DAY 3
Sa araw na ito naka schedule ang photo journalism.
Lahat ng kalahok sa category na ito ay magkakaroon ng orientation sa isa sa mga room ng venue. Mag re-remind lang naman ang staff ng DSPC about sa rules and regulation ng contest.
Papunta na sana ako sa room kung saan mag me-meet ang lahat ng photo-journalist,ngunit hinila ako ni Dawna at sinabihan na dapat daw makipag-chika pa daw ako kay Emman tungkol sa kanya. Tumango lang ako bilang 'oo'. Ang totoo ay,wala talaga akong plano na gawin 'yon,pero excited akong maka-usap ulit si Emman.
Mag-uusap na naman kami.
~*~
"Journalist,tandaan niyo na may rules ang pag kuha ng anggulo sa isang larawan, ito ay---(and so on)"
Kasalukuyang nag di-discuss na ang staff sa DSPC about sa rules and regulations,tahimik lang ang lahat at maayos na nakikinig. Para sa akin,hindi ko na kailangan pang makinig dahil alam ko na ang tungkol sa mga rules etchetera na iyan eh. Kahit hindi pa ako naka subok ng mga ganitong contest sini-search ko naman sa internet kung ano ang mga rules,kaya naman alam ko na ito bago pa man ako sumali dito.
Seryoso ang lahat,habang ako lingon ng lingon sa paligid. Sa palagay ko alam niyo kung sino ang hinahanap ko,OO.. hinahanap ko na naman si Emman,ang taong gusto ko. Lingon-lingon ako sa right,left,front,and back. Hindi ko siya matagpuan,punong-puno kasi ang room na saan ini-held ang meeting. Nakadama ako ng lungkot ,dahil hindi ko siya natagpuan,pero..
"PSSSSSST!"
Napalingon ako sa may bandang gilid dahil may sumit-sit sa akin,laking gulat ko na si Emman pala ito. Kumaway siya sa akin at ngumiti. Nakakamatay ang mga ngiti niyang iyon. Pagkatapos siyang kumaway at ngumiti sa akin binalik niya agad ang tingin niya sa nag di-discuss. Kinuha ko ang DSLR camera ko at..
*click*
Sa pangatlong pagkakataon kinuhaan ko nanaman siya ng litrato. Pinagmamasdan ko na naman ito.. Ang saya ko ngayon,hindi ako makapaniwala na nakakausap ko na siya,at higit sa lahat magkaibigan na kami. Sana magpatuloy ang ganito habang-buhay.
~*~
Natapos na ang discussion,sinabihan kami na ang tanging kukuhaan lang namin ng litrato ay ang isang bagay na masasabi namin na mahalaga sa amin. Allowed lang kami hanggang 3 shots sa iba't-ibang bagay na iyon. Kaya naman sa hudyat ng staff tumungo na kami lahat agad sa lugar na inassign kami,maraming contestants ang naglalakad doon..pero habang naglalakad patungo sa nasabing lugar..
"Noonna!!! ^____^"
Tinawag ako ni Emman,at naki-sabay sa paglalakad. Ayee! kilig ako!
"Oh,Emman.. ikaw pala."
Yeeee! siya pa ang lumapit sa akin! kinikilig na naman ako!
"Oo,sabay na tayo kumuha ng shots sa ating entry ah?"
"Ah sige,walang problema iyon.. ^_____^",ngumiti ako sa kanya,ang lakas ng tibok ng puso ko! (>\\\\\\\\\\\<) *blush*
"Ah Noonna! anong kukuhain mong litrato?"
"Secret,hehehe"
"Ang daya naman oh! hindi naman kita gagayahin eh~"
"Ayaw ko nga,haha"
"Cge na nga,hindi na kita kukulitin. Pero galingan mo ha? para ma-present mo iyan sa awarding! (^_____^)"
"Ha? present?"
"Oo,kung sino man ang nanalo sa photo-journ,i-pre-present ang mga shots niya sa awarding."
"Ah…ganun pala iyon."
"God bless sa atin ah?"
"Oo,God bless.."
Ang gwapo niya talaga..
"Oh,andito na pala tayo eh! ano? simula na tayong magkuha ng magagandang shots!"
"S-sige!"
Hindi namin napansin na nakarating na pala kami sa nasabing lugar,ang daldal din pala ni Emman at masayang kausap. Kinikilig tuloy ako!
At ayun na nagsimula na kaming kumuha ng mga shots.
*click*
*click*
*click*
*click*
*click*
Kahit saang banda sa lugar na ito maririnig mo ang mga clicks ng mga camera,ang dami kasi talagang lumahok sa photo-journ. Ako naman pumili na ako ng mga magagandang bagay na makikita dito. Nandito nga pala kami sa park,sa gilid ng park may napakagandang ilog. Napa 'wow' pa nga ako nang unang kita ko nito eh.
*click*
*click*
*click*
Tapos na rin ako sa pagkuha ng 3 entry shots ko. Simple lang naman pero maganda na rin,ang unang shot ko ay ang ilog na nakita ko,importante kasi to sa mundo.Pangalawa,ay ang isang napakagandang bulaklak,nagbibigay ganda kasi ito sa ating paligid. Pangatlo ay ang aso na nakikipaglaro sa kanyang amo,paborito ko kasi ang aso, at man's bestfriend din ito. arf! arf! ♡♥♡
Lumingo-lingon agad ako sa paligid upang hanapin si Emman,at natagpuan ko naman din siya..
"Uy Noonna! kamusta? tapos ka na?"
"Oo,kanina pa.."
"Balik na tayo sa venue?"
"Sige! (*¯︶¯*)"
Sabay na kami naglakad pabalik..
Kinikilig ako ng husto sa mga pangyayari ngayun.
Sana mahulog ang loob niya sa akin,kahit hindi ako kagandahan..
Sana..
