6:30pm nagstart ang show.
Nagiging kumportable na ako sa inuupuan ko nang makita ko sa upper right side ang VIP box ni Sir De La Cruz.
"Si Sir oh" sabay turo ni Lloyd. Napansin nya din siguro na nakatingin ako.
Ugh. Nanlalamig na ako at nanginginig.
Why do I have to kill again? Err. Yeah, because of that psychopath.
Si Haley na ang kumakanta. As much na gusto kong pakinggan at i-enjoy ang pagkanta niya, kailangan ko nang gumawa ng move.
Right after ni Haley ay isang program na lang at matatapos na ang show.
"Hey uh, Lloyd.... punta muna akong CR ha"
"Yeah, sure" halatang wala siyang pake at nanonood pa din.
Saktong papaakyat na ako ng second floor para pumasok ng VIP deck nang marinig ko ang palakpak ng mga tao. Meaning tapos na si Haley at umaandar na din ang oras ko.
Bubuksan ko na ang VIP box ni Sir De La Cruz nang biglang may tumawag sa akin.
"Zack!" sigaw ni Haley.
Oh shh.... really? Ngayon pa?
I forced a smile pero halatang kinakabahan. Inayos ko ang jacket ko kung saan sa loob ng left pocket ko ay nakatago ang 9mm Baretta Parabellum.
"Oh hey. Done singing?" 'di ko na napag-isipan ang sasabihin ko kaya ayan na lang ang nasabi ko. And yeah, wrong move.
"Di mo napakinggan?" napasimangot siya.
Ugh. Sa dinami-dami ba naman ng exit sa buong mundo, dito pa sa VIP deck.
"Uhh napakinggan ko, pero I really need to use the CR eh... Sorry" gosh I'm dense and wala na talaga akong maisip na palusot. Sobra na kaba ko.
"Ow. Sige" tipid niyang sagot. Makikita mo sa mukha niya ang disappointment.
Gusto ko siyang habulin at mag-sorry ulit pero wala nang time.
As soon na maka-alis siya ay pumasok na agad ako sa VIP box.
There, I saw Sir De La Cruz, sitting and enjoying his VIP treat. Good thing mag-isa lang siya. And how lucky of me na walang ni isang CCTV camera.
I walked silently and started pulling my gun out of my jacket.
Nanginginig pa din ako at nag-start nang tumulo ang malamig kong pawis.
Itututok ko na dapat ang baril nang makita ko na 'di pa pala naka-attach ang silencer sa baril. Naman. Comedy lang? Ayun na eh. Papatayin ko na eh. Ano ba Zack.
Kinuha ko ang silencer sa right pocket ng jacket ko at mahinahon kong nilalagay sa baril nang aksidente kong naputok ito.
Napalingon agad si Sir De La Cruz.
Napatitig ako at nablanko ang isip ko. 'Di ko na alam ang gagawin ko. Tatakbo ba ako o ano?
Naman Zack. Ikaw ang may baril. Kaya mo nang patayin yan.
"Anong kailangan mo?!" halatang nagulat at biglang nataranta habang nakatitig sa baril ko. At buti ay 'di niya ako nakikilala. Well, kahit naman makilala niya pa ako 'di na niya din yun masasabi dahil papatayin ko na din siya.
"Uh ehh..." well wala naman talaga akong sasabihin kaya tinutok ko na lang ang baril ko.
Tinaas niya ang kaniyang kamay.
"Iho, I think pwede naman natin tong pag-usapan. Anong kailangan mo? Pera? Ibibigay ko. Magsabi ka lang ng presyo" halatang kinakabahan na siya.
Suddenly, nakaramdam ako ng feeling na hawak ko na ang sitwasyon. Naging kalmado ako at tinaasan pa ang tutok ng baril hanggang makarating sa ulo niya.
"Wala" sinabi ko with a cold voice sabay baril sa ulo.
And there it is, my first kill. 'Di ko alam kung dapat ba akong matuwa or what.
No time para linisin pa ang buong scene. Lumabas agad ako ng kwarto at takbo sa CR.
I washed my hands kahit na wala naman tong dugo or kahit ano pa.
I stared at the mirror blankly. Maybe 'di pa din ako makapaniwala na pumatay ako.
Finally, I got to my senses at bumalik na ako sa upuan ko.
"Oh dude, antagal mo atang nag-CR" kantyaw ni Lloyd.
"Mejo sumakit lang tiyan ko" sagot ko nang nakangiti.
Napansin ko din na katabi na sa upuan ni Nicole si Haley. Malungkot pa din siya at parang badtrip.
Natapos na ang show at palabas na din kami nang nagdatingan ang mga pulis.
"Oh bakit parang andami atang pulis? Nag-hire ka ba ng bodyguard, Haley? Ganun ka na ba agad sumikat after mong kumanta? Haha!" sabi ni Nicole at nagtawanan na lang kami. Nakitawa din si Haley pero agad itong bumalik sa pagiging malungkot.
Gusto ko na siyang kausapin pero hindi dito. Ayoko nang magtagal sa lugar na toh.
"Hey, guys. Gusto niyong magdinner? My treat" alok ko.
"Aba! Marunong ka na pala magyaya ngayon ha?" sabi ni Lloyd.
"Naah, gutom lang talaga ako" sabi ko.
"Madami ka bang na-deposit kanina sa CR kaya nagutom ka bigla?" sabi ni Lloyd sabay tawa. "Or gusto mo lang talagag makasama si Haley? Nakooo! Gusto niyo kayong dalawa na lang kumain sa labas. Ako na lang sasagot kay Nic-nic"
"Sigurado kayo?"
Mas maganda yung suggestion ni Lloyd. Parang nakakahiya din kasing mag-sorry kay Haley na nakikinig sina Lloyd. Mapang-asar pa naman yung mag-syotang yun.
"Syempre naman. Basta wag ka lang magbalak ng masama kay Haley ha!" pagbabala ni Nicole.
Napatawa na lang ako at nagpaalam na. Napahinga ako ng malalim after nilang umalis.
"So, Haley. Where do you wanna eat?"
___________________________________________
Comment lang sa gustong magpa-dedicate. :))