CHAPTER 2

94 5 0
                                    

Leigh's POV

I gulped twice when my Coach stalked towards my way. I'm doomed.

"Leviste! What were you thinking?! Have you gone mad?!" Napakagat-labi ako.

Aligaga akong luminga sa paligid ng mapansing tahimik ang lahat. Tumigil ang mga tao sa loob nang gymnasium at lahat ng mata ay nakatingin saakin. Ang ilan ay nagbubulungan habang ang iba naman ay tinatapunan ako ng masamang tingin.

"Did you know what you just did?! Alam kong magaling lang pumana but I never thought pati orasan ay papanain mo!" Nanlaki ang mata ko at imbulontaryong nilingon ng mata ko ang malaking orasan na nakasabit sa east wing ng gym kung saan ako nakaharap.
Nakabaon ang palaso na ginamit ko kanina sa number 12 ng orasan at tumigil na ang pag-rotate ng mga kamay nito. Wasak ang salamin at nagkalat ang mga bubog into sa sahig. Saktong wala namang nakaupo doon.
Tiningnan ko si Coach.

"Sorry, Coach. Nawala kasi ako sa focus." Nanlaki ang butas ng ilong niya sa galit.

"What?! Nawala ka sa focus? You lost your focus!?" Bakat ang mga ugat sa mukha nito at salubong ang kilay.

'I'm doomed.' Ulit ko sa isip.

Hindi na ako nagtangkang sumagot pa dahil alam kong hindi rin siya makikinig.

I gritted my teeth when the rude guy's face popped up in my head.
'I will kill that jerk.'

Siya ang dahilan ng 'to. Bwisit.
"I want you to meet me in my office." Nakaigting ang panga nitong sabi. Tumango na lamang ako.
Agad akong tinalikuran ni Coach kaya nilingon ko ang kinauupuan ng lalaki kanina. (Nakalimutan ko na ang pangalan niya). But he was nowhere in sight. Naikuyom ko ang palad ko.

Dahil sa nangyari, nagpasya si Coach na ipatigil ang practice at ipagpatuloy na lang bukas. Naglakad ako palapit bleachers sa kinalalagyan ng bag ko ngunit napansin kong may iilan pa ring makakapal ang balat na panay pa din ang tingin saakin. Sa sobrang inis, ay hindi na 'ko nakapagpigil.

"What are you looking at?" Sita ko sa isang freshman na nakatitig saakin.

Napayuko ito ngunit di umalis sa kinatatayuan. Sakto namang nakuha ng kasama niya ang ibig kong sabihin kaya hinila siya nito paalis.
'Mga walang magawa sa buhay.'

Pagkalabas ko ng gym, hindi ako dumiretso sa opisina ni Coach. Nagpunta muna ako sa comfort room at saka naghilamos sa mukha. Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Unti-unting bumalik sa isip ko ang hitsura ng lalaking 'yon. Sino ba siya sa tingin niya? Ba't ayaw niyang umalis sa ulo ko? Damn him and his handsome face. Something about him was bothersome.

Pumikit ako ng mariin at bago ko pa mapigilan ang sarili ay lumipad na ang kamao ko sa salamin. Gulat akong napalingon sa likod nang may marinig akong matinis na sigaw sa kakabukas pa lamang na cubicle.

May babaeng nakatayo soon at nanlalaki ang matang nakatingin sa salamin.
At dahil badmood ako...
"What?!" Asik kong tanong.
Hindi ito sumagot at agad na lamang tumakbo palabas.

Decaying NirvanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon