This is just a normal day to me.. Tahimik na paligid.. Akong mag'isa at peaceful yung utak at kapaligiran ko.
Palagi ako na'eexcite kapag nag'gagabi na..
Kasi nakikita ko ng maayos ang outer space gamit ang reflecting telescope ko.
Nasa balcony ako ngayon sa sariling bahay ko. Naging mapag'isa ako noong iniwan ako nung "ex" girlfriend ko.
Ang mahalaga ngayon sakin ang trabaho ko at ang sarili ko.
Tumingin ako sa reflecting telescope ko pero nafrustrate lang ako kasi wala akong nakitang pagbabago sa mga stars. Three years na din akong hindi nakakakita ng black hole. Haaayyy.. Buhay.
Nag'take down note nalang ako.
Nagbihis ako at lumabas ako sa bahay.. Pagbaba ko sa labas ng bahay ko may narinig ako na gumagalaw sa mga basura.
"Ano yun.." lumapit ako doon saan gumagalaw yung mga basura at pinadyak ko ng mahina yung garbage bag na black.
Gumalaw ulit at napa'atras ako..
"Ahh bka pusa lang okaya aso.. Kawawa naman kung hindi ko pakakawalan." sabi ko sa sarili ko.
Lumapit uli ako doon sa garbage bag na black at binuksan yon..
"AAAAHHHH!!!" Sigaw ko. Napa'atras ako at napa'upo sa saheg kasi laking gulat ko babae yung laman nung garbage bag.
Tumayo ako at inayos ko yung sarili ko.. Tinignan ko ulit yung babae. Natutulog yung babae.
Mukha siyang taong grasa pero ang ganda ng suot niya. Ano to? Ninakaw niya lang yung damit?
Tumingin ako sa paligid bka may tao.
Kinuha ko yung babae sa loob ng garbage bag. Tapos may hawak siya na bag. Binuhat ko siya papasok sa Sala ng bahay ko. Honestly isa lang yung kwarto ng bahay ko. Pero may library ako.
Sino siya? Anong nangyari sakanya? Narape ba siya? Nakidnap at tumakas? Kriminal ba siya? May tinataguan ba siya? Haaayyy!!! Kevin Lee tama na sa kaka'isip.. Bka pumutok yang utak mo.
Tinignan ko yung laman ng bag niya, wallet at makeup lang yung laman nun. Wala siyang I.D.. Sino siya?
Tatanungin ko nalang siya kapag nagising na siya.
Kinabukasan..
Nasa library ako para gawin ang mga projects ko ng maisipan kong manood muna ng TV kasi nabored ako bigla.
Pumunta ako sa sala. Pinagmamasdan ko lang yung mukha nung babae. Mukha talaga siyang pulubi.
"Irereport ko ba siya sa mga pulis? Hmmm.. Anong gagawin ko? Ni hindi ko siya kilala tapos pinatuloy ko sa bahay ko." Tapos pumunta akong kitchen para uminom.
Pagkatingin ko doon sa couch gising na yung babae..
"Oh gising kana? :)" bati ko sakanya.
Mukhang nagulat siya at nagtataka kung sino ako at kung nasaan siya.
"Gutom kana ba?" tanong ko sakanya.
Umiling lang siya. Ngumiti lang ako at pinag'hain ko siya.
Kumakain na siya sa kitchen ngayon. Lakas niyang kumain! Akala ko bang hindi gutom to? Kung makasubo parang pati ako kaya niyang ka'inin eh. Natatawa ako sakanya. Hahaha! Binigyan ko siya ng tubig at umupo sa tabi niya.
"Anong pangalan mo?" tanong ko sakanya kasi since noong nagising siya, super curious ako kung anong background niya. Bka kasi magnanakaw or kriminal siya eh.
BINABASA MO ANG
Don't say Goodbye [HIATUS]
FanfictionDo you believe in MAGIC? That magic that will turn your world upside down? That magic will make you crazy? That magic will break your heart? MAGIC? There's such thing as fate.. But MAGIC? OO! DUMATING LANG TONG BABAENG TO BUMALIGTAD NA YUNG MUNDO KO...