"I wonder why madaming pulis na dumating sa theater kanina" pagtataka niya habang kumakain kami sa isang restaurant.
"Siguro kailangan ng bodyguard ng isang VIP" of course I'll lie.
"Ang arte naman" biro niyang sagot.
Masaya na siya ngayon, 'di tulad kanina. Nasira araw niya dahil sa akin.
"Haley, sorry nga pala kung hindi ko napanood yung pagkanta mo"
"It's okay. Mukhang emergency naman yung pupuntahan mo - CR. You'll have to go nga naman kung malala na yang nasa tiyan mo. Haha!" nagtawanan kami.
Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay nag-ring ang phone ko.
"Uhh, excuse lang, Haley ah"
"Sure" nakangiti niyang sagot.
Pumunta muna akong labas para sagutin ang phone ko.
It's the psychopath.
"Zack, great job. Di ko alam na may taste ka pala sa pagpatay ah. Sa ulo mo pa talaga pinatama. Well, you deserve your dinner tonight with your friend. Pero alalahain mo lang na having more friends is the same as having more risks. Bye."
Napatingin ako sa window ng restaurant kung saan makikita ang table namin ni Haley. And andun siya nakatingin and nagmmouth ng "Are you okay?"
Well, siguro mukhang namatayan ang mukha ko.
Napaisip ako. Why not just enjoy this evening kasama si Haley. Who knows kung ito na ang huli kong dinner with a friend. Andrama ko. Pero possible. Sa buhay ko ngayon, parang it's easy to say na pwede akong mamatay bukas.
Pumasok na ako sa loob and sinusundan ako ng tingin ni Haley.
"Anyare sayo?" pagtatakang tanong niya.
"Bakit?"
"Parang nakatanggap ka ng tawag galing sa isang multo."
"Ahh wala. Just a friend" I lied again. Seriously, anghirap ng ganito.
"I see. Tara kain na"
Mag-10 pm na nung matapos kaming kumain. Dala ko ang car ko kaya sinabi ko na din na ihahatid ko siya pauwi.
"Heavy traffic. Tsk tsk. Gabing-gabi na pero andami pa ding nasa labas" tnry kong huwag maging awkward pero pagkalingon ko ay tulog na siya.
Napatitig ako sa kaniya. Ngayon ko lang napansin na hindi siya gaanong maputi and bagay sa kaniya yun. Napaka-amo at kinis ng mukha. Matangos ang ilong. And matingkad na pink ang lips niya.
"Don't stare, it makes me nervous" bigla siyang nagsalita habang nakapikit.
Gising naman pala. Tsk.
Napaalis na lang ako ng tingin at napangiti.
Nakarating kami sa bahay niya. Sobrang lapit lang din pala sa bahay ko pero ngayon lang ako nakarating dito sa side na toh ng subdivision namin. Mas tahimik dito at wala pa masyadong bahay na nakatayo.
"Zack, thank you sa food at sa paghatid. Mabait ka nga talaga katulad ng sabi ni Nic-nic."
"My pleasure. Mas nasiyahan ako ngayong gabi. Ngayon lang ulit ako nakakain sa labas kasama ang isang kaibigan."
"Good to hear that. Hey, sige papasok na ako. Thank you ulit" ngumiti siya at pumasok na.
Mag-11 na nung makauwi ako. Hindi pa ako nakakapagpalit pero dahil sa sobrang pagod at stress, nakatulog na agad ako sa kama ko.
Cancelled pa din ang pasok kinabukasan. Napatagal ata ang imbestigasyon sa pagpatay kay Mr. Chua.
'Di pa naman tumatawag si psychopath kaya nag-gym muna ako.
Umaga pa lang ay madami nang tao sa gym. Madami din akong nakita doon na schoolmates ko. Mostly ay mga varsity team players.
Nag-lift ako ng weights nang 'di ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan ng dalawa kong schoolmates na nasa likod ko lang.
"Hay. Cancelled nanaman ang klase. Tinamad lang ata mga teachers eh. Di naman kasi aabutin ng two days ang mga pulis para kunin lahat ng evidence" sabi ng lalaki.
"Pero I heard na kaya tumagal ay dahil may namatay nanaman daw kahapon na isang trustee din. Kaya nagkaroon ng ilang interviews si Principal Garcia" sagot naman nung babae.
Naman. Mukhang pati ang pag-aaral ko maapektuhan na din.