CHAPTER 2: COMPLICATED

42 4 1
                                    

Nasa work ako ngayon ng lapitan ako ni Sharwin. Shar nalang.

"Hey bro! Kamusta project?" tanong niya sakin.

"Wala paring pagbabago.. Pero buhay ko may pinagbago. Tss." sabi ko sakanya with my irritated voice.

"Napano ka?"

"Pare.. Maniniwala kabang may kasama akong babae sa bahay ko?" tanong ko ulit sakanya.

"Oo naman.. Anong mali dun?"

"Ang mali dun.. Uhmm... Pano ko ba sasabihin.. Okay. Here's the big deal.. Hindi ko kilala yung babae. Napulot ko lang siya sa harapan ng bahay ko tapos pinag'babantaan niya yung buhay ko kapag pinapaalis ko siya.. Pangalan niya lang yung alam ko. Feeling niya siguro bahay niya yun. Pare.. As in.. Pinagbabantaan niya yung buhay ko. May fountain pen nga siya na kutsilyo eh!" sigaw at reklamo ko kay Shar.

"Pare.. Seryoso ka? Noong kinukwento mo yan at pinapakinggan kita pumasok sa utak ko na nababaliw kana. Napulot mo yung babae?"

"Oo.. Napulot ko sa labas ng bahay ko. sa basurahan! Pare maniwala ka! College student lang siya. Anong ginawa kong mali sakanya at pinag'babantaan niya ako?! Pare as in.. Maniwala ka sakin."

"Pare malala kana. Sige sasamahan kita sa bahay mo mamaya para mameet ko siya."

"Sige pare.. Salamat." sabi ko sakanya at pinat niya yung shoulder ko at umalis na siya.

Napabuntong hininga nalang ako.

Pauwi na ako kasama si Sharwin..

Pagdating ko sa bahay at pagbukas ko ng pinto nakita ko yung sapatos nung babae. So nandito na siya?

Naka'amoy kami ng masarap na amoy galing sa kitchen. Tapos lumabas siya sa kitchen tapos..

WHAT THE?! Bakit ang laki ng tiyan ng babaeng to?! Buntis ba to?! Impossible! Ang liit ng tiyan niya kanina tapos ngayon parang in 4 months manganganak na siya.

"Oh Sweetie. Nandito kana at nagdala ka pa ng friend mo. ^___^" bati niya samin.

"Sweetie?!" pareho naming nasigaw ni Sharwin.

"Oo. Asawa ko siya. ^___^" sabi niya tapos taas ng left hand niya tapos may sing-sing siya. Tapos tinignan ko yung left hand ko may sing-sing.

^___^ - Annie

O___O - Ako at Sharwin

Tatanggalin ko na sana yung sing-sing pero pinigilan ako ni Shar.

"Pare sinungaling yan! Wag kang maniwala! Fake lahat ng to!" sigaw ko kay Sharwin.

"Bro may sing-sing ka. Tapos buntis pa siya. Wag kang tatakbo sa responsibilidad mo." Sabi ni Shar sakin sabay hawak sa mga shoulders ko.

"Anong pangalan mo?" - Shar

"Ako pala si Annie Zyra Lacsamana-Lee. ^___^" sabi niya kay Shar. Ako sa sobrang shock ko hindi ako makapagsalita at na dumbstruck ako.

Nasa kitchen kami. Kumakain na silang dalawa. Ako walang gana kasi ano-anong pinag'iimbento ni Annie. HELP ME! Nasira ang buhay ko sa loob ng 24 hours. T___T

"Zyra.. Sumbong mo sakin tong si Kevin kapag tinatakasan ka niya ha?" Sabi ni Shar kay Annie sabay inom ng tubig.

"I will. Thanks Shar! ^___^" sabi naman ni devil girl. -___-

Pagka'alis ni Shar..

"What the hell?! Anong pinag'iimbento mo ha?! Nawawala kana ba sa sarili mong pag'iisip ha?!" sigaw ko sakanya.

Don't say Goodbye [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon