DSPC 5 days event
DAY 1
Nasa City Gym kami lahat ngayon,opening kasi ngayon ng DSPC. Napaka raming sumali sa DSPC sa taong ito,halos mapuno na nga ang gym eh.. ay mali! punong-puno talaga ito ngayon! Iba't-ibang group of schools ang naka upo sa bawat row ng bleachers,meron pa nga mga hindi na nakapasok sa gym dahil sa occupied na ang loob nito,ngunit nagpatuloy parin ang program.
"OKAAAY!!! LET'S START EVERYONE!"
"WEEEEEEEEEEEEEEEE!!"
Nagsimula na sa pagsasalita ang MC ng program dahilan ng pag hiyawan ng mga delegates. Masaya naman ang program--may dance numbers,singing number,and trivias--nagpakilala din isa-isa ang mga schools,at pag natawag na ang school name mag pr-present 'to ng chant. Abalang-abala ang mga delegates sa pag e-enjoy sa napaka masiglahing MC ng programa,habang ako naman..
♪♬♪(NP: Ikot-ikot by Sarah Geronimo)♬♪♬
...nagsimula nang umikot-ikot ang mga mata ko sa paligid upang malaman kung saan naka-upo ang mga taga Staz Academy,kung saan siya nakaupo.
Lingon lang ako ng lingon sa right side,left side,at kung saan-saan pa na side. Napahinto ako sa isang side at nandilat ang mga mata ko.. dahil natagpuan ko na kung saan siya naka-upo..
..kung saan naka-upo si Emman Kanon.
Kinuha ko agad ang DSLR camera ko at ini-zoom-in ito sa pinaka malapit niyang pagka-zoom, upang ma-close-up ang gwapo niyang mukha at..
*click!*
..kinuhaan ko na siya ng litrato. Kyaaaah! ang gwapo-gwapo niya talaga!!! ≧﹏≦
Nakangiting pinagmamasdan ko ang picture niya na nasa camera ko. Abalang-abala ang lahat,ang ingay-ingay ng paligid,ngunit hindi ko ito pinapansin.. para na nga akong bingi eh. Nakatutok lang ang mga mata ko sa gwapong litrato niya,na para bang sa pagtutok ko nakakabuo ako ng sarili kong mundo..
"DSPC IS NOW OFFICIALLY OPEN!!!!
"AAAAAAHHHH!! WEEEEEEEEE!!!"
Bumalik ako sa pag-iisip ko ng nag annunsyo na ang MC na officially open na ang DSPC,napalingon ako sa stage at ibinalik ko lang din ulit ang mga mata ko sa camera ko. Ngunit laking gulat ko nang..
"Uy! uy! uy! uy! ano iyan Noonna???"
Kinuha ni Dawna ang camera ko ng walang pahintulot. Si Dawna ang classmate kong maganda,maputi,matangkad,kabaliktaran ko siya. Ngunit kung kabaliktaran naman ang panlabas na anyo ko sa kanya,kabaliktaran din ang ugali namin sa isa't-isa. Napaka taray niya,isa din siya sa mga nag bu-bully sa akin. Magaling din siya sa pagdra-drawing kaya naman siya ang lumahok sa editorial cartooning. Siya din ang kaklase ko na kahit kailan hindi ko makakasundo.
"A-akin na iyan Dawna! Hindi iyan sayo! akin na sabi!"
"Ayoko nga! bleeeh~~~ "
Inabot-abot ko ang camera ko, ngunit hindi ko ma-abot dahil matangkad siya at habang ako naman ay maliit. Naka-angat ang kaliwang kamay niya hawak-hawak ang camera ko,habang ang kanang kamay naman niya ay nakaharang upang pigilan ako sa pag-abot ng camera ko.
"Sandali lang! ano bang pinagkaka-abalahan mo ha?"
"W-wala! kaya akin na iyan!"
"Wait eye glass girl! patingin nga muna kung ano ang tinitingnan mo!"
"Ayaw ko nga!! akin na iyan Dawna please!!",patuloy parin ako sa pag-a-abot nito pero hindi ko parin ma-abot.
"Oh! ayan! ang selfish mo naman!",sa wakas ay binigay na niya ang cam ko. Babalik na sana ako sa pagkaupo na biglang niyakap ako ni Dawna at sinabing..
"Noonna!!! ╰( ̄▽ ̄)╭♡♥♡"
Laking gulat ko dahil sa ginawa niya kaya hinarap ko siya ng may bakas na pagtataka sa mukha ko.
"Noonna!! ang gwapo naman ng pinagmamasdan mong litrato ah!! ituro mo nga siya sa akin!!"
Σ( ° △ °|||)︴╰( ̄▽ ̄)╭♡
Sa una,hindi ako pumayag pero napaka mapilit niya kaya napapayag niya ako sa huli. Kaya na-ituro ko kung saan naka upo si Emman,kinilig naman si Dawna. Ang kulit nga niya eh,sabi niya hahanap daw siya ng paraan para mapalapit kay Emman. Humingi pa nga siya ng favor sa akin na tulungan ko daw siya,i-reto ko daw siya sa kanya. Oo,hindi ako pumayag,pero sa huli.. napapayag niya ako. May gagawin daw kasi siyang masama sa akin kung hindi ko susundin ang gusto niya. Syempre,naging malungkot ako sa naging desisyon ko. Napaka matakutin ko talaga sa mga threats ng tao. Ni 'hi' nga galing sa taong gusto ko hindi pa nangyayari,tapos ngayun i-rereto ko siya kay Dawna?! Pushanggala naman oh! Galit ba ang mundo sa akin kung bakit nangyayari ito sa akin?! Boom panes. (T⌒T)
~*~
Di naglaon bumalik na kami sa quarters namin upang magpahinga. Naibigay na din sa amin ang mga scheds ng categories namin,at nalaman ko lang na sa wednesday pa ang photo journalism.
wednesday,ang category naming dalawa.. ♥
Naghanda na lahat ng mga kaklase ko pati ang advisor namin upang matulog--nag half-bath at nagbihis na ang lahat.
Nakahiga na ako,pero hawak-hawak parin ang DSLR camera ko..
...pinagmamasdan ang litrato niya.
Naka ngiting pinagmamasdan ko lang ito hanggang sa dinatnan ako ng aking antok ,at natulog na.
Nakatulog ako na siya ang linalaman ng isip ko.