Fae's PoV
Napapailing nalang ako sa mga pinaggagawa ni Yanna. Isip bata masyado tapos mamaya mag babago ang mood. Nako! Pag ako! Tapos pinagtritripan kaming lahat. Except nalang sa katabi niyang yelo.
Bali ganto ang upuan namin.
Ako Airro
Fritz table Jyna
Ice YannaKatabi ko pa yang Airro nayan. Ang hangin masyado.
"Faee. Bagay talaga kayo ni Airro." Ano?! Bagay kami? Ewwwww.
"Eww, Yanna! ‘tong panget na ‘to? Bagay kami?" Ewww lang talaga
"Ano?! Ako panget? Sa mukha kong ‘to? Ipapaalala ko sayo ako ang pinakagwapo sa lahat!" Ang hangin talaga.
"Whooo! Tatangayin ata ako ng napakalakas na HANGIN" grabe talaga ang hangin ng mokong na ito eh!
"Hoy nag sasa-" May sasabihin pa sana siya ng pigilan siya ni Ice.
"Shut up" Cold niyang sabi. Napatahimik naman kami.
Wala eh pag si Ice ang nagsalita tiklop kaming lahat. Pwera lang sa isa
"Wahahahahahaha" Tawa ba naman ng tawa si Yanna tapos inakbayan niya si Ice. Itong isa naman parang napatigil pero agad din naman siyang naka recover. Naku! Natamaan ata si Ice. Joke, baka mamatay agad ako.
"Alam mo yelo ang sungit mo. Ngiti ka nga" Yanna said sabay bininat ang bibig ni Ice.
Wait I think it's my turn. Wahahahaha. Humanda ka saking bruha ka.
"Sweet niyo. Bagay kayo" Sabay na sabi namin ni Airro. What?! Pati ba naman sasabihin ko gagayahin niya.
"Hoy! Anong sweet at bagay diyan?" Sigaw ni Yanna
"Wahahahahahaha" Tawa ko. Napatigil ako nung bigla akong nabilaukan.
"Oh tubig" Alok ni Airro kinuha ko naman agad at ininum rin lang agad. Alangan namang tungangaan ko. Tss.
"Thank you ha" Sarcastic na sabi niya.
"Ah welcome" Then inirapan ko pa siya. Ayon na bwisit ang hangin.
"Oyyyy. Tama na yan" Natatawang sabi ni Yanna. Tumigil nalang ako
Wait may napapansin ako ang tahimik ng dalawa. Pagtingin ko halos maubos na nila ang mga pagkain namin. Pag tingin ko sa plato ni Yanna ubos na same with Ice. Pag tingin ko sa plato ko isang slice nalang ng cake
Kinuha ko na agad yun baka kasi maunbusan pa ako eh.
"Fritz at Jyna alam niyo bagay rin kayo" Ito na naman eh mag uumpisa naman tong babaeng ‘to sa bagay bagay na yan.
Napatigil naman yung dalawa sa pag kain tapos nag katinginan sila sabay sabi ng
"Ewwww.*sabay suka effect*"
Grabe naman maka react ‘tong dalawa.
"Grabe kayong dalawa! Tara na nga" Yaya nitong si Airro
"Anong tara na?! San tayo pupunta?! Tapos na klase natin ah" Angal naman nitong Yanna.
"Pupunta tayong mortal world" Sabi ni Airro. Nagulat naman si Yanna. Yes! Pupunta ulit ako sa mortal World
"Tayo" Madiing sabi ni Airro sa utak ko. Sabi ko nga kami. Tss.
"Tss."
Nga pala nakakabasa rin pala kami ng isip. Ewan ko lang kay Yanna.
"Yey. Makikita ko na ulit sila Mommy"
Basa ko sa isip ni Yanna napatingin naman ako sa mga kasama ko ganun narin sila. So yun nag katinginan kaming lahat.
"Problema niyo?" Yanna asked.
"Ah wala" Simpleng sagot ni Jyna
"K." Sagot naman ni Yanna
"Tara na sa HM" Suggest ni Fritz
Namiss ko sa mortal world. Sana payagan kami ni HM. Aheheheh.
So yun pag dating namin sa HM pumasok agad kami. Wala ng katok katok. Pasok agad. Duh kami batas.
"Galing ha?! Hindi man lang kumatok bago pumasok" Sarcastic na sabi ni HM. Pero nagulat kami nung biglang lumabas si Yanna
*Tok.tok.tok*
Napailing nalang ako sa ginawa ng babaeng yun ang slow e.
"Pwede na po bang pumasok?" Tanong niya sa labas. Napatawa nalang kaming nasa loob except sa isa na seryoso parin ang expression niya.
"Yeah. Come in" Utos ni HM. Agad namang pumasok si Yanna sabay batok saming lima.
"Aray/hoy masakit!" Sabi naming apat. Si Ice, sinamaan lang ng tingin si Yanna.
"Para saan yun?" Tanong ni Jyna
"Wala" Tipid na sagot ni Yanna. Batukan ko nga rin siya tas sabihin kong wala lang. Tss.
"Quiet" HM said with a cold voice. Sanay na kami diyan.
"Quiet daw kasi" Sabi naman ni Yanna
"Tss. Anong meron at naparito kayo?" Tanong ni HM
"Ah! Magpapaalam daw po kami sa inyo" Masiglang sabi ni Yanna
"Where are you going?" HM asked.
"Sa mortal world po" Sabi ni Airro
"Why?" Jusko naman HM! Ang dami pang sat-sat hindi nalang kami payagan
"HM naman e! Dami pang tanong. Basta pupunta kami sa mortal world" Sabi nama nitong Fritz.
"Oo nga HM, tapos narin class namin. Can we go na ba?" Sang ayon naman ni Jyna
"Oo na! Basta mag ingat kayo. Get it? Mga batang pasaway pa man din kayo" Ang bait talaga ni HM. Di hamak na galing rin siya sa mortal world.
"Anong bata HM? Baka isip bata?" Tanong naman ni Yanna. Wow! Naging isip bata pa kami.
"Sinong isip bata?" Tanong ni Jyna. Naku! Mag babangayan ata tong dalawa ah.
"Kayo" Nako Yanna tumigil ka na
"A-" Napatigil sila sa pagbabangayan nila nung may lumapit sakanilang fire ball. Buti at naka ilag sila kung hindi tusta na sila.
"Dapat naman Ice sinabi mo na kanina pa, hindi yung biglaan! May bibig ka naman siguro para mag salita?! Kung hindi mo alam mag salita tuturuan kita! Halika rito!" Sermon niya kay Ice. Iba pala magalit ‘tong babaeng ito e.
"Tss"-Ice
"Alis na nga kayo! Dito pa kayo mag iingay! Baka mamaya mag bago isip ko!"agad agad naman kaming nagsitakbuhan papuntang pintuan kaya ayun nag siksikan kaming lahat.
"Aray!" Sabi ni Airro at agad na lumabas sa pintuan kaya ang ending napahiga kaming lahat sa floor. Yung pwet ko
"Ouchieeee" Ang saket talaga eh
"Gago ka Airro!" Mura ni Fritz.
"HAHAHAH. Gago pre, sorry na" Tawang tawa niyang sabi.
Nakakatawa ba yon?!
"Tss" Ice again
"Tara na nga" Sabi ni Jyna.
Nag teleport naman kami papuntang mortal world.
"Waaah! Namiss ko dito" Sabi ni Yanna
Ang ganda talaga dito. Pero sad to say hindi mo nga lang ma-aalis na iba ang amoy dito.
"Ang ganda talaga dito guys" I Said. Nag agree naman silang lahat maski si Ice. Tumango nga lang.
Sa totoo lang, sobrang cold ni Ice pero ayaw niyang may napapahamak ang isa samin.
BINABASA MO ANG
Magical Academy {COMPLETED}
FantasyTungkol po ito sa babaeng walang kaalam alam sa totoo niyang pagkatao, ang alam niya lang ay isa lang siyang babaeng napakahina at kinakaya ng lahat, pero nung makapasok siya sa isang academy nakilala niya ang totoong siya, isang academy na kung saa...