Habang naglalakad kami iniisip ko parin yung sinabi ni HM na makikisalo daw kami sa hari at reyna. Ewan ko ba kung bakit ba ako nagkakaganito. Pero yung puso ko parang excited na excited. Samantalang ako parang praning na. Pero gusto ko rin naman. Aish! Ang gulo ko!
Pero kasi parang may iba akong feeling. Parang ano! Aish! Ewan. Pero--
"Aray!" Ang sakit nauntog ata ako sa pader. Ouch. Huhuhu.
"Tss. Tignan mo nga dinadaanan mo" Ano?! Yung pader nagsasalita?! Holy mother shit!
Tatakbo na sana ako kaso nag salita ulit yung pader. Ohmayghaaaad!
"Hindi ako pader" Sabi nung pader. Pero ano daw?! Hindi siya pader? Eh bakit parang pader?! Shit! Nagsasalita ba ang pader? Huhuhu. Mommy daddy help meee!
"Fvck Yanna! Your insane! It's me! Ice!" Sigaw ni Ice. Wait.. Loading... It's me Ice... What the f! S-si I-ice yun? Tinignan ko naman siya. Tapos...anoo. Ang sama ng tingin niya. Huhuhu. Ayaw ko pang mamatay.
"A-ano k-kasi..ahhh..s-sorry" Sabi ko sabay peace sign at kumaripas ng takbo papunta kina Fae na nakatingin samin at halatang nag pipigil ng tawa. Mga sinamaan ko naman sila ng tingin. Sabay sabay naman silang nag peace sign.
Woooo! Bat ganun yung puso ko? Ang bilis ng tibok? Ahh siguro kasi tumakbo ako ng mabilis. Ah yun nga.
Teka! Nasan na kami?
Nilibot ko naman yung mata ko. Tapos nagulat ako kasi nasa...MORTAL WORLD NA KAMI?!
What the fvck?! So ibig sabihin kanina pa ako lutang dahil dun sa sinabi ni HM?! Oh no!
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Nagulat naman ako kasi bigla nalang tumawa ng malakas si Fae. Huh? Anong meron? Teka nga! Anong mga nangyari kanina habang lutang ako?
"Hoy Fae okay ka lang?" Nag tatakang tanong ko. Eh bat kasi siya tawa ng tawa?
"Para ka kasing tanga HAHAHAHA" ANO?!
Tinignan ko naman yung katawan ko. Teka! Bat may hawak akong kahoy?! Tapos hinawakan ko naman yung buhok ko bakit parang buhol buhol?! Nung hinawi ko. Ang hirap..shit.. HINDI!!
Agad ko namang binitawan yung kahoy dahilan para mas lalong lumakas ang tawa ni Fae at yung tatlo. Tss. Ang bad nila! Mga hampaslupa ni hindi man lang nila ako tinulungan ayusin ang buhok ko.
Nagulat naman ako nung may nag abot sakin ng suklay. Huh? Sino naman to? Pag lingon ko si..Ice?
Dug.dug.dug
Napahawak naman ako sa puso ko..shet! Anong nangyayari sakin? B-bakit p-parang.. Ah basta! Ewan. Kinakabahan lang ako. Oo tama! Kinakabahan lang ako.
"Hey! Are you listening?" Nagbalik lang ako sa realidad ng tanungin ako ni Ice.
"Huh?" Narinig ko na namang tumawa yung apat kaya sinamaan ko nalang sila ng tingin ganun din si Ice.
"I said use it. Ang gulo ng buhok mo! Para kang gurang." Sabi sakin ni Ice sabay abot ng suklay. Tapos kumaripas ng takbo. Teka! Anong sabi niya? Mukha akong gurang? Lintik kang Yelo ka!
"Hoy bumalik ka dito! pesteng yelo ka! Humanda ka sakin" Sabi ko. Akmang tatakbo na sana ako. Kaso pinigilan ako ni Fritz.
"Mag suklay ka muna" Sabi ni Fritz sabay ngisi. Tss. Nag suklay nalang ako.
Pagkatapos kung suklayin ang buhok ko. Naglakad na kami nila Fae. Hahabulin ko pa sana si Ice kaso napagod ako. Kaya ayun. Tinamad ako. Ang totoo niyan.. Bahala siya sa buhay niya.
"Hoy Yanna! Ayon si Ice oh!" Sabi sakin ni Jyna. Napalingon naman ako dun sa tinuro niya. Napakunot naman yung noo ko. Wala naman dun si Ice ah. Abno ata to eh. "Yiee. Ikaw ah! HHAHAHAAH" Sabi niya sakin sabay kiliti sa tagiliran ko. Gosh nang aasar lang pala.
Actually kanina pa nila ako inaasar kay Ice. Kasi daw hindi naman daw ganon si Ice dati nung wala pa ako dito. Hindi pa daw yun kumikibo minsan. Pero ngayon daw eh kita na daw nila pagbabago niya simula nung dumating daw ako dito. Duh. Anong connect?
"Oh Ice? San ka galing?" Narinig kong tanong ni Airro. Hindi na ako lumingon kasi baka nangti-trip lang sila. Pero napatigil ako nung narinig ko yung boses ni Ice.
"Hinanap kung nasan yung duplicate manipulator" Sabi ni Ice. Napatingin naman ako sakanya pero napaiwas agad ako ng tingin kasi nakatingin din siya sakin.
Dug.dug.dug
Aish! May sakit na ba ako sa puso?
"Ahh. Kala ko nagtago ka baka habulin ka ni Yanna. Gago pre HAHAHAHA." Sabi ni Airro. Duh. Nakakapagod kayang tumakbo.
"Yeah, ayokong mapagod." sabi niya at tumingin sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Oyy Yanna oh! HAHAHAHA. Nga pala nahanap mo naman kung nasaan ang duplicate manipulator?" Airro asked. Napatingin naman ako sa kanila. Pati narin yung tatlo.
"No. Pero may nararamdaman akong aura malapit sa gubat kung saan nakatira ang mga taong pinapatapon galing sa kanilang lugar." Nanlaki naman ang mata ko. May ganon dito sa mortal world? Parang wala akong narinig na ganon dito dati ah. My god Yanna! Mababaliw na ata ako.
"Saang gubat?" Takang tanong ko. Mga nanlaki naman ang mga mata nila. Oh? Bakit? Nagtatanong lang naman ako eh. Malay ko ba kung saan yun?
"Seriously? Hindi mo alam? Taga dito ka diba?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ice. Pag ako nainis dito kay Ice! Malilintikan ko talaga yan. Napa "ehem" Naman yung apat kaya sinamaan ko nalang sila ng mga tingin.
"Duh. I will ask you ba kung alam ko?" pagsusungit ko tapos yung mukha ni Ice parang hindi makapaniwala. Sapakin ko kaya siya.
"Tss." umirap siya at naglakad na, agad namang sumunod yung apat
"Hoy mga babae hintayin niyo nga ako. Wag niyo akong maiwan iwan kung ayaw niyo na walang kayong makain na masarap!" pagbabanta ko sa dalawa kaya agad silang tumakbo pabalik sakin.
"Oyyy. Ito naman eh" Sabi ni Jyna sabay kurot ng tagiliran ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Oyy. Maawa ka naman samin Yanna" pagmamakaawa ni Fae.
"Tss. Oo na. Tara na." Sabi ko sabay lakad. Sumunod naman sila. Naabutan naman namin yung tatlo.
*Fast forward*
"Ice sigurado ka bang dito yun? Parang wala namang katao tao oh! And ang creepy kaya dito" Reklamo ko. Totoo naman eh tsaka kanina pa kami nag lalakad dito sa gubat, pero parang wala namang mga tao dito. Tapos puro kaluskos lang naman ng mga hayop ang naririnig.
"Oo nga, Ice, parang wala naman" Sang-ayon naman ni Fae.
"Tss. He's here" Cold na sabi ni Ice.
Huhu. Natatakot na talaga ako.
Nakarinig naman kami ng napakalakas na kaluskos kaya napahawak ako sa damit ni Ice. Natatakot na talaga ako gusto ko ng umuwi. As in, ayoko na dito.
"Be ready!" Sigaw ni Ice. Nag ready naman na sila. Hindi naman ako makagalaw kasi nanghihina talaga ako. Takot na takot na ako bakit pa kasi ganito dito?! It's so creepy.
Napahawak naman ako ng mahigpit sa damit ni Ice nung mas lalong lumakas yung kaluskos. Shocks!
Bigla namang may lumabas na isang lalaking gwapo sa pinaggalingan ng kaluskos. Napatingin naman siya sakin kaya nagtago ako sa likod ni Ice.
Huhuhu. My ghad. Baka kukunin niya ako. Huhuhuhu. Wag naman sana. Gusto ko pang makita ang mga totoo kung mga magulang. Maawa--
"Ako ba hanap niyo?" Tanong nung lalaki tas tingin ulit sakin kaya mas lalo akong sumiksik kay Ice.
"Ikaw ba ang duplicate manipulator?" Tanong ni Fritz. Tapos tinignan siya ng lalaki.
"Ako nga. Anong kaylangan niyo saakin?" Napatigil naman ako doon. Siya ang duplicate manipulator?! Shocks! Oa mo Yanna!
BINABASA MO ANG
Magical Academy {COMPLETED}
FantasyTungkol po ito sa babaeng walang kaalam alam sa totoo niyang pagkatao, ang alam niya lang ay isa lang siyang babaeng napakahina at kinakaya ng lahat, pero nung makapasok siya sa isang academy nakilala niya ang totoong siya, isang academy na kung saa...