It's Fucking Friday.
Para lang akong nilaglagan ng semento sa ulo nung nalaman ko na friday na ngayon. Na-alala ko na ngayon pala dinner namin ni Jane kasama si Richard. Ngayon na-alala ko na ang lahat? I'm having second thoughts! Ano ba pumasok sa isip ko para imbitahin pa si Richard? Bukod sa alam ko na magiging awkward to para saaming dalawa, eh hindi na nga kami nag uusap ni Richard. Wala naman narin kaming usapan bukod sa;"Hi, Hello, Kamusta? Okay lang ako, sige, ok, sure, alright, ha?". Parang wala narin siyang ganang kausapin ako. Ayoko narin itanong kung bakit, alam ko naman nasaktan ko siya pero sana lang maintindihan niya yung parte ko.
Friday came too fast and hindi ko alam kung paano ko uumpisahan araw ko. Hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi dahil bukod sa tinatapos ko nga paper works ko and proposal para sa mga events this school year, hindi ko rin maiwasan isipin yung mangyayari ngayon. Actually, Ilan araw ko nang iniisip pero hanggang ngayon blanko parin ang utak ko.
Kaya ngayon, eto ako. Nag palamon na ako sa kama habang tinatanong ko sa sarili ko: "Ano ba ang ginagawa ko sa buhay ko?". Kasi I'm seriously tired of over thinking dahil hindi na nakakatulong tong kakaisip ko.
What if mamaya may dala palang kutsilyo si Jane tapos pag umamin ako bigla niya nalang akong saksakin.
What if bigla niya nalang I-kidnap tapos dalhin ako sa malayo.
What if ibalot niya ako sa sako tapos itapon sa ilog.
What if...
"Nicholas!" Nagulat nalang ako bigla at napatayo ako. Bigla nalang pumasok si Ate sa kwarto ko. "Andito na si-" Bigla siyang napatigil nung nakita niya kung gaano kagulo kwarto ko.
"Woah, dinaanan kaba dito ng bagyo?" Asar ng kapatid ko sakin. Napatingin nalang siya sa mga gamit na nakakalat sa kwarto ko. "Get out! Non of your business!" Bigla akong umalis sa kama at nag pulot ng mga papel sa lapag. "Alright, jeez. Umagang umaga ang aggressive natin." Hindi na ako nag salita at buti nalang nakaramdam din si Ate. "Just come down stairs dude, someone is looking for you." And then she left. Nag taka nalang ako bigla? someone is looking for me? kaya nag madali ako mag ayos ng gamit at mag linis ng katawan. I quickly changed my clothes into my everyday wear which is basically shorts and a Polo. Inayos ko buhok ko para naman mag mukha akong tao. Tumingin ako sa salamin habang nag aayos kung saan napansin ko ang pag kalubog ng mata ko. I really need to change my sleeping schedule.
Nang matapos ko gawin lahat ng mourning routine ko, I was surprised to see Alex who's waiting for me at the living room. Didiretyo sana ako sa kitchen pero laking gulat ko nang nakita ko siya na nakaupo sa sofa namin. Napatigil ako at pumunta sakanya.
"Uh-" Hindi ko alam sasabihin ko, pero buti nalang naramdaman ni Alex na palapit ako.
"Hey, what took you so long?" Alex asked. Sobrang naguluhan ako, Ano ginagawa niya dito? I took a moment to remember kung bakit andito si Alex sa bahay. At sa mukha ni Alex, mukhang naguguluhan diyan siya dahil nag taka ako kung bakit siya nasa bahay.
"What are you doing in Here?" Nag mukha akong tanga sa tanong ko dahil parang tinatawanan na ako ni Alex sa isip niya. "Sabi mo pumunta ako, diba?" He said.
"Huh?" I said ignorantly.
"Seryoso ka? Ano, banggag lang?" biglang Napa-atras si Alex na parang hindi siya makapaniwala.
"Hoy gising! sabi mo kagabi pumunta ako dito, tumawag ka sakin diba? pag katapos mo ako gisingin ng madaling araw." sagot ni Alex.
Umabot ng halos 5 seconds bago ko maalala na tumawag pala ako kagabi sakanya para humingi ng advice. "Oh- yeah, oo nga. Sorry bro." I faced palmed a little bit. Natawa nalang kami ni Alex sa nangyari. Sa sobrang lutang ako at sa sobrang daming iniisip, nakakalimot na ako. Pinatawad naman ako ni Alex sa pag kalimot ko at niyaya niya na ako umalis. I told Alex na sa coffee shop nalang kami mag usap dahil kailangan ko ng kape sa katawan ko and he agreed.
BINABASA MO ANG
The Heaven That We Can't Reach. (BoyxBoy)
Teen Fiction// A story of Love and Bravery // ~ Book One. Isang normal na student lang si Nicholas, pero sa pananaw niya? ang buhay ay isang taga na onti onting pumapatay sakanya. Hindi dapat basehan ang kasarian para maging tao ka, dahil lahat tayo ay may kara...