Gumising ako na walang halong kaba. Although, my first kill ay naganap lang kagabi, part of me ay nagsasabi na "everything's gonna be fine, Zack." Possible ba na maglie ako sa sarili ko? I mean well, iniisip ko lang yun, pero naiisip ko din ba na hindi magiging worse pa ang situation ko? Ay bakit ko ba tinatanong yan sa sarili ko. Okay, anggulo. Thanks, Zack, sa nakakalitong pagiisip.
So I started my day with a serious face. Why? 'Cause it's my normal face. Although gusto kong ngumiti at matuwa ng konti. Kahit konti lang. *insert McDo commercial guy* Well, not because I got my first kill, but because of... ugh, I dunno either.
It's 9:30 a.m. and still no phone call, txt message, or letter na dumadating galing sa psychopath na yun. Maybe patay na sya? Haha! Okay, sana nga. When suddenly, nagring yung cp ko. Well, it's about time. Pero unknown number sya. Hindi yun yung psychopath 'cause I already saved hers into my contacts and named it "Always Answer" Haha! Cool, right?
Anyways, I answered the call.
"Hellooooooo!!" with a familiar voice. And with a few seconds, I realized that it's Haley.
"Oh hey, Haley. Energetic ah" I answered with not so energetic reply.
"Haha! Just wondering if you could check out the beach with us? Since wala namang pasok."
"Uhh..." I'm not sure if I should go kasi hanggang ngayon wala pa ding message or call si psychopath.
"Don't worry, tayong apat lang nila Lloyd at Nic-Nic" agad nyang sagot.
Siguro alam nyang 'di ako masyadong mahilig makipag-mingle sa ibang tao kaya niya nasabi yun. And gustong-gusto ko silang samahan kaso eto na nga, bakit kasi antagal ni psychopath na magcontact. Hmmm.... bahala na si batman.
"Oww okay. What time ang alis?"
______________________________
12 noon na kami nakarating sa beach kaya naglunch muna kami dun. As expected, lahat ng dala nila ay sea food.
Ugh. I really missed this kind of environment: eating, chatting, laughing, cooking, and all that you can do pag kasama ang friends mo. It seems na wala kang inaalala. Then I remembered. I checked my phone, still nothing. Maybe psychopath is having her vacation too huh. Welp, it's good to imagine it that way. At least, I can have my day off sa pagpatay kahit isa pa lang yun.
They started swimming after nilang kumain. 'Di ako marunong lumangoy kaya I decided na lang na panoorin sila habang "iniinggit" nila ako kahit alam naman nilang hindi effective. Sinamahan ako ni Haley para naman daw hindi masayang ang pagyayaya niya sa akin.
"Ilan na naging gf mo?" biglang tanong niya.
"Wow ah! Hindi mo muna ba tatanungin kung nagkaroon na nga ba ako" natatawa kong sagot
"Well, sa itsura mong yan, for sure nagkaroon na" smart answer
"Haha! Maniniwala ka ba kapag sinabi kong isa pa lang?" it's the truth though
"Maybe? How come though? Naririnig kita lagi sa bunganga ng mga girls sa school. And laging positive ang feedback ng mga friends ko 'pag ikaw ang pinaguusapan" bigla syang nagblush. Nahalata niyang nagslip off ang isang clue sa kaniya na lagi nila akong pinaguusapan.
"Siguro dahil yung girl na yun, binigyan nya ako ng reason na wag munang magtiwala at magmahal ng isang tao"
"Oww" mejo naffeel ko na nahihiya siyang ipa-spit out sa akin yung kwento pero at the same time curious sya.
"It's a long and boring story. How 'bout you?"
"None" she answered with a smile
"I don't believe you" sabay iwas ng tingin. "You're very sweet, kind and beautiful inside and out. Oh wait, bawal ka pa magka-bf noh?"
"Hindi naman sa bawal. It's just that my Grandpa is always telling me that I should wait for the right guy. And hindi yung basta-basta lang na sasagot ako sa isang manliligaw sakin. And gusto ko din yun, na yung first bf ko ay last ko na din." napatingin ako sa kaniya habang sya naman ay nakatingin sa malayo na parang kausap nya pa din ang Grandpa nya.
Somehow, parang lalo pang naging mabigat ang feeling ko. Na sa bawat hakbang ng pagkilala ko kay Haley ay parang nadadagdagan lang ang pasanin ko. Na parang gusto ko na agad itigil ang relasyon ko sa kaniya or even sa iba ko pang kaibigan. Ayoko silang masaktan dahil sakin. The more she gets close to me, the more individual will be involved.
