chapter 2

6K 182 6
                                    



Yanna's PoV



"Anak hindi ka mahina malakas ka. Kaya mag bago  ka na ng definition about yourself you're strong like your true mother and father." Ouch natouch si ako dun ha.



Tama si daddy I need to change, but meron pa akong tanong sino ba talaga ako?



"Masasagot mo lang yan kung papasok ka sa magical academy" Huh? Magical academy? Kaka transfer ko pa nga lang sa new school ko eh.



"Nandun po ba yung real parents ko?" Malungkot kung tanong na may pag halong bahid ng saya



"Ikaw lang ang makakasagot diyan anak" Sabi ni mommy.



"Pero po-"



"Anak wag ng makulit. At yan nga palang kapangyarihan mo dapat sa atin lang yan. Tayo tayo lang ang nakakaalam. Maliban na lang sa kanila" I see. Ayaw nilang sabihin pero ano daw maliban sa kanila? Sino naman?



"Sino po?"tanong ko



"Malalaman mo rin yan sa tamang panahon" Hayss. Ano ba yan hindi naman ako mang huhula eh



"Sana anak baguhin muna yang sarili mo, isipin mo na malakas ka, at hindi mahina. Siya nga pala yang mask mo" Huh? Anong meron sa mask ko? May dumi ba?



"Bakit po?tsaka bakit nga po pala ako naka mask?" Takang tanong ko



"Kasi anak kung wala kang mask at hindi mo pa alam kung anong totoo mong pagkatao, mamamatay ka at mabilis kang mahanap ng mga kalaban. Pero kung may alam ka na tungkol sa iyong sarili, pwede mo nang tanggaling yang mask mo pero may chance parin na makikilala ka ng nga kalaban kaya mag iingat ka anak. Wag mong ipakita sa iba yang kapangyarihan mo" O-okay. Kaya pala ako may mask



"Pero pwede ko na po bang tanggalin?" Tanong ko



"Oo nak. Pero sana ipangako mo samin ng daddy mo na hindi mo gagamitin ang powers mo dahil baka nandiyan lang sa paligid ligid natin ang mga kalaban" My ghaad kinikilabutan ako sa sinasabi nila



"Mommy naman eh! Nakakatakot naman yan!" Totoo naman kasi.



"Hahaha. Magbago ka na anak ha" Sabi naman ni daddy.



Teka nga wait so pag ba pumasok ako sa Magical Academy checheburetche nayan pwedeng pwede ko na bang gamitin diyan ang powers ko?



"Depende anak" Nagulat naman ako dun.



"Huh? Depende?" Takang tanong ko ulit



"Oo depende." Bakit naman depende?



"Tama na nga yang kakaisip anak! Sumasakit ulo ko sayo eh!" Reklamo ni mommy sino ba kasing nag sabi na basahin ang isip ko?



"Hindi lang ikaw, pati ako!" Reklamo din ni daddy sabi ko rin bang basahin niya yung isip ko?



"Aray naman!" Pano ba naman kasi nakatanggap ako ng dalawang batok galing sa mga magulang ko. Ang sweet nila diba! Ang sakit tuloy ng precious head ko.



"O siya pakitanggal na nga pala yang mask mo" Sabi ni mommy. Kaya ayon tinanggal ko nalang.



"Kyaahh ang ganda talaga ng anak ko!" Gigil na sabi ni mommy.



"Bagay na bagay talaga sa maganda NATING anak ang kanyang boses anghel." Napailing nalang ako sa sinabi ni daddy diniinan niya pa kasi yung salitang 'nating'. Kaya ayun si mommy nag peace sign lang. Haha.



"Mommy daddy. May tanong po ako" Dahilan para mapatingin silang dalawa sakin



"Ano yun Sheyanna?" Tanong ni dad



"Ahmm. Kilala niyo po ba yung real parents ko?" Bakit ba sa curious ako eh. Sabi kasi nila kanina ako lang daw makakasagot dun pero sana kahit ito lang sagutin nila



"Oo." Sabi ni mommy.



"Bakit po may pagkakahawig tayong dalawa kong ampon lang po ako?" Bakit ba? Curious nga akong tao eh.



"Anak napakadami mo namang tanong. Malalaman mo rin ang lahat. Hindi nga lang ngayon pero soon" Masiglang sabi ni mommy na sinabayan naman ni daddy



"Oo anak soon~" Ay jusko kaylangan ko ng tulong.



"Mom dad tigil na nga po kayo" Sabi ko, nag mumuka kasi silang mga tanga.



"Pa hug nga Sheyanna" Sabi ni mommy at yinakap ako. "Salamat kasi hindi ka nagalit samin ng daddy mo. Ma swerte ka kasi kami ang nag palaki sayo. Anak kahit anong mangyari iingatan mo yang sarili mo ha. At pag nakilala mo ang totoo mong mga magulang sana wag mo kaming kakalimutan ng daddy mo. At dun mo rin malalaman kung bakit tayo may pagkakahawig. Isipin mo rin na isa kang malakas na tao at mag karoon ka  ng tiwala sa iyong sarili. Tsaka alam kong kinakaya ka ng lahat wag mong gagamitin ang kapangyarihan mo sakanila. Once na malaman ko na ginamitan mo sila ng powers pahihirapan kita with my powers" Sabi ni mommy na umiiyak at bigla akong binatukan.



"Aray naman mommy! Opo gagawin ko po yan lahat. Gagamitan ko lang sila ng kapangyarihan ko kung hindi ko sila natiis and sumusobra na po sila. Tsaka sabi niyo diba na baguhin ko na yung definition ko sa aking sarili." Sabi ko kasi sinamaan ako ng tingin ni mommy at ni daddy



"Anak wag mo silang gamitan ng powers mo kasi malalaman nila ang pagkatao mo. Makakaya mo sila kahit hindi mo gamit ang iyong powers. Kuha mo?" Ano ba to si mommy nakakatakot pag seryoso.



"Opo. Tsaka may isa pa po akong tanong" Sabi ko na ikinakunot ng noo nila



"Ano na naman yun anak kung tungkol ito sa pag katao mo. No. Hindi na kami mag kwe-kwento kasi marami ka narin namang nalaman. Sa tamang panahon mo malalaman kung sino ka ba talaga a--" Pinutol ko na ang sasabihin ni daddy kasi hindi naman na about sa pagkatao ko ang tatanungin ko kasi naiintindihan ko namang ayaw nilang sabibin. Gusto nila na ako mismo ang makaalam sadyang OA lang sila.



"Hindi naman po yun dad eh!" Reklamo ko



"Ay sorry naman nak. Ano ba kasi yun?" Sabi ni dad with peace sign



"Uhm. May pagkain po ba?" Tanong ko na dahilan ng pagtawa nila



"Hay ewan ko sayo Sheyanna yun lang naman pala eh! Muka ka kasing seryoso. Hahahahha. Meron dun sa kitchen jusko! Hahahhha" Tawa ng tawa si mommy kaya nag pout nalang ako.



"Mommy!" Suway ko kay mommy pano ba naman kasi ayaw tumigil sa kakatawa!



"Oh bakit? Sinasabi lang ang totoo eh!" Sabi naman ni mommy.



"Ewan ko sayo mommy! Basta kakain na ako!" Sabi ko sabay walk out at pumunta sa kitchen.



Tapos ayon si mommy at daddy tawa lang ng tawa. Pinabayaan ko nalang silang tumawa doon gutom ako eh. Pero nung nainis ako binatuhan ko sila ng apoy.  Ang ingay nila eh, kaya ayun agad silang nataranta at ginamitan naman agad nila ng powers nila para matanggal tapos nung nakita nila akong nakatingin sakanila ng masama ng peace sign lang silang dalawa. Then yun kumain nalang ulit ako



Habang kumakain ako napaisip ako sa mga sinabi nila. At tama sila kaylangan kong maging malakas. At mag karoon ng tiwala sa aking sarili. Dapat hindi ko isipin na mahina ako kundi isa akong malakas na tao kagaya daw ng nga real parents ko.



And I think it's the new start of my life. My new life. Mag babago na ako.

Magical Academy {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon