“Oh dude, bakit parang nakakita ka ng multo?” pagtataka ni Lloyd
“Ah, nothing. Meron lang akong iniisip”
Gustong-gusto ko nang humingi ng tulong. Gusto ko sabihin kila Lloyd na may nakikipagcontract sakin na psychopath na gusto akong pumatay ng tao. Pero baka madamay lang din siya.
Dumating na ang bagong teacher namin sa Science. Nakakapagtaka kasi biglang na lang pinalitan si Ma’am Gonzales nang walang dahilan. ‘Di ko na inisip na may kaugnayan yun sa “panaginip” ko since wala na naman akong makitang enough na evidence para kumbinsihin ang sarili ko na totoo yun.
Nakatulala lang ako sa labas habang klase at iniisip ang mga nakasulat sa black paper na yun. Ano naman kayang klaseng tao siya. Ganun na lang ba kalaki ang galit niya sa parents ko na handa siyang magpapatay ng tao? At ano namang gain ang makukuha niya kapag napatay ko sila?
Pagkalabas ko ng classroom ay may nagtext. Same unknown number:
“Magsimula ka na ngayon. May nilagay akong knife sa loob ng locker mo. Ang first target mo ay si Mr. Ryan Chua. Alam mo naman kung saan siya nagooffice and kung saan siya nakatira. It’s your choice kung saan mo siya papatayin. Just make sure he’s dead. After that, linisin mo ang knife at ibalik mo ito sa locker mo. Ako na bahalang magtago nun.”
Just like that. Kailangan na akong pumatay agad-agad. Parang naging killer ako hired by a psychopath.
Kinuha ko ang knife at nilagay ko sa bag. Nanginginig na ako sa takot.
Wala na akong klase kaya't naghintay na lang muna ako sa canteen hanggang uwian para makahanap ng tiyempo nang biglang dumating si Lloyd kasama ang girlfriend niya.
"Oh dude, balisa ka na naman. Naka-droga ka ba?" sinabi niya with a sarcastic laugh.
Sa sobrang kaba ko nakalimutan ko pa lang mag-ayos ng buhok bago pumasok. Although cinoconsider naman ni Lloyd na magulo talaga ako mag-ayos ng buhok pero syempre iba pa din yung nakasanayan niyang buhok ko.
"Hala? Hindi noh! Ha-ha!" I laughed nervously.
"Ah, sige" sabi niya na parang nawweirdohan siya sa akin at umalis.
Nagstart na akong umakyat sa 4th floor ng main building ng school kung saan nagooffice si Mr. Chua.
Binuksan ko ang door ng office, konti na lang ang mga taong nandun kasi uwian na. I saw Mr. Chua sa kaniyang desk. Hindi ko siya pwedeng patayin dito kahit konti na lang ang tao. Di pa din ako makapaniwala na gagawin ko ito. Naglakad na ako papunta sa desk niya, then suddenly may humarang sa akin na babae, ang assistant ni Mr. Chua.
“Anong kailangan mo?” she asked.
“Uhh, ehh….” di ko alam sasabihin ko.
Nakatingin lang siya sa akin nang may biglang nabasag na window ng office. May tumalsik na dugo sa buhok ng assistant niya. Then may mga nagsigawan na. Tumalikod ang assistant niya at nakita namin si Mr. Chua – nakatungo na sa desk niya na punong-puno ng dugo. He was shot. Napatakbo na lang ako at daretsong umuwi. Pagkapasok ko ng bahay ay napaupo ako sa sahig then nagtext ulit ang psychopath na yun:
“You’re too slow kaya ako na muna ang pumatay. Patikim lang yan, sa susunod ikaw na talaga ang kailangang pumatay.”
Sinubukan kong matulog, but I just can’t. Deep inside me, feeling ko ako mismo ang gumawa ng crime kahit hindi naman. Pero naisip ko din na ako na mismo ang gagawa next time. ‘Di na din ako nakatulog dahil sa ingay ng police cars na dumadating sa school.
Kaya ko nga bang pumatay? Paano kapag nahuli ako, ano kayang gagawin ng psychopath na yun? Oh wait, pano nga pala kung may matirang evidence dun sa scene? Well, 'di ko nga pala problema 'yun. Bakit pa nga pala ako nagwworry.
Suddenly, may sumabog at mga nagsigawan na tao. Tinignan ko sa window ko ang nangyayari. I can see fire pero 'di ko lam kung san galing. Pumunta ako sa rooftop and there it is. Ang pinoproblema kong baka may evidence ay biglang nawala. Ang buong office ni Mr. Chua ay nagdisintegrate. Well done, psychopath, you just destroyed one-eighth of our school building. Ugh. Kung sino man siya, he's/she's a total psycho. If ganito kalakas ang loob niyang pumatay, siguro wala na akong poproblemahin sa pagtago ng evidence ng crime ko. Baliw na nga talaga toh.
