5. Annoyance and Threats

33 2 0
                                    

"Miss Leviste! Are you paying attention?!"

Agad akong nag-angat ng tingin nang marinig ko ang pagtawag ng Lec sakin. Pansin kong bahagyang natahimik ang buong silid at maraming pares ng mata ang nakatuon sa direksiyon ko.

"Sorry, Miss." Paumanhin ko at umayos ng upo.

"That's the thing I hate the most! When I'm currently discussing something, I want every ears to listen! Hindi iyong kung saan-saan naglalayag ang mga utak niyo!" Nanlalaki ang matang pangaral ng guro namin. Nakatingin siyang diretso saakin.

Hindi na ako sumagot pa at baka lumaki pa lalo ang maliit na gulong sinimulan ko. Pero nagulat ako ng ituro niya saakin ang hawak na meter stick na ginagamit niya sa pag point ng words sa whiteboard.
"Spacing out in my class is unforgivable, Ms. Leviste. Give the 6 Elements that consists Alkali Metals!" Napakurap ako. Seryoso siya?

"Lithium, caesiu-" Natigilan ako sa sasabihin ng itaas niya ang kanan niyang kamay.

"State it in a complete sentence and STAND UP!" Anito at ibinagsak nakataas na kamay sa desk. I closed my eyes in irritation.

"The six Metallic Elements under Alkali Metals are Potassium, Lithium, Caesium, Sodium, Rubidium and Francium." Lumunok ako pagkatapos noon. Uupo na sana ako ng sinamaan niya 'ko ng tingin.

"Did I say you can sit back down? Describe those Alkali Metals that you mentioned!" Huminga ako ng malalim bago sumagot. Sasabunin niya ba 'ko ng tanong? Seryoso talaga siya?

"Dammit!" I cursed softly.

"They're all shiny, soft, highly reactive metals at standard temperature and pressure and readily lose their outermost electron to form cations with charge +1. They can all be cut easily with a knife due to their softness, exposing a shiny surface that tarnishes rapidly in air due to oxidation by atmospheric moisture and oxygen--"

"Stop right there. Maupo ka na. Dami mong alam. The next time you space out in my class, feel free to leave. The door is widely open."
I immediately slumped back on my seat. Ang mga kaklase ko ay nakatingin pa din saakin at nagbubulungan pa ang iba. Well, hindi naman talaga bulong dahil dinig ko.

"Damn! Pa'no niya nalaman yung sagot eh hindi pa natin yan nadi-discuss?"

"Nag advance reading siguro siya? Ewan."

"Kung ganyan ako katalino, di ko na kailangan pumasok. Hahaha."

"Tsss...palagi naman siyang ganyan, di na kayo nasanay."

Sinamaan ko ng tingin ang notebook ko na nakapatong sa armchair. 'Bat lahat ng galaw ko napapansin nila?

Nagpatuloy ang discussion pero hindi pa din ako nakinig. Lutang ang utak ko. Marahil ay dahil ito sa nangyari kagabi. Hindi naging maayos ang tulog ko dahil matapos kong tawagan si Chris ay agad na akong umalis.
Siya na mismo ang tumawag ng pulis upang i-cover ang nangyari pero hindi nawala sa isip ko ang mga babaeng nakita ko kagabi.

Ayos na kaya sila? Hindi ko na nagtanong si Chris dahil pagpunta ko sa HQ ay hindi naman kami nagkaabot.
Hindi ako mapakali kaya kinulang ang tulog ko.

*Kringgggg*

Agad kong hinablot ang bag ko at nauna akong lumabas bago pa man makalabas ang iba kong kaklase. I fetched my phone from my pocket then called Chris. Pero naka-ilang ring ay wala pa ring sumasagot. Bwisit.
Tatawagan ko ulit sana siya ng magpop-up ang mukha ni Batuta sa screen. Sumagot ko ang tawag nito at ako na ang unang nagsalita.
"Oh?"

Decaying NirvanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon