◆◇◆EPILOGO◆◇◆

53 4 4
                                    

*Emman Kanon's Point of View*

Hilig ko ang pag pho-photography. 3rd year high school ako sa Staz Academy. Lage akong may dala-dalang DSLR camera sa bag ko kahit noong elementary palang ako,kahit digital cam lang okay na sa akin,kahit 2 megapixel na camera ok na rin. Ang importante sa akin ay ang anggulo ng mga litrato.

Naglalakad ako sa plaza upang kumuha ng mga litrato. Palubog na ang araw kaya maganda ang kulay ng mga ulap sa kalangitan,pero hindi pa naman kumakagat ang dilim..

*click*

*click*

*click*

Nananalagi ako dito sa Plaza,ang tahimik kasi dito at ang ganda pa ng atmosphere. Nakaka-relax. Sa school kasi ang daming matataas ang tingin sa sarili porke't magaganda,mga gwapo,at mayayaman. Ewan ko ba,kahit maganda ang view sa school namin ayaw ko sa mga budhi ng mga tao doon. Napipili lang ang may mapuputing budhi.

*click*

*click*

*click*

*click*

Naka 100 shots na siguro ako dito sa plaza,napagod narin ako sa pag te-take ng mga shots kaya umupo na ako sa bench. I scanned all of my shots. Tahimik lang ako sa pag sc-scan..

*click*

*click*

*click*

...bigla akong napalingon kahit saan dahil may narinig ako na *clicks ng isang camera,rinig na rinig ko sila dahil tahimik sa mga oras na ito. Hinanap ko kung saan nang-ga-galing ang mga *clicks na naririnig ko..

*click*

*click*

*click*

..ayon na naman,naririnig ko nanaman ang mga *clicks ng isang camera na di-kalayu-an sa akin.

*click*

Sa pagkakataong ito napalingon na ako sa tamang direksyon. Nasilayan ko ang isang babae na may dala-dalang DSLR camera,kumukuha din siya ng mga shots tulad ko.

Pinagmamasdan ko siya ng palihim. Ikot lang siya ng ikot sa buong plaza at masayang-masaya na nag te-take ng pictures. Naka uniporme parin siya,marahil ay dumiretso agad siya dito sa plaza upang kumuha lamang ng litrato sa mga view dito.

Kung titingnan.. ang kagandahan niya ay hindi agad napapansin ng mga nakatingin sa kanya,naka-suot kasi ng eyeglasses ang babaeng ito eh. Napansin kong mga ilang minuto na siyang naglalakad upang makapag-picture lamang.

*click*

*click*

*click*

"Hindi ba siya napapagod?"

*click*

*click*

*click*

Patuloy parin ako sa pagmamasid sa kanya,habang tumatagal ang pagmamasid ko sa kanya napagtanto ko na ang ganda pala ng mga ngiti niya, lalo na ang mga mata niya. May biglang pumasok sa kokote ko sa mga oras na iyon,kinuha ko ang DSLR camera ko at ini-zoom-in ito ng todo na ma close-up sa nakangiti niyang mukha..

*click*

Pinagmasdan ko ang ka-kukuha ko lang na litrato sa babaeng iyon.

SHOCKS! tinamaan ata ako!

Sa araw na iyon,sa isang simpleng *click* ng camera ko.. 

..na capture nito ang puso ko.

CLICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon