7. Busted Knuckles

15 1 0
                                    

Sumandal ako sa pinto saka isinuklay ang kanang kamay sa ngayo'y magulo ko ng buhok.

"Wala kayong nakita, wala kayong narinig, wala akong ginawa sa inyo. Ayos ba?" Walang ni isa sa kanila ang sumagot. Lahat sila ay nasa sahig. Ang ilan ay nakaupo at nakasandal sa dingding habang ang ilan naman ay nakabaluktot. Panay ang kanilang pag-ubo at pagdaing.

'Bagay lang sa kanila yan.'

Napahawak ako sa sentido ko sa sobrang iritasyon.

"I don't like repeating myself! Sagot!"
I heard a chorus of stuttered 'yes' almost instantly.

"Sa susunod, matuto kayong rumespeto ng babae. At kapag lumapit kayo ulit saakin ng di lalagpas sa limang metro, di lang yan ang aabutin niyo."
Agad akong tumalikod at binuksan ang pinto sabay labas. Napasuklay ulit ako sa buhok ko ngunit agad ding napatigil nang maramdaman ko ang bahagyang pagkirot ng kamay ko. Tiningnan ko ito.

Damn! My knuckles are busted. Marahil ay dahil ito sa mga suntok ko kanina. The skin right on my knuckles was red and sensitive. May kaunti ring bahid ng dugo ang kamay ko.

At dahil nakayuko ako habang naglalakad, hindi ko napansin ang lalaking nakasalubong ko.
Napaatras ako ng may biglang bumangga saakin. Muntik pa akong tumapon sa sahig.

'Wtf?'

"Oh! Hi there." Nag-angat ako ng tingin. Si Mateo(ba yun?).

"That's twice this week. Watch where you're going."

Bahagyang siyang natawa at humakbang palapit saakin.

"Long time no see, Sunshine." Nagsalubong ang kilay ko.
"Funny. I just saw you yesterday." I sarcastically said. Its true. I saw him during his swimming practice. Topless.

"Hmmm. Saan? Wala akong naaalalang nagkita tayo." I narrowed my eyes at him.

"Tsss. Don't talk to me." Naikuyom ko ang aking mga palad. Magpapatuloy sana ako sa paglalakad ng higitin niya ang braso ko.

"Not so fast, Sunshine."

"Don't call me sunshine. Saka pwede ba? I don't like repeating myself. Don't talk to me. Sa susunod na sabihin ko ang salitang 'yan, magkakabangas ka."
Akmang lalagpasan ko siya nang humarang siya sa lalakaran ko.

Naramdaman ko ang mga tingin ng mangilan-ngilang estudyanteng kasabay namin sa hall. Damn! Ayoko ng atensyon!

"That is so unlady like, Sunshine." Bumagsak ang panga ko.

'WTF?'

"Isa pang salita. Isang-isa na lang talaga."
I gritted my teeth.

'Bat ngayon pa?'

"Come on. What did I do to make you dislike me this much--Aahhh!" Hindi niya napigilan ang paglipad ng kamao ko sa pisngi niya.

I heard murmuring from the students around us but I didn't bother listening.
Napaatras siya sa lakas ng pagkakasuntok ko kasabay ng malakas na pagpiksi.
Nanlaki ang mata niya ng tingnan ako bagaman nakangisi ito.

"I warned you."

Agad akong tumalikod at naglakad palayo. Nanginginig ang kamay ko. Hindi sapat ang sapak na iyon para pawiin ang gigil ko. I need to punch something.

Halos takbuhin ko ang tambayan ko upang nakapunta agad doon. Pagkadating ay saka ko pinagdiskitahan ang puno na madalas kung tulugan.
Doon ko ibinuhos lahat ng inis, pagtataka, at gigil na nararamdaman ko.

Decaying NirvanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon