Chapter 4 - The Artillery Quarters

56 4 1
                                    

Gumising ako nang masama ang pakiramdam ko. My lips are dry na parang magsusugat na. Uhaw na uhaw na ako. Naalala kong 'di pa pala ako nainom at nakakain simula kahapon.

Kumatok si manag Eba.

"Ser, may naghihintay pong kotse sa inyo sa labas" sabi niya.

Kotse? Di kaya pulis iyon? Nalaman kaya nila na kasabwat ako sa pumatay kay Mr. Chua? Pero hindi... wala naman akong ginawa. 

Nagbihis ako at naglakad papalabas nang kinakabahan.

Pagkalabas ko ay bumukas ang window ng car half-open at may kamay na lumabas sinesenyasan akong pumasok sa loob.

Pumasok ako sa backseat. May dalawang lalaki sa harap. Yung driver ay kalbo na naka-shades na may malaking peklat sa pisngi, samantalang yung isa naman ay naka-shades din pero naka black mask at hanggang balikat ang buhok. Nakakatakot na nakakatawa ang itsura niya. If maiimagine mo ang isang member ng Slipknot, parang ganun na nga porma niya.

Pinaandar na nila ang kotse na wala man lang sinasabi.

Nakarating kami sa isang maliit at lumang bahay at pinababa ako. Pagkapasok, napansin ko na iisang kwarto lang ang laman ng bahay . Lumang-luma na ito pero buo pa din. May piano na nakatayo sa gitna ng silid. Pinatugtog ito nung mukhang member ng Slipknot. And wow, magaling pala siya mag-piano. Pero awkward ah, nagpplay siya sa gitna ng lumang bahay na parang babaksakan ka ng ceiling any minute. 

Somehow parang familiar sa akin yung tinutugtog niya 'di ko nga lang alam kung saan ko napakinggan yun.

Sa sobrang ganda ng tinutugtog niya na pilit ko na ding inaalala kung saan ko nga ba napakinggan yun ay 'di ko na namamalayan na umaandar ang buong floor ng bahay pababa.

Nasa pinaka baba na kami nang pindutin niya ang last note sa piano. May bumukas na malaking pinto. Pumasok kami sa loob pero ang makikita mo lang ay isang malaking room na may white tiles, oh wait, hindi tiles.... glass. Lahat glass: glass na floor, glass na ceiling, glass na walls.

Sa dulo ng room ay may bumukas na another door at may pumasok na babae na naka-hood na hanggang ilong kaya't di ko makilala kung sino iyon. Sa tingin ko ay nasa mid-20 yung babae. Pure black ang dress niya na parang kakagaling lang sa funeral.

Binitbit ako nung dalawang lalaki sa braso papunta sa babae.

"Hello, Zack" sabi ng babae sabay ngiti

"Uhh...."

Yep, sure ako na siya yung psychopath.

"Don't worry, saglit ka lang dito. I-totour lang kita dito sa magiging artillery hiding place mo."

Did I heard that right? Artillery? Meaning mga baril? What? Seryoso? Miski pellet gun nga eh 'di pa ako nakakahawak. Pero it's cool though. I've always wanted to use a gun, although ayokong gamitin yun sa pagpatay.

Naglakad kami patungo sa right side ng room kung saan makakakita ka ng..... well, wala. Wala kang makikita, until she pressed a button na naging visible lang sa akin nung pinindot niya na. Umatras siya, sign na kailangan ko ding umatras. 

Nagflip ang buong wall into a wall na may naka-shelf na pistols, rifles, etc. 'Di naman ako gaanong mahilig sa baril kaya 'di ko alam mga pangalan nila. Pero you can tell na lahat 'yon ay makakapatay.

"Next na papatayin mo ay si Mr. Daniel dela Cruz. Papatayin mo siya sa VIP box niya sa isang theater. Ikaw na ang bahala kung anong gagamitin mo. Pero as for now, I suggest na gamitin mo ang 9mm Baretta Parabellum since kailangan mo ay pang short-range. Make sure he's dead."

"Bakit mo sa akin pinapagawa toh?" nakahanap ako ng courage para itanong yan.

Then again, ngumiti lang.

"Use this para makapasok ka next time sa lugar na ito." binigay niya ang some kind of remote with only one button. Then binigyan niya din ako ng keys. "It's for your new car. Para naman 'di maexpose ang old car mo sa mga gagawin mo. Mahirap na, baka mahuli pa ang car mo at matrace ka ng pulis."

Ngumiti ulit siya sabay alis kasama ang dalawang lalaki.

Parang laro nga lang talaga sa kaniya ito. Sinabi niya lahat 'yon na parang andali-dali lang pumatay.

I picked up the 9mm Baretta Parabellum. Pagkalabas ko ay nakita ko na din ang bagong kotse ko ― red and black Bugatti Veyron. Then umuwi na ako para makagawa ng plan for MY FIRST CRIME.

Game of ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon