Epilogue

4K 109 22
                                    

(Chapter 20)

____________

"Thank you ulit, Ali. You saved my life." I said before looking at the backseat.

She laughed. "Emi, pang-ilang thank you mo na ba yan?"

Nasa kotse kami ni Evan ngayon. Ihahatid namin si Alireza sa airport. Nandun na rin sina Luna Alice at Trevon.

Ngayon na yung flight nila pabalik sa Montana. Masaya ako dahil makakauwi na sila ng payapa sa kanila teritoryo pero nalulungkot ako dahil mawawalay sakin ang isang matalik na kaibigan.

"Sorry na,"I giggled. "I'm just very thankful that you saved my life."

"Of course I'll save you. You're my friend," She said which made me smile. "and kabayaran ko na din yun sa pagbigay ko nung potion sayo. I'm pretty sure Evan hates me right now."

Evan chuckled while driving. "I don't, don't worry. You saved her life so okay na."

"Nga pala, Ali, pano at saan mo nakuha ang potion?" I asked.

"I was reading old books about the Wolf Witches and the potion, swerte ako dahil nahanap ko yung libro na naglalaman ng mga facts tungkol sa kanila. Dun ko naman nakuha ang lugar kung san sila nananatili." She said.

Nanlaki ang mga mata ko. "So may mga Wolf Witches nga? Anong itsura nila? Nakaancient clothes ba?"

She giggled. "Nope, parang ordinary Wolf lang. Sila na kasi yung mga new generation Wolf Witches kaya new clothes na suot nila. Ang sosyal din nilang manamit, to be honest." She said.

"Pano mo sila nakausap na hingiin yung potion?"

"I bought it," She said kaya napatingin ako sa kanya. "bago kang magviolent reaction diyan, Emi, mura lang ang presyo."

I pouted. "I'll pay you back, Ali. Magkano ang nagastos mo?"

Mahina niyang pinitik ang noo ko. "It's fine, Emi. I swear."

Evan chuckled. "She's stubborn, Ali. Pipilitin ka talaga niyang sabihin sa kanya ang nagastos mo para bayaran ka niya."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Shut up, di ka kasali sa usapan."

Sumulyap siya sakin at ngumisi. "Look who's being rude to her Alpha."

"You're my mate, you idiot. Let me be." I rolled my eyes.

"Lagot ka sakin mamaya." Sabi niya sa isip ko kaya napangisi ako.

"I still have a question though," I said. "bat bigla kang napunta dun sa woods kahapon, EJ?"

"Ali mindlinked me, buti nalang at hindi pa kami nakakalayo sa mansion kaya nakabalik kami agad. And my timing was perfect." He said.

"Indeed," Ali said. "thanks for saving us, Evan."

Umiling si Evan. "No. Thank you for saving my mate." He said before holding my hand.

I smiled at him. "I love you."

****

"Ang tanga mo, EJ. Ang laki laki mo na tas hindi ka pa rin marunong maghiwa ng pipino?" Inis na sabi ni Kuya Jasen kay Evan.

"Wow, Kuya. As if naman marunong ka, ah." Umirap si Evan habang pinapatong ang pipino sa chopping board.

Binatukan siya ni Kuya Jasen. "Mas marunong pa ako sayo, bata."

"Ewan ko sayo, tanda. Lumayas ka na nga dito sa kusina, you're useless." Evan smirked at him.

Nandito kami sa mansion ng Red Moon. Napagdesisyonan naming magfamily and friends dinner. Of course, we invited my Tito. Parte naman siya ng pamilya and he's my only family before Evan came to my life.

WolfireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon