Game of Thorns

203 6 7
                                    

FIRST WORK KO ITO KAYA PAGBIGYAN NYO NA AKO. PLEASE? HAHAHA! FIRST CHAPTER MUNA ANG IPPOST KO AT MAGHAHANAP MUNA AKO NG READERS. KATUWAAN LANG TOH. :P 

Enjoy :))

_____________________________________________________

Chapter 1 – Another Weird Day.

I woke up from a nightmare that has been haunting me since… well, since nung umalis kami ng Philippines. It’s been two years since we moved to Japan. My whole body is dripping with sweat na unti-unting hinahawakan ang mga peklat ng aking masamang nakaraan. Even though gising na ako ay naaalala ko pa din ang  bawat detalye ng panaginip ko. If kayo, ang problemo ay ang di sinasadyang pagkalimot ng panaginip, ako naman ay sana’y tuluyan ko nang makalimutan ang panaginip ko bawat gabi na mismong pagkatao mo ay sana’y di na lang nabuo.

 

Four years ago…

“Zaaaaaaaack!” sigaw ni Raiza

Oh no, ito nanaman sya.

“Oh bakit?” pataray kong sagot

“Pumayag ka na, sige na. Please?”

Simula nung first day ng schoolyear ay araw-araw nya na akong sinusuyo na maging kaibigan ko sya.

“Raiza, you know that doesn’t work that way. Friends are supposed to be earned. And alam mo namang hindi tayo pwedeng maging magkaibigan dahil hindi magkasundo ang parents natin.”

“Ayun nga ang maganda dun eh, MAY THRILL!”

Napailing na lang ako at iniwan sya.

I can’t believe this girl. Parang may topak ata toh eh. And yes, magkaribal ang parents namin because of some business kind of shit. Pero ang totoong dahilan kung bakit ayaw kong makipagkaibigan sa babaeng toh ay dahil sya ang tinuturing na pinaka-weird na student ng school namin. Minsan naaawa ako sa kaniya kasi wala siyang friends dahil sa kaweirdohan niya and lagi na lang din sya tahimik at walang kinakausap except sa akin, pero still… weird pa din siya. ‘Di ko ba alam kung may crush sa akin toh o ano kasi everytime na napapatingin ako sa kaniya, nakatingin din sya sakin at lagi pa niya akong sinusundan. If alam mo naman yung feeling na laging may matang nakatingin sa’yo syempre nakakailang yun, well…. welcome to my world, the World of Yuji Zack Ryusaki. I know what you’re thinking, and yes, I’m half Japanese. Pero dito na ako lumaki sa Pinas kaya wala akong alam sa kung ano-anong ginagawa ng mga Hapon. I’m 16 years of age, graduating, single and the son of the richest man sa school namin.

Another day comes, and ginawa ko ang usual routine ko before pumasok sa school. Naglalakad lang ako papuntang school since nasa likod lang ng school namin ang mansion ng parents ko sa kadahilanang kapatid ng Dad ko ang may-ari ng school namin.

Hindi naman ako gaanong sikat sa school namin dahil I prefer a low profile kasi mas madaling makakilos sa loob ng school kung wala gaanong nakikipag-usap sayo except na nga lang sa babaeng si Raiza. Gosh, I really hate that girl.

Pumasok na ako ng classroom and guess what kung anong unang bumalandra sa mukha ko – YUNG MUKHA NI RAIZA NA ABOT TAENGA ANG NGITI. Muntik ko nang masuntok buti nalang ay occupied ang kamay ko ng handle ng bag ko. Nasabi ko na bang kinamumuhian ko tong babaeng toh? Ugh.

Oh well, binigyan ko na lang siya ng poker face at dumaretso na ako sa seat ko.

“Another weird day, huh?” sabi ni Lloyd, isa sa mga kaibigan ko.

“As usual, bakit pa kasi pinanganak yang babaeng yan eh” sabi ni Frank (another friend of mine) habang nakatingin ng masama kay Raiza… or inaantok na tingin.

“Hayaan niyo na siya guys, nasasayang lang ang laway nyo sa paglait nyo sa kaniya. Let the other students do that for you” sabay nagtawanan kami.

“Oh ayan na si ma’am. Isa pang weird toh eh” – Lloyd

True enough. Si Ma’am Gonzales, ang Science teacher namin, ang pinaka-weird naman na teacher sa school. Lagi siyang late sa class ng exactly 5 minutes and 15 seconds (Yes, I counted). No wonder kaya sila lagi ni Raiza ang magkausap, parehas lang silang weird. Maybe they’re planning to create an army of weirdness. Haha! Wag naman sana.

Lumipas na ang buong araw na para sa akin ay normal day (well, and weird day ko ay ang normal day ko). It will be a blessing if magiging mas weird pa tong araw na toh, kasi bored na bored na ako sa araw-araw kong pamumuhay.

Pauwi na ako nang ‘di ko aakalin na ang pinalangin kong blessing ay agad-agad na dumating.

Malapit na ako sa bahay kung saan ay pagkalabas ko na lang ng another building ng school ay tatawid ako sa kalsada at nasa bahay na ako. Late na akong umuwi kaya ako na lang ang natitirang naglalakad sa hallway ng building na iyon, nang nadulas ako. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Kung saan ako nadulas ay may nakakalat na dugo na galing sa loob ng isang classroom – sa classroom namin. I tried to open the door, pero lock ito. I tried the other door, pero lock din, so pumunta akong labas para tignan sa window ng classroom kung sino ang nasa loob. And there it is, ang blessing na hiningi ko. Nakasabit ng patiwarik sa stopper ng door kung saan ay may dugo ay ang bangkay ni Ma’am Gonzales. Imposibleng suicide kasi naka-patiwarik sya kung saan sa paa nakatali ang lubid na ginamit para isabit sya sa stopper.

Nakatitig lang ako sa bintana ng mga ilang minuto nang may mainit na hininga ang dumapo sa taenga ko at bumulong ng “Please?”

Game of ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon