**ANNIE'S POV
Pumasok ngayon si Kevin.. Saturday ngayon, wala akong pasok. Nanonood lang ako ng Movies.
Sobrang nabobored ako.. Tumayo ako..
Biglang sumakit yung ulo ko tapos may nag'flash na pangyayari sa ulo ko pero fragments lang siya. Tumatakbo yung babae.. Hindi siya clear.. Parang ako yung napagod doon sa nakita ko sa utak ko.
Pinagpawisan ako. Pumunta ako sa fridge para kumuha ng tubig.
Ano yun? Sino yung babae? Anong tinatakbuhan niya? Naalala ko yung mga taong involved sa buhay ko at kung saan ako nakatira, kung anong mga passwords ko kung sino ako at kung anong pagkatao ko. Pero hindi ko matandaan kung paano ako napadpad dito.
Pero one thing is sure.. Hindi ako kriminal. Pero kailangan kong magtago.. Ewan ko kung bakit.. Pero kailangan kong magtago. Yun lang yung nakatanim sa utak ko since nagising ako sa bahay na to.
Pumunta ako sa library ni Kevin. May book akong kinuha, laking gulat ko pictures yung laman nun.
Pictures ni Kevin.. Sa unang tingin palang alam ko ng girlfriend niya ito dati.
Ang saya nilang tignan sa mga pictures. Iba yung itsura ni Kevin dati, kesa ngayon.
Dati ngumingiti siya. Ngayon minsan ko lang siya nakitang ngumiti.. Noong pagkagising ko dito sa bahay na to.
"Anong ginagawa mo?"
"Ginulat mo ako!" Sigaw ko. Bigla kasi siyang sumulpot sa likod ko.
"Ikaw lang pala Kevin.. Kumain kana doon. Nagluto na ako.. Ito ba? Ahh.. Magbabasa sana ako ng libro pero pagkakuha ko pictures niyo pala hung girlf--.."
"LABAS!" Sigaw niya.
"Hindi ko namin sadya na makita ko yung mga pictures niyo eh! Ang selan mo!" Sigaw ko sakanya. Aba naman! Hindi ko naman sadya eh.
"Ginulo mo na yung buhay ko.. Hindi kapa ba nasatisfy sa ginawa mo?"
natiglan ako bigla.
"Hindi Kevin.. Tinutulungan kita.." sabi ko sakanya at lumabas na ako sa library.
**KEVIN'S POV
Tinutulungan? Wala siyang alam sa buhay ko.
Ang alam niya lang manira ng Ibang buhay. Katulad ng ginawa niya sakin.
**ANNIE'S POV
Pumunta ako doon sa balcony ni Kevin. Umupo ako at tumingin ako sa mga stars.
"Bakit walang nakaka'apreciate sakin? Ginawa ko na ang lahat pero ayaw nila ako sa mga buhay nila.. Sana may tumanggap sakin." sabi ko sa mga stars.
Yumuko ako at may mga luhang pumatak galing sa mga mata ko.
**KEVIN'S POV
Pagkatapos kong kumain, naglabas ako ng kumot at unan galing sa kwarto ko.
One week ko ng ginagawa to since noong nakitira dito si Devil Girl.
Kanina pa hindi dumadaan sa mata ko si Devil Girl.
Pumunta ako sa balcony.. Nakita ko si Devil Girl na naka'upo.. Lumapit ako sakanya.
Nagulat ako kasi may luhang pumapatak sa mga mata niya.
Pinasok ko siya sa bahay.. Hiniga ko siya sa couch. Pinagmamasdan ko yung tulog niyang mukha. I can see the sadness on her face.
For a second I felt sorry and parang naguilty ako. Habang tinititigan ko siya, nakikita ko si Fatima sakanya.
Pinatay ko yung ilaw sa sala. Lampshade nalang yung nakabukas.
Pumasaok na ako sa kwarto ko.
Hindi matanggal sa isip ko yung mukha ni Fatima at ni Annie.
Parang bumabalik na yung feelings ko para kay Fatima ulit.
Hindi ako makatulog kasi na'aalala ko yung mukha ni Devil kanina.
Kinaumagahan..
Himala nagising ako ng maaga ng walang ma'ingay.
Tumingin ako sa wall clock tapos 12:30 na pala ng hapon. Hindi kasi ako Nakatulog kagabi.
Tumayo ako at pumunta akong sala pero wala dun si Devil. Hinanap ko siya sa kitchen, dinning room at sa balcony.
"Teka.. Bakit ko ba hinahanap yung babaeng yun? Dapat mag'saya ako kasi wala na siya sa pamamahay ko dba? Okay.. Bye.. Mag'ingat ka.." sabi ko sa sarili ko sabay wave sa pinto.
Pumunta ako sa sala. Nakita ko yung mga damit na hineram ni Annie na nakatuping maayos sa couch.
Lumabas ako sa bahay at umupo ako doon sa stairs papasok sa bahay ko. Anong ginagawa ko? EWAN KO!
Hinihintay kong dumating si Annie..
"Haayy.. Anong nangyari sayo Kevin.. Nasira na yung pag'iisip mo dahil kay Devil." nasabi ko sa sarili ko.
3 hours din akong naghintay sa labas..
5:30 na ng gabi pero wala parin sign ni Annie. Sa sala na ako naghihintay ngayon. Biglang bumukas yung pinto at Nakita kong papasok si Annie.
Yung pag'alala ko nahaluan ng galit.
"Oh Kevin.. Pasensya kana hindi na ako nakapag'luto at nakapag'paalam sayo.. Nagmamadali kasi akong bumili ng mga damit ko at tignan mo bumili ako ng cell--.."
Tumakbo ako papunta sakanya at yinakap siya.
"K-Kevin.. A-Anong ginagaw--.."
"Sa susunod kapag aalis ka ng bahay mag'paalam ka sakin ha?! Gago ka pinag'alala mo ako. Mag'paalam ka kapag aalis ka ha?!" Sigaw ko sakanya.
"Oo.. Promise.. Bitaw na."
Binitawan ko siya at..
"Magluto kana dun.. Hindi ka man lang nagluto kanina. Gutom na ako. Dalian mo. Damihan mo yung iluluto mo." Sabi ko sakanya.
"Oo. Sorry nagutom ka. Pasok ka muna sa kwarto mo. :)" sabi niya sakin at pumasok ako sa kwarto.
Nirereview ko yung mga isusubmit ko bukas.
After 1 hour..
"Kevin luto na. Anong ginagawa mo?" Tanong niya sakin at nilagay niya yung mga kamay niya sa likod ng shoulders ko.
Bigla kong na'aalala si Fatima. Palagi niya kasing ginagawa sakin yun. Tapos ibback hug niya ako.
Pero hindi niya ako binackhug.
"Work. Tara na." cold na sabi ko at tumayo ako nauna akong naglakad papuntang dinning room.
Pagkatapos namin kumain, habang nagliligpit si Annie pumunta ako sa balcony para tignan yung mga stars.
Nakakita ako ng shooting star..
"Sana bumalik na sakin si Fatima." yan nalang yung nawish ko.
**ANNIE'S POV
Narinig ko si Kevin na nag'wish sa isang shooting star..
"Gagawin ko ang lahat para sa first love ko.. Thank you hero ng buhay ko.." yan nalang ang nabulong ko habang tinitignan ang likod ni Kevin.
BINABASA MO ANG
Don't say Goodbye [HIATUS]
Hayran KurguDo you believe in MAGIC? That magic that will turn your world upside down? That magic will make you crazy? That magic will break your heart? MAGIC? There's such thing as fate.. But MAGIC? OO! DUMATING LANG TONG BABAENG TO BUMALIGTAD NA YUNG MUNDO KO...