Yanna's PoV
Pag pasok namin agad na may bumungad na dalawang lalaki sabay yuko sakin, yuyuko narin sana ako ng hilahin ako ni kuyang guard sabay iling. Huh? Pero teka nga bat ang gwagwapo ng mga tao dito? Pati rin kaya si headmaster? Hihihi.
Bigla naman silang nagsenyas maaari na kaming pumasok. Huwat? Hindi pa kami nakakapasok kanina? Pero nasa loob na kami ah.
Habang papasok ulit ako sa headmaster's room pero nakapasok na kami kanina pa, nakaramdam ako ng napakalakas na aura. Nararamdaman ko rin ‘to kanina pero hindi ganun kalakas. Nakakatakot.
"Kanina pa kita hinihintay ms. Tan" Sabi nung lalaking naka upo pero nakatalikod. Bakit? Ayaw niya bang makita ang mukha kong maganda? Bigla naman siyang humurap tapos ang gwapo ni HM^_^
"Sorry po sa paghihintay" Sabi ko sabay yuko
"It's okay miss" Ani HM tapos ngumiti na siya. Kyaaaaaah ang wafuuuuu. Pero syempre hindi ko pinahalata. Ahihihi.
"Okay sir" Sabi ko
"Ms. Tan naibigay na ba ni Thea ang folder?" Tanong ni sir kaya tumango ulit ako bilang sagot. "Good. Tomorrow is your first day. So good luck. And welcome Ms. Sheyanna Tan to Magical Academy. That's all, you may go now." Sabi ni HM.
"Thank you po alis na po ako" Sabi ko at umalis na. Ihhh hindi ko nga kasi makayanan ang gwapo ni HM. Siguro nung binata siya maraming nag kakagusto sakanya. Hihihi.
"Ahm ma'am ihahatid ko na po kayo kung saan ang dorm." Sabi niya tapos na una ng mag lakad alangan namang ako. Eh di lingon ako ng lingon sa harap.
Habang busy ako sa pag titingin sa lugar na ‘to kung saang magandang mag relax hindi ko na nakita ang nasa harap ko. At tadaaaah nandito na kami sa dorm.
"Doon po sakabila ang dorm po ng mga lalaki. Mahigpit na pinagababaw po dito na pumasok ang mga babae sa dorm ng mga lalaki at ganun din po sa boys bawal din po silang pumasok sa dorm ng girls. So yun lang po maaari na po kayong pumasok ma'am" Sabi niya at umalis.
tinignan ko naman ang folder tapos nakita ko doon ang room number ko kaya hinanap ko. Grabe ha! Nasa dulo pa ang dorm ko. Bwisit!
Pinihit ko yung door knob tapos umikot ito so it means hindi naka lock. What?! Hindi naka lock? So may magnanakaw? Pumasok agad ko tapos nakakita ako ng dalawang...babae? Babae ang mag nanakaw?
"Ang tagal mo girl! Kanina ka pa namin hinihintay" Reklamo nung isa medyo chubby yung face bali parehas sila. maganda rin sila pero yung nag salita naka rebond. Wow. Ganda namang mag nanakaw tapos naka sitting pretty pa sila. Wow lang ah nahiya ako. Teka magnanakaw ba talaga?
"Teka di ba pag magnanakaw eh nangunguha ng mga gamit pero bakit kayo naka sitting pretty diyan?" Tanong ko sakanila
"Hoy anong magnanakaw ka diyan? Grabe ka naman! sa ganda naming ‘to!" Sabi ni ewan basta yung hindi nakarebond.
"Wait nga so kayo ang ka dorm ko?" Tanong ko
"Ay hindi! Kaya nga kami nandito eh!" Ay nangbabara si ate! Pag ako nag seryoso! Kausapin niyo yang sarili niyo!
"Tss. Sige! Ano nga palang name niyo? Para naman close tayo para masaya ganern!" Sabi ko sabay ngiti ng malawak.
"Jyna Sendrejas 17 years old . Light manipulator." Sabi ni Jy. Haha jy nalang para shortcut. Hihihi
"Fae Ferrer 17 years old earth manipulator" Sabi niya sabay ngiti. Ngumiti nalang din ako
"Sheyanna Tan same ng age Fire manipulator." Sabi ko at ngumiti nalang ulit ako. Tapos nung tignan ko sila parehas silang gulat na gulat."Nyare sainyo?" Bigla nalang sila umiling
BINABASA MO ANG
Magical Academy {COMPLETED}
خيال (فانتازيا)Tungkol po ito sa babaeng walang kaalam alam sa totoo niyang pagkatao, ang alam niya lang ay isa lang siyang babaeng napakahina at kinakaya ng lahat, pero nung makapasok siya sa isang academy nakilala niya ang totoong siya, isang academy na kung saa...