4. Mission Refined

55 1 0
                                    

I walked cautiously making sure not to make any sound. All lights were out but I'm sure he's in the house. I could hear the faint buzz of the television somewhere.

Napatigil ako sa paglalakad at napahawak sa nasuksok na baril sa bewang nang may marinig akong mga yabag. Papunta ito sa gawi ko kaya agad kong binuksan ang pinakamalapit na pinto.
Naramdaman kong bahagyang napatigil ang kung sino man ang nasa labas dahilan para tuluyan ko ng hugutin ang aking baril.

Thankfully, after a few seconds, the footsteps continued then disappeared. Nakahinga ako ng maluwag at agad na lumabas.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang marating ko ang isang hagdanan. Mula dito ay naririnig ko ang mga tawanan na kung hindi ako nagkakamali ay mula sa mga lalaking nag-iinuman.

Napaisip ako. Should I do this quickly or Napagpasyahan kong silipin kung iilan sila at nakita kong may tatlo sa kanila ang nakaupo sa couch at nakaharap sa TV. Tanging ang liwanag mula dito ang tumatanglaw sa mga lalaki.

Nagtatawanan ang mga ito at wala sa palabas ang atensyon. Ngunit wala doon ang lalaking hinahanap ko. I know he's here somewhere.

'Tatlo, plus ang isang naglalakad kanina.'

Umatras ako ng tatlong hakbang at sa kaliwa ko ay isang kwarto na agad kong binuksan upang silipin. At dahil walang ilaw, nahirapan akong alamin kung may tao ba sa loob.

Iginala ko ang paningin sa loob at ganun na lamang ang panlalaki ng mata ko ng may masagi ang paa ko. Isang babaeng walang malay na nakahubad ang nakita kong nakahinga sa sahig.

I took my phone out then turned on its flashlight. Napagtanto kong ang babaeng ito ay isa sa mga babaeng nasa larawan kanina. Pumikit ako at ikinuyom ang mga palad nang mabuhay ang aking galit.

What have they done? Hindi sila mga tao. Bilang babae, pakiramdam ko ay ako ang nasa lugar ng babaeng ito. Dali-dali kong isunuksok ang hawak na baril sa aking sapatos saka binuhat ang babae na ilalapag ko sana sa kama ngunit muntikan ko na siyang mabitawan nang makitang may dalawa pang babae ang nakahinga doon.

Nakabalot sila pareho ng kumot at may mga bakat ng kamay sa pisngi at leeg. I swallowed hard.
Makalipas ang ilang segundo ay saka lamang ako nagkalas ng loob na tuluyang ihiga ang babae.

I tried to wake them up but to no avail. They must've been drugged. Nilingon ko ang pinto.
I have to do it. Sobra na ang galit ko para patagalin pa ito.

Lumabas ako agad at bumaba sa hagdan. Nakuha ko ang atensyon ng mga lalaking nakaupo doon. Ngayon ay dadalawa na lamang sila. Marahil ay umalis ang isa.
A devilish grinned broke out from their obnoxious-looking faces burning up my rage even more.

"How'd you get inside here, babydoll?" Tumayo ang isa sa kanila at lumapit sa akin. My face remained passive. Hindi ako makapagpili kung paano ko sila pahihirapan.
Should I make their deaths quick or slow and painful?

"Alam mo bang bawal ang mga katulad mo dito? But you can be an exemption." He dragged his filthy fingers from my cheek down to my neck.

Bago pa ako makapagpigil ay hinuli ko ang mga daliri niya at pwersahan itong binaliko pailalim. I almost smiled when I heard a satisfying sound of cracking bones.

Naalerto ang kasama niya nang sumigaw ang lalaking hawak ko. Bagaman nasasaktan ay nagawa nitong gamitin ang isang kamay para hilahin ang buhok ko.
Napapiksi ako't napapikit sa sakit. Hindi na ako nagtaka pa. Sanay na sanay na silang manakit ng babae.

Decaying NirvanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon