Chapter 8. The Easy Way or The Hard Way

17 0 0
                                    

"What am I going to do with this?" Turo in Christine sa lalaki na ngayo'y nakaupo na sa passenger's seat.
Nakasandal ang ulo nito sa upuan at hindi man lang nakakakabit ang seatbelt.

"Bring him to my place and lock him up in the interrogation room. Susunod ako." Tumango siya at agad na binuhay ang makina. Sinundan ko ng tingin ang sasakyan hanggang sa mawala ito sa aking paningin.

Doon ko lamang nagawang ipakita ang sakit na naramdaman ko sa suntok ng lalaki kanina. Maging ang aking paa na bahagyang nadaganan nang tumilapon ang motor ko ay kumikirot din bagaman walang sugat.

Bilang mas mataas ako ng posisyon kay Christine, hindi ako maaaring magpakita ng kahinaan. Well, hindi lang sa kanya ngunit maging sa kahit sino man na napapailalim sa lebel ko.

I heaved out a sigh then looked down to inspect my knuckles. It looks so beaten up. Bahagya itong kumikirot tuwing kinikilos ko yet the pain was bearable. Doon ko lamang naalala ang motor ko. Nang lingunin ko ito ay halos malukot ang aking mukha.
Halos magkamukha na ang likurang gulong ng motor ko at ang aking kamay. Parehong mukhang nalalanta.

'Now what?'

Napangisi ako nang maalala ang motor ng lalaki. Looks like I need to ditch my ride. Ipapasundo ko na lamang ang motor ko kay Christine on her way back para siya na ang magdala sa Headquarters.

Pinulot ko ang akong helmet at muli itong isinuot saka ako lumapit sa motor ni Allen.

Yes, his name is Allen. I have my eyes on him the first day he transferred on my school.
There are things that happened back then at I think it has something to do with him or he's involved. But as of now, all I can do is observe his every move since I'm not yet sure.

Sumampa ako sa motor at saka binuhay ang makina.

'Pakiramdam ko ay para lamang akong nakasakay sa motor ko..'

Maya-maya pa ay tinatahak ko na ang daan pabalik sa bahay ko. Ilang minuto lamang ang layo ng bahay ko sa school.
I immediately pulled over beside the parked Rover in front of my door. Bumaba ako sa motor at agad na pumasok sa bahay.

Nadatnan ko si Christine na nakaupo sa couch at nakataas ang dalawang paa sa coffee table sa harap. Tinanggal ko ang pagkakasukbit ng bag ko sa balikat saka ko ito inilapag sa single seat.

I sat down beside her then leaned back with my eyes closed.
"You okay?" Napabuntong-hininga ako saka ngumiti ngunit nanatiling nakapikit.
"Yeah. Just tired."
Yun lamang at hindi na kami nagsalita.
Maya-maya pa at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

~•~•~•~•~•~•~•~•

"Awww, come on! Nandadaya ka eh."
Nagising ako ng marinig ang malakas na reklamo ni Markus.
"Anong nandadaya? No way! Magaling lang talaga ako."
Npabuntong-hininga ako ngunit nanatiling nakapikit.

Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako gayong wala naman akong masyadong ginawa. Kumikirot pa din ang kamay ko and my neck...

"Aarrghhh.." Napahawak ako sa leeg ko ng maradaman ko kung gaano iyon kamanhid.

Napaayos ako ng upon at saka lamang ako dumilat. Nakaupo sa sahig sina Christine a Markus at naglalaro ng chess.

"Bat di mo 'ko ginising?" Minasahe ko ang aking leeg. Namanhid marahil ito dahil sa posisyon ko habang natutulog.

"You looked tired. I thought you need rest."

"I do need rest. But not in the couch. Ang sakit tuloy ng leeg ko."
Tumayo ako at saka tiningnan ang oras sa aking relo.
"Kumain ka na. We ordered food, nasa kusina."

Decaying NirvanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon