CHAPTER 6: HE'S SO HOT

33 2 4
                                    

**KEVIN'S POV

Gago talaga yung babaeng yun. Nag-iimbita ng stranger sa bahay ng ibang tao. Kaya siguro tinapon siya kasi ganun yung ugali niya.

"Iba talaga siya.. Pabayaan ko na nga lang. Pag may nangyari sakanya bahala siya. Hindi ko sagot ang pam'burol niya at pang'libing." sabi ko sa sarili ko.

After 2 hours..

"Kevin aalis na yung bisita natin." sabi ni Devil habang naka'ipit yung ulo niya sa pinto.

"Hindi ko siya bisita. Bisita mo siya." sabi ko sakanya tapos narinig ko nalang na sumara yung pinto.

Bigla nanaman pumasok sa isip ko si Fatima..

"Haaayy.. Fatima pwede bang wag ka palaging magpakita sa utak ko? Bka kasi puntahan kita sa inyo at mag'makaawang balikan ulit ako."

"Tama na Kevin.."

Natigilan ako kasi narinig ko yung boses ni Fatima. Bka nananaginip lang ako.. Oo nananaginip lang ako.

"Kevin.." tapos may humawak sa balikat ko. Pagharap ko nanlaki yung mga mata ko. Kinusot kusot ko pa yung mga mata ko para masigurado na hindi ako nananaginip.

Hinawakan ko din yung mukha niya. Shit! hindi nga ako nananaginip! Si Fatima nga ito!

"F-Fatima? B-Bakit nan-nandito ka?" shit hindi ako makapaniwalang siya to! As in.. Fatima Cheon yung babaeng minahal ko higit pa sa sarili kong buhay.

"Nandito ako para sabihin na.. Tama na.. May ibang mahal na ako." noong sinabi niya yun biglang Parang natamaan ako ng kidlat sa puso.

"Ahh. Oo.. Pasensya na. Haha. Ayos lang sakin yun. After 5 years I'm still not over you.. pero ngayon.. Tatapusin ko na lahat ng feelings ko para sayo.. I'm happy for you Fatima.." tapos hinawakan ko siya sa braso. Pero nasaktan ako doon sa sinabi niya na may mahal na siyang iba. Kasi nga may feelings pa ako para sakanya.

"But please let me do this before I let you go.." hinawakan ko yung mukha niya then I kissed her.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

"Kevin! Hoy Kevin gising! Anong Fatima naman? Nananaginip ka lang." Sabi ni Devil.

"Salamat ha? Ginising mo ako sa isang masamang panaginip." yan nalang ang nasabi ko sakanya.

Kasi super bad nung dream ko na yun. Gusto ko talagang magkatuluyan kami ni Fatima.

**ANNIE'S POV

"Napano si Fatima sa panaginip mo? Ginawa niyo na ba yung ano? ^___^"

"Ano?" Masungit na tanong niya.

"Yung S word. Diba tumira na siya dito? So it means ginawa niyo na." Diba kasi palagi sa mga nag'lilive-in ginagawa na ng himala kaya hindi na ako magtataka kung hindi na virgin si Kevin.

Don't say Goodbye [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon