Ever."

"What?! That's absurd! You two are mates and kayo ang destined para sa isa't isa!" Sigaw ni Maxi.

Agad namang tinakpan ni Nikolo ang bibig ni Maxi. "Gusto mo bang magsumbong yung dalawang guard wolves kay Alpha?" Umirap si Nikolo bago pinakawalan si Maxi.

"But Maxi's right, Emi. All this arranged marriage shit is against the rules of the wolves. Paniguradong mapaparusahan sila ng wolf spirits." Sheryl said.

Mahina kong pinalo ang braso niya. "Don't say that, Alpha Oliver is still my Uncle." My only family.

"Don't worry, Emi. Everything will fall back to it's place soon." Zoel tapped my shoulder.

Di nagtagal ay nagsimula na ang training. Lahat kami ay nagshift na matapos ang human training namin. I prefer the wolf training dahil mas malakas ang wolf form ko.

"Wow, baby. Looking good."

Natigil naman ako sa pagsasanay nang marinig ko ang boses ni Evan sa isip ko. Agad naman akong napatingin sa likod ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siyang nakatayo sa gilid ng puno. Nakahalukipkip siya habang nakangisi sakin.

WolfireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon