Eighteen

2.4K 94 33
                                    

I woke up in a cold and dark place. I was alone and I wasn't feeling well. Nakayanan ko pang tumayo at inikot ikot ang mga mata ko para makita kung nasan ba talaga ako.

Walang ilaw sa lugar na ito. Wala na akong ibang makita o marinig. I'm scared.

I started to walk. Hindi ko alam kung san ako papunta pero susubukan kong hanapin ang dulo ng lugar na ito.

Habang naglalakad ako ay nakarinig ako ng tahol mula sa likuran ko kaya nilingon ko ito. Nagulat ako nang makita ko ang lobo ko.

Nung maglalakad na sana siya palapit sakin ay natumba siya. When she cried, I fell to the ground. Napasigaw ako sa sakit na nararamdaman ko.

The pain was everywhere pero mas masakit ang puso ko. Mas lumalakas pa ang kanyang pag-iyak at mas lumala ang sakit na nararamdaman ko.

Sinubukan ng lobo kong labanan ang sakit pero hindi niya na kaya. She was too weak already.

Tumulo ang mga luha ko nang magtama ang mga mata namin. She was hurt and angry at the same time. Hurt because I chose to kill her, angry because I was selfish.

She let out a small whimper before finally closing her eyes. I yelled and tried to stand up but my legs didn't cooperate.

Unti unting nagiging abo ang lobo ko. I watched as she slowly disappeared infront of me.

And then she was gone. She's dead. I killed her.

*****

"Artemis?"

"Wake up."

"Can you hear us?"

Boses yun ng mga kaibigan ko. I was already awake but I was too embarrassed to open my eyes. Nakakahiya sa kanila ang ginawa ko.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko kaya tumulo ang luha ko. Binuksan ko ang mga mata ko nang may pumunas sa luha ko.

Maxi gave me a warm smile. "Thank the Moon Goddess, gising ka na."

The Moon Goddess probably hates me already. She's going to punish me soon.

"How are you feeling? Gutom ka ba?" Tanong ni Sheryl.

"N-Nasan ako?" Mahina kong tanong.

Napatingin naman ako sa gilid ng kama ko. Nandun sina Nikolo at Zoel, nakatingin lang samin. Hindi naman sila mukhang galit pero mukha silang pagod.

"Nasa mansion," Sabi ni Sheryl. "don't worry, you're safe already."

"Si Alireza at Trevon?"

"They're safe, Emi. Nasa Midnight Paws na sila, ligtas na sila dun." Sagot ni Nikolo.

I frowned before sitting on the bed. "Ha? Akala ko ba nasa mansion tayo?"

"Yes, Moonstone Delta's mansion. Alpha Evan rescued you." Sabi ni Zoel.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Natakot ako nung banggitin ni Zoel ang pangalan ni Evan.

"Nasa East tayo?"

"Yup," Maxi said. "can you stand? You need to eat, Emi."

"I can," Tumango ako bago tumayo mula sa kama. "si ano...nasan si..."

Sheryl cupped my cheeks. "Emi, don't be scared. Nobody's mad at you. Disappointed, yes but you can still explain yourself. We'll listen."

I sighed. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili kong umiyak.

"Tara. Ipaghahanda ka namin ng makakain." Sabi ni Zoel bago lumabas sa kwarto.

"Charot? Marunong ka palang magluto?" Rinig kong pang-aasar ni Nikolo sa kanya.

WolfireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon