IMAGINE 6:

467 4 0
                                        

Random [Tagalog]



Taehyung's Point Of View

Kinakabahan ka kasi ngayon ilalabas ang resulta ng exams nyo.

Kinakagat mo ang kuko mo dahil di mo alam ang gagawin at iniisip mo na agad ang mga pwedeng mangyari sayo.

Di mo namalayang pumasok na ang prof nyo at nagsimula nang magtawag ng pangalan hanggang sa ikaw na ang natawag at pagtingin mo sa papel mo, tama ang hinala mo. Bagsak ka.

"Pumunta mamaya sa room ko pagkatapos ng klase. May mga ipapagawa ako sayo. Yun ay kung gusto mo nang pumasa sa susunod na exam." Sabi sayo ng prof mo at di ka naman makatanggi.

Mabilis na lumipas ang mga oras. Tapos na ang klase kaya naman dumiretso ka na sa prof mo at inabutan ka nya nang isang librong makapal.

"Sagutan mo pages 10-37. Aattend lang ako ng meeting. Kailangan pagdating ko ay tapos ka na kundi---"

"Pero ma'am---"

"Walang pero pero. Sige na at malelate na ako."

Naiwan kang mag-isa sa room at umupo na.

Habang naglalakad ako sa hallway, napadaan ako sa room kung saan ka naroroon at napatigil ako saglit dahil nakuha mo ang atensyon ko.

Mukhang hirap na hirap ka sa isang bagay kaya't hindi ko napigilan ang sarili ko na lapitan ka at mukhang nagulat ka naman sa ginawa ko.

"Si-sino ka?"

Napatawa naman ako.

"Taehyung nga pala. Bakit nandito ka pa? Ikaw na lang ang estudyante dito ah?"

Bumuntong hininga ka.

"Hindi ka ba estudyante?" Taas kilay mong sagot.

"Ibig kong sabihin, bukod sakin. Ano ba yang ginagawa mo?" Tanong ko at kinuha yung librong makapal na nasa harap mo.

"Ang kapal ha. Kaya mo ba 'to? Hahahaha."

"Alam mo Taehyung, kaninang kanina ko pang gustong umuwi kaso kelangan ko pang tapusin ko. Tingnan mo oh? Wala pa ako sa ¼ ng sasagutan ko." Mangiyak-ngiyak mong sabi.

Pinitik ko naman ang noo mo.

"Masyado kang seryoso. Kanina pa umuwi yung prof mo, kasabay pa nga nung mama ko eh hahaha. Dun mo na yan sagutan sa bahay nyo."

"Umuwi na? Argh ang sama nya! Pano nya nagawang lokohin ang isang magandang dalaga na tulad ko?" Sabi mo at bigla kang naglupasay sa sahig.

"Seryoso ka ba sa sinabi mo? Hahahaha nakakatawa ka masyado. Sagutan mo na yan para makauwi na tayo." Sabi ko at tumayo para libutin ang buong room.

"Teka, alam mo pwede ka namang umuwi ng hindi ako kasabay ah? Masyado ka!"

Humarap ako sayo. "Sinabi sakin nung prof mo na sabayan daw kita."

"Wow,gentleman. Tara na nga! Umuwi na tayo. Kay kuya ko na lang to papasagutan hehe." Sabi mo at inayos na ang mga gamit mo.

"Tara, sumama ka sakin."

"Di ako nasama sa panget."

"Gwapo ako kaya alam kong sasama ka. Tara dali." Sabi ko sabay abot ng kamay ko sayo at binigay mo naman ang kamay mo sakin.

Dinala kita sa tabing-dagat. Tamang tama lang ang punta natin dahil malapit na rin lumubog ang araw.

Dali dali kang umupo sa buhanginan at naglaro doon samantalang ako ay nakatayo at nakatingin sayo.

Bigla kang lumingon sakin.

"Ano? Wala ka bang balak umupo? Dito sa tabi ko oh. Wag ka nang mag-inarte." Sabi mo habang natatawa.

Umupo naman ako sa tabi mo at ikaw ay nakatingin sa palubog na araw.

"Alam mo Taehyung? Ngayon ko pa lang nakita ang lugar na ito. Saka ngayon lang din ako nakakita ng sunset. Napapanood ko lang kasi to."

Napatingin ako sayo.

"Alam mo,mas bagay sayo pag nakangiti."

Napatingin ka sa akin. "Palangiti naman ako ah?"

"Di rin. Isip bata ka at masungit." Sabi ko at tumingin sa araw.

"Di kasi kita kaibigan alam mo yun?"

"Ah ganun ba? Edi gawin mo kong kaibigan ngayon. Hahahahaha."

"Hmm. Sige na nga. Pasalamat ka dinala mo ako dito kundi---- nakuu."

"Hahahaha yan friends na tayo. Dapat araw araw ko nang makikita yang ngiti mo ah?"

"Hahahaha oo na."

THE END.

(Imagine this is Taehyung's fanservice to his Filipino fans. Imagine that he wrote this story for us.. Kyaaaaahhhh)

-kimberlymochii

Kim Taehyung ImaginesWhere stories live. Discover now