Agad-agad akong bumili ng ticket para sa theater at umuwi muna para makapagpahinga at makaligo since gabi pa naman magsstart ang show.
Nag-practice muna akong humawak ng baril sa basement.
Hindi pala madali kumpara sa mga video games.
Maya-maya pa ay dumating si Lloyd. Ugh! Bakit ngayon pa.
"Oh Lloyd, tuloy ka" nagdry smile ako. "What brings you here?"
"Ahh ehh... gusto ka kasing isama ng isang friend ng GF ko na may birthday. Siya kasi yung isa sa mga kakanta mamaya sa theater. May gusto ata sa'yo eh"
Whaaaat? Kita mo nga naman ang twist. So papatay ako nang nasa paligid lang ang mga kaibigan ko.
"Alam mo bang nandoon din si Sir Dela Cruz? Kaso nasa VIP box siya eh. So, ano? Sasama ka ba?"
'Di ko alam kung sasama ba ako o ano pero for sure kailangan kong humiwalay sa kanila.
"Ahh yeah sige lang."
"Cool. Magdala ka ng gift mo ha! Haha! So 6pm tayo magkikita-kita sa harap na mismo ng theater. Sige, dude, una na ako" then umalis na siya.
Okay, now what? I need a new plan.
Pumunta muna ako sa mall para makapag-isip at nang makabili na din ng gift kahit alam kong nagjjoke lang si Lloyd.
Nagkataon namang nakasalubong ko si Nicole, ang GF ni Lloyd, at may kasama siyang isang babaeng 'di ko kilala.
"Hey, Zack" tawag ni Nicole habang kumakaway.
"Oh, hey" tipid kong sagot since 'di ko naman siya ganung kaclose.
"Andito ka din pala. Bibili ka ng gift noh?" sabay ngiti at tingin sa kasama niyang babae.
Well, siguro yung babaeng yun ang may birthday.
"Ahh, hindi. Nagpapalamig lang ako dito. Wala akong magawa sa bahay eh"
"Weh? Pakipot ka pa. By the way, this is Haley. Siya yung sinasabi ni Lloyd na may birthday. Since kilala ka na ni Haley..." nagwink siya kay Haley then tawa "Magshake hands na kayo!"
At dahil mapilit si Nicole sinabayan na din nila akong maglunch.
"Zack, sasama ka mamaya diba?" - Haley
"Uhh, I guess so, yeah." - Me
"Ahh" sa sagot niyang yan siguradong laging naasar toh nila Lloyd at Nicole sa akin.
Siguro I'll try na maging friendly para 'di awkward.
"So, uhh... anong trabaho ng father mo?" tanong ko.
"Wala na akong parents, Zack" sagot niya habang nakatitig sa plate niya.
"Oww. Sorry to hear that" and mas lalo pang naging awkward. Nebeyen.
Tumahimik na siya and makikita mo sa mata niya na naiisip niya ang parents niya. Pero maya-maya ay nagsalita na din siya.
"Six years old pa lang ako nung namatay sila, and since nun, Grandpa ko na ang nag-alaga at nagpalaki sa akin."
"At least you still have your Grandpa with you. Ako, may parents nga pero di ko naman sila kasama ngayon" I can feel her loneliness at kakulangan sa pagmamahal.
"Yeah, and I'm thankful for my Grandpa. Parehas lang pala tayo" at ngumiti siya.
And ngayon ko lang narealize na kanina pa pala nakatingin at nakikinig sa amin si Nicole habang nakangiti. And bakit nga ba hindi, nasa iisang table lang kaming nakain.
"Natatakpan na ng ngiti mo yang tenga mo, Nicole" sabi ko at nagtawanan kami.
Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na kami sa isa't isa.
"Oh aalis na kami Zack oh. 'Di mo ba kukunin number ni Haley?" tumatawang tanong ni Nicole.
"Nicole naman!" halatang nagbblush si Haley sabay lakad paalis.
"Haleeey! Joke lang eh" sigaw ni Nicole at sinundan niya na din si Haley "Byeee, Zack!"
Napangiti na lang ako at kumaway.
________________________________________________
Sorry na kung ngayon lang nakapag-update. Mejo busy eh. #Enjoy :))