CLICK 3

32 3 0
                                    

DAY 2

Maaga kaming nagising lahat,naligo ang ibang ka-klase ko't habang ang iba ay nag-luluto ng almusal namin. Atsyangapala,hulaan niyo kung ano ang ginagawa ko? 

OO.

PINAGMAMASDAN ULIT ANG PICTURE NIYA.

Naloloka na kung naloloka,ganito ako ka obssessed sa kanya! Hahaha. 

"Noonna!",na distract ako sa boses ng advisor namin,"halika nga dito't tumulong ka sa pag-a-arrange ng mga plato,tutal tapos ka naman din naligo."

I turned off my DSLR at isinatabi ito sa safe place,"Po! Papunta na po."

Habang nag aarange ng plato,napansin kong ginalaw ni Dawna ang DSLR camera ko. Minadali ko ang pag-a-arrange ng mga plato at agad tumungo sa kaniya,at hinatak ang camera ko.

"EXCUSE ME,THAT'S MY CAMERA!"

"W-wow?! palaban ka na ngayon ha?!"

"Wala namang mali dun eh,akin naman itong camera."

"Well,sayo nga iyan,pero ang picture na nasa loob niyan naman ang akin."

Sa totoo lang,gusto ko na siyang sabunutan sa sinabi niya,mabuti na lang ay nakapagpigil ako. Ako kaya ang unang nakakita kay Emman.

"Isa na lang talaga Dawna,hindi kita tutulungan sa hinihingi mong pabor.",ang mukha ni Dawna na kanina'y mataray ay napalitan ng mukhang parang anghel at niyakap ako."Sorry na oh~ anong gusto mo mamayang snacks? libre kita! ^______^ "

Sarap talaga patayin ng babaeng ito. If only looks could kill...

( ̄ε(# ̄)⇦ganito na siya ka bugbog sarado!!

~*~

Nasa isang school kami ngayon na kung saan gaganapin ang iba pang mga categories sa event na ito,wala pa naman akong event pero sumama-sama lang naman ako. Syempre,dala-dala ko sa leeg ko ang camera ko,nag-babasakaling makita ko siya dito.

At oo nga,hindi ako nagkakamali nakita ko siya ulit. Ang saya-saya ko grabeeeeeeh~~~ At sa pangalawang pagkakataon..

*click*

May pangalawang litrato na ako sa kanya! 

Pinagmamasdan ko nanaman ang ka-kukuha ko'ng litrato sa kanya. Napa-isip tuloy ako.. kailan pa kaya ako magkakaroon ng lakas na loob na maka-usap siya? Ganito lang ba ako lage? *click* ng *click* ng camera ko? Hanggang picture lang ba? 

Sana nga..

..darating ang araw na lalapitan niya ako.

"Noooonnnaaaa!! Nandito ka lang pala!! kanina pa kita hinahanap!!"

Ayun na naman ang maka-sira ear drums na boses ni Dawna.

"Bakit mo ako hinahanap?",nabigla ako nang pinatong niya ang magkabilang kamay niya sa balikat ko at iniharap ako sa isang direksyon.

..sa direksyon ni Emman.

"Nakikita mo iyon??"

Tumango lang ako.

"..puntahan mo siya at kaibiganin mo na agad! ikwento mo ako sa kaniya,at doon mo na ako i-reto! Okie? okie?!"

Hindi sana ako papayag pero tinulak na niya ako sa direksyon na iyon. Wala akong magawa, dahil kahit kailan man.. hindi ako marunong tumanggi.

Nahihiya talaga ako,as in N-A-H-I-H-I-Y-A!! nakakahiya din naman itong pinapagawa sa akin ni Dawna oh! Kung pwede palang na kasing kapal ng pwet ko ang mukha ko,pero hindi eh!! Pambihira ito oh~

CLICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon