CLICK 1

53 3 1
                                    

"Okay class,makinig kayo."

Sa hudyat ng advisor namin umayos na ng upo lahat ng mga estudyanteng kanina lang ay napaka ingay,at nag patuloy na sa pagsalita ang advisor namin.

"May magaganap na DSPC after 2 weeks,kumpleto na lahat ng lalahok sa mga categories maliban sa isa. So class,sino sa inyo ang gustong lumahok sa photo-journ?"

Nagsi-lingunan ang lahat ng mga kaklase ko sa mga seatmates nila,at parang naghihintay na may mag re-raise ng hand.

"Ma'am!! Wala pong mahilig ng photography dito,baka sa ibang section meron!"

"Ma'am! tama nga po siya,pero pag selfie-graphy po,naku! napaka rami po!"

At dahil sa mga sinabi ng ibang ka-klase ko nagsi-tawanan ang lahat,pati narin ang advisor namin,ngunit habang nag tatawanan sila, tumayo ako mula sa kina-u-upuan ko at sinigaw na..

"Ma'am!! A-ako po!! Gusto ko po'ng lumahok sa Photo journalism!"

At dahil doon nakuha ko ang attensyon ng lahat.

"Woah?!! Noonna?! May alam ka pala sa mga ganyang bagay?"

"HAHAHA! Baka naman pwet ng kalabaw ang ma-picturan mo e! nakakahiya sa school natin!"

"Naku Noonna,dapat malinaw ang kuha mo sa cam ah? Baka mamaya malabo rin niyan katulad ng malabo mong mga mata!"

"BWAHAHAHAHAHA!!"

Nagsitawanan lahat ng mga kaklase ko,at dahil sa sobrang lakas ng tawanan nila ay inis na pina-tahimik sila ng advisor namin.

"Class! Ano ba kayo?! Bakit ang ha-harsh niyo mag salita kay Noonna!?",at dahil doon tumahimik lahat ng mga classmates ko. Nag-sigh na muna ang advisor namin at nagpatuloy sa pagsasalita, "Noonna,I want you to fill this up,okay? and submit it to me later sa Faculty Room.",tumungo ako sa teacher's table at kinuha ang form na dapat kong i-fill.

"Okay,Class dismiss!"

Ako nga pala si Noonna Ferriol.4th year highschool,isang simpleng babae,may eye-glasses akong laging suot-suot,tahimik lang ako sa klase,at wala akong kaibigan dito sa school.. sapagkat binubully lang ako ng mga tao dito. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila,pero bakit ganun? Kung sino pa iyong walang ginagawang masama, sila pa iyong laging ina-away? (=____=") buhay nga naman.

Matagal ko na'ng hilig ang photography. Mahilig akong kumuha ng mga litrato,kahit anong nagagandahan kong view ay kinukuhaan ko agad ng litrato. Lage akong may dala-dalang DSLR camera pero nakatago lang ito sa malaki kong bag pack. Nahihiya kasi akong pagkatuwaan sa hilig ko,linalabas ko lang 'to pag ako lang mag-isa.

Sa katunayan ay hindi talaga ako mahilig sa pag-sali sa mga ganitong klaseng event,pero dahil sa isang lalake,lakas loob akong sumali. OO, tama kayo.. I'm secretly loving someone who'll never turn his eyes on me,sino ba naman ako para mapansin niya? isa lang naman akong tahimik na tao, at hindi kagandahan,mga mata ko lang ang natatanging kagandahan ko,pero ganun paman iniibig ko parin siya..

..ng palihim.

Ang pangalan nga pala ng lalakeng tinutukoy ko ay Emman Kanon. Surname palang niya halatang magaling at mahilig siya sa photography. Hahaha. Oo,dahil sa kanya sasali ako ng photography sa DSPC. Napag-alaman ko kasing lalahok daw siya sa category na ito. Hindi kami katulad ng school na pinapasukan,ngunit di-kalyuan lang naman din ang school nila mula sa amin.

Kung nag tatanong kayo kung paano ko siya nakilala iyon ay isang accident lang. tandang-tanda ko pa noong 3rd year palang ako,naisipan kong gumala sa Park,madalas din naman akong gumala doon pero minsan nga lang(A/N:Hahaha,ang weird naman ng pagkakatype ko nito). Kumukuha ako ng mga shots doon dahil ang gaganda kasi ng mga bulaklak at ibang views,sabagay nasa mood din naman akong kumuha ng mga litrato sa oras na iyon..

*click*click*click*click*

Naka pang-ilan na din ako ng shots,umupo ako sa isang bench at ini-scan lahat ng shots ,nakangiti kong tinitingnan lahat ng magagandang shots ko,ngunit napa hinto ako sa isang picture. Napaka ganda kasi ng picture na iyon pero may sagabal. Pinindot ko ang zoom-in button at nasilayan ko ang isang mukha ng lalake na naka side-view. Pinagmamasdan ko ng maigi ang picture na iyon at habang tumatagal ang tutok ko nito ay napagtanto ko na ang cute-cute pala ng lalakeng ito.

Umuwi agad ako sa bahay at inilipat lahat ng mga picutres sa lappy ko. Hinanap ko agad 'yung ka-isa-isang picture na may litrato ng lalakeng iyon,binuksan ko ang photoshop and I cropped his picture. Ngayon ay wala na ang magandang view kundi mukha nalang niya ang natira. Hahaha,nakakatawa mang sabihin na I admired him immediately kahit sa picture ko palang siya nakita,pero ganoon lang talaga ako ka daling mahulog.

Ilang linggo ang dumaan nalaman kong nasa Staz Academy pala siya nag-aaral, at napag-alaman kong sikat pala siya doon dahil sa taglay niyang galing sa photography,marami na siyang napanalunang contest and such. Kaya naman mas nahulog pa ang loob ko sa kanya,at siya pa ang nagiging insperasyon ko sa mga bawat *click* ng camera ko.

Matagal ko nang ninanais na mapansin niya ako,kaya naman hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataong ito,susubukan kong maka-pasok sa mundo niya..

..sasali ako sa DSPC.

CLICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon